BAN SA PLASTIC BAGS MULING IPINATUPAD SA QC

MULING ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon ang pagbabawal ng paggamit ng plastic bags sa pamimili sa mga establisiyemento sa buong siyudad. Kasama ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Environmental Protection and Waste Management Department head na si Andrea Villaroman at ang personnel mula sa Market Development and Administration Department, sa pagtungo sa Galas, Muñoz, Suki, A. Bonifacio, Frisco at Kamuning markets sa lungsod para mamahagi ng bayongs at ecobags sa mga namimili. Maging ang isang supermarket sa Barangay Kamuning ay binisita ng grupo. Ang nasabing aktibidad…

Read More

CERRITOS HEIGHTS HOA UMAPELA KONTRA MONOPOLYO NG PLANET CABLE

UMAPELA ang mga residente ng Cerritos Heights, sa pamamagitan ng Cerritos Heights Homeowners Association Inc. (CHHAI), para sa instalasyon ng fiber internet at landline facility sa kanilang subdivision sa Molino 4, Bacoor City, Cavite. Sa isang petisyon, inireklamo ng mga residente ng Cerritos Heights Phases 1 at 2, Cerritos Terraces, at Cerritos Hills Phases 1, 2, at 3 na ang Planet Cable ang tanging provider ng fixed internet sa lahat ng phases ng kanilang subdivision. Ayon sa mga petitioner, dahil sa monopolyo ay napipilitan silang magtiis sa hindi magandang serbisyo…

Read More

Walong taon inimbestigahan ng NBI 4 BOC OFFICERS, NADIIN SA BASURA NG CANADA

WALONG taon ang inabot ng National Bureau of Investigation (NBI) bago natukoy ang mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) na siyang may kasalanan sa pagpasok ng tone-toneladang mga basura mula sa Canada noong taong 2013 at 2014. Tinukoy ng NBI ang mga kawani na sina BOC examiners Benjamin Perez Jr. at Eufracio Ednaco, at BOC appraisers Matilda Bacongan at Jose Saromo. Batay sa resolusyon ng mga prosekyutor ng Department of Justice (DOJ) na inilabas noong Disyembre 4, 2020, kasong kriminal ang nararapat isampa laban kina Perez, Ednaco, Bacongan at…

Read More

PAGDATING NG ASTRAZENECA VACCINES NAUDLOT

NAUDLOT ang nakatakda sanang pagdating ngayong araw sa bansa ng 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, baka maurong ng one week ang pagdating ng nasabing bakuna dahil sa global shortage. Sinabi ng kalihim na ito ang sinabi sa kanya ng COVAX facility. Nauna nang inanunsyo ng Malakanyang ang pagdating sa bansa ng 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines, na ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay kabahagi ng first round ng inilaan na doses na makukuha ng Pilipinas mula sa COVAX facility. Mayroon aniyang inaasahan…

Read More

OFW NA GUSTONG-GUSTO NANG MAKAUWI

ISANG liham ang muli n ating natanggap mula kay Noel Salvo Jr. Siya ay isang overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho ngayon sa Ras Tanura, Kingdom of Saudi Arabia. Ang problemang kaniyang idinulog sa AKOOFW ay may kinalaman sa estado ng kaniyang Tatay na nagtatrabaho rin sa nabanggit na bansa. Pauwi na sana si Tatay Noel Salvo Sr. noong 2018 mula sa Riyadh nang mapigilan ng isang kaso na isinampa laban sa kaniya ng Ministry of Interior ng Saudi Arabia. Ang problema, hindi malinaw kung ano ba ang kaso na…

Read More

BELGICA, MUNTIK NANG SAKMALIN NG BUWAYA

TILA walang pangil ang isinagawang inspeksyon ni Anti Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica sa Bureau of Immigration matapos itong maglibot sa mga tanggapan ng ahensya. Kasama ni Belgica ang kanyang mga tauhan na tila Boyscout pa lamang sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga napapabalitang katiwalian sa ahensya. Sinalubong din siya ng isang tinaguriang buwayang Hepe na siyang nagsilbing parang tourist guide. Nagkaroon ng isang sandaling pagpupulong sina Belgica at mga Opisyal pati na rin ang inaabangang kanya kanyang selfie at plastikan na ang isa pang hepe ay…

Read More

PAG-IINGAT SA SARILI, KAILANGAN PA RIN SA KABILA NG PAGDATING NG BAKUNA

NAPABALITA kamakailan ang pagkaantala ng pagdating ng bakuna sa bansa. Ang bakuna mula sa Pfizer-BioNTech na dapat sana ay darating sa kalagitnaan ng buwan ng Pebrero ay naantala dahil sa ilang dokumentong may kinalaman sa indemnification fund base sa pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. Bagama’t hindi pa tapos ang pagreresolba sa naging dahilan ng pagkaantala ng pagdating ng nasabing virus, ipinahayag naman ng pamahalaan ang nakatakdang pagdating ng bakuna mula sa Sinovac, isang parmasyutikal na kumpanya sa China. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakatakdang dumating sa katapusan…

Read More