HINDI pa rin nagbabago ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa pinakabagong development sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kinakailangan na malutas ang hindi pagkakasunduan sa WPS sa pamamagitan ng UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Ani Sec. Roque, nandiyan ang desisyon ng UN Tribunal na nagsasabing walang basehan ang tinatawag na historic claims to waters ng China. Bukod pa sa nakasaad din aniya sa desisyon ng UNCLOS na ang malaking bahagi ng WPS ay sakop ng Exclusive Economic Zone…
Read MoreMonth: April 2021
SISTEMA SA VACCINATION NG LGUs PINALALATAG
KAILANGANG masiguro ng mga nasa lokal na pamahalaan na kanilang maaabisuhan ang mga nasa substitution list bilang parte ng hakbang ng pamahalaan na masigurong walang bakunang masasayang. Ito ang inihayag ni testing czar Secretary Vince Dizon sa harap ng kani-kaniyang diakarteng ipinatutupad ng mga nasa LGU sa nagpapatuloy na vaccination program. Sinabi ni Dizon na kaya may substitution list ay upang hindi mangyari ang vaccine wastage. Dangan lang at kailangan talagang matiyak ng isang kabilang sa substitution list na madali siyang matatawagan sakali’t may isang babakunahan na hindi sumipot sa…
Read MoreMahinang efficacy rate ng China vaccines NO PROBLEM SA PALASYO
WALANG nakikitang problema ang Malakanyang sa naging pahayag ng isang Chinese official na ang mga Chinese vaccine ay walang gayung kataas na efficacy rate. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, sabihin mang tama na nasa singkuwenta porsiyento lang ang efficacy rate ng bakuna ng China ay mabisa pa rin itong proteksiyon. Aniya, paulit-ulit ang mga eksperto na kahit 50 percent lang ang efficacy rate ng isang bakuna ay garantiya pa rin naman ito para hindi tamaan ng komplikasyon ng COVID-19 at pagkamatay. Sa kabilang dako, sinabi ni Roque na nagkaruon…
Read MoreSK FEDERATION PREXY ITINUMBA SA BAHAY
LAGUNA – Patay ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation president ng bayan ng Lumban matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa loob mismo ng kanilang bahay sa isang subdibisyon sa naturang bayan noong Martes ng hapon. Kinilala ng Lumban Police ang biktimang si Renzo Matienzo, 26, residente ng Barangay Maytalang 1. Batay sa report ng pulisya, bandang alas-5:15 ng hapon nang pasukin ng suspek na nakasuot ng bonnet at face mask ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto at malapitang pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na baril. Agad nalagutan ng hininga…
Read More3 SUGATAN SA 2 SUNOG SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang mahigit 500 pamilya ang nawalan ng tirahan habang tatlo katao ang naiulat na nasugatan sa dalawang sunog na nangyari sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni Corporal Christian Jovita ng Dasmariñas City Police, dakong ala-1:15 ng hapon noong Martes nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Sitio Tibag, Brgy. Panapaan 3, Dasmariñas City. Dahil gawa lamang sa light materials ang mga bahay ay mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang kabahayan. Dakong ala-1:25 ng hapon ay umabot sa ikatlong alarma ang…
Read MoreBAGONG LAYANG TULAK DINUKOT NG ARMADO
TAGAYTAY City – Dinukot ng limang armadong kalalakihan ang isang suspek sa ilegal na droga na kalalaya lamang mula sa BJMP nitong Martes. Ayon sa salaysay ng misis, binabagtas nila ng biktimang si Mughomu Asnaludding Muslimin ang daan pauwi sa kanilang bahay mula sa BJMP lulan ng motorsiklo dakong alas-4:35 ng hapon. Ngunit ilang metro pa lamang silang nakalalayo nang huminto sa kanilang tapat sa Barangay Guinhawa North, Tagaytay City ang puting Toyota Innova na walang plaka. Pagkaraan ay dinakma umano ng mga armado ang biktima at isinakay sa kanilang…
Read MorePASLIT, 2 PA PATAY SA AMBUSH SA COTABATO
COTABATO CITY – Hinihinalang personal na alitan ang motibo sa pananambang na ikinamatay ng tatlo katao, kabilang ang isang paslit sa lungsod na ito, noong Martes ng umaga. Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni P/Col. Rommel Javier, director ng Cotabato City Police Office, para sa pagkakakilanlan ng mga suspek sa pananamabang. Kinilala ni Col. Javier, ang mga napatay base sa kanilang identification cards na sina Ali Abdurahim Tamal, ng Shariff Aguak, Maguindanao, Norma Dalimbang Sapi, ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, at isang batang lalaki na pansamantalang hindi muna…
Read More6 PATAY SA COVID-19 SA MALABON, CALOOCAN
APAT ang patay sa Malabon City dahil sa COVID-19 noong Abril 13 at umakyat na sa 361 ang pandemic fatalities. Ayon sa City Health Department, 104 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 10,877 ang positive cases sa lungsod, 834 dito ang active cases. Sa kabilang banda, 61 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Dalawa naman ang patay sa pandemya sa Caloocan City noong Abril 13 at 1,077 ang active cases. Sumampa na sa 21,399 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 19,696 na…
Read MoreP210-M shabu nasabat 2 DRUG DEALERS NAPATAY SA LAS PIÑAS
TINATAYANG mahigit sa P210 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang anti-narcotics operation na ikinamatay ng dalawang kasapi ng Amarga drug syndicate noong Martes ng gabi sa Sherack St., Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City. Sa ulat na ibinahagi ni PNP chief, General Debold Sinas, napatay sa ikinasang buy-bust operation sina Richard Jen Jieko (Coco/Kokoy) Salameda Amarga at Andrew Guinto Garcia. Una rito, nakipagkasundo ang mga pulis sa pamamagitan ng isang poseur buyer para makabili ng isang kilo ng shabu sa halagang P1 milyon ngunit…
Read More