CHINA LUMAKAS ANG LOOB NANG MAPALAYAS ANG US BASES

KUNG mayroong nakinabang sa pagpapalayas ng 12 Senador sa United States (US) Bases sa Pilipinas ay ang China dahil mula nang mawala ang dayuhang puwersa na ito sa ating bansa, naging agresibo na ang communist country na ito sa pananakop sa ating teritoryo sa West Philippine Sea. September 16, 1991 nang magbotohan ang mga Senador kung paaalisin ba o hindi ang US Bases sa Pilipinas at dahil matindi ang pagiging anti-bases sa bansa noong panahong yun, nanalo sa botohan ang mga anti-US Bases Senators. Kabilang sa mga Senador na bumoto…

Read More

CAR INSURANCE INIREKLAMO SA PUNA

INIREKLAMO ni Eric Normor ng Bignay, Valenzuela City ang People’s General Insurance Corporation na nakabase sa Intramuros, Maynila dahil hanggang ngayon ay hindi pa pinagagawa ang kanyang sasakyang naaksidente noon pang nakaraang Disyembere 2020. Sa police report na ibinigay sa atin mula sa Quezon Police Provincial Office, naaksidente ang isang Hyundai Accent 1.4 GLA Sedan na may conduction sticker K114227 sa Quirino Highway, Brgy. San Francisco, Tagkawayan, Quezon na pag-aari ni Ginoong Normor. Pagkatapos maaksidente ang sasakyan ay agad nila itong inireport sa naturang insurance company subalit sa halip na…

Read More

ANGAT ANG EKONOMIYA KUNG 6.5% ANG GDP

LUBOS na naniniwala ang mga ekonomista ng National Economic and Development Authority (NEDA), sa pangunguna ng pansamantalang pinuno nito na si Karl Kendrick Chua, na aangat ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2021. Ang eksaktong tudla ng NEDA ay 6.5 porsiyentong Gross Domestic Product (GDP) ang makakamit na pag-angat sa ekonomiya ng bansa. Walang dudang angat ang ekonomiya ng ating bansa kung makamit ang 6.5% GDP dahil napakalayo ito mula sa negatibong higit siyam na porsiyentong GDP noong 2020. Ang negatibong higit 9% na GDP ay siyang pinakamasahol mula noong 1946,…

Read More

Chinese vessels sa WPS lalong dumami 240 TONS ISDA KADA ARAW LILIMASIN SA PHL (JESSE KABEL)

MAUUBUSAN ng isda ang mga Pilipino sakaling puro fishing vessel ang 240 barko ng China na namamalagi sa paligid ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Ayon sa National Task Force-West Philippine Sea (NTF-WPS), dahil sa laking 60 metro, may kakayahan ang 240 barko na makahuli ng 240 tonelada ng isda araw-araw sa pamamagitan ng illegal fishing sa karagatan ng Pilipinas. Sa gitna ng patuloy na pagdami ng mga barko ng China sa paligid ng teritoryo ng Pilipinas ay napapanahon na umanong paigtingin ang maritime patrolling sa West Philippine Sea…

Read More

Pamamahagi ng ayuda palpak pa rin MAHIHIRAP ‘GINUGUTOM’ NG DSWD

(BERNARD TAGUINOD) DISMAYADO ang lider ng oposisyon sa mababang kapulungan ng Kongreso sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil mistulang hindi ito natuto sa kanilang trabaho. “They have never learned!” ani House Minority Leader Joseph Stephen “Caraps” Paduano matapos aminin ng ahensya na sa dalawang linggong pamamahagi ng P1,000 ayuda ay 8% pa lamang ang nabigyan ng tulong pinansyal. Ang national government ay naglaan ng P22.9 billion para bigyan ng tig-P1,000 ang bawat mamamayan sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan na naapektuhan sa enhanced community quarantine…

Read More

FDA, PNP KUMAMBYO SA IVERMECTIN

(NELSON S. BADILLA/BERNARD TAGUINOD) MISTULANG kumambyo ang Food and Drug Administration (FDA) at Philippine National Police na naunang naatasan na tugisin ang mga magbebenta o gagawa ng Ivermectin, umano’y gamot na nakatutulong sa pagpapagaling ng mga tinamaan ng COVID-19. Kahapon, inihayag ng FDA na “hindi bawal” ibenta ang nasabing gamot. Ang paglilinaw ng FDA ay pinaniniwalaang resulta ng posibleng pagsiklab ng ‘galit’ ng mga Pilipino sa pagbabawal ng ahensiya na ibenta ang Ivermectin kung malaki ang maitutulong nito bilang proteksiyon ng mamamayan mula sa coronavirus disease-2019 (COVID-2019) kumpara sa ibang…

Read More

Mungkahi ni Defensor para sa Bayanihan 3 NATIPID SA PANDEMYA GAMITIN SA AYUDA

DAANG bilyong piso sa 2021 national budget ang hindi nagagamit ng gobyerno dahil sa pandemya sa COVID-19 kaya iminungkahi ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na gamitin na lamang ito sa ikatlong ayuda. Ginawa ni Defensor ang panukala matapos umapela si Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Kongreso na tulungan ang Department of Finance (DOF) sa paghahanap ng pondo para sa Bayanihan 3. “I agree with Secretary Dominguez and I am suggesting that one source is the huge amount saved by the national government from lockdowns and other movement restrictions…

Read More

Poe: Karahasan walang puwang sa pandemya SANGKOT SA PAGKAMATAY NG CURFEW VIOLATORS PANAGUTIN

ANG hindi maibsang paghihirap ng mga ordinaryong Pilipino sa gitna ng patuloy na quarantine ay hindi dapat suklian ng kalupitan at karahasan ng hindi karapat-dapat na tagapagpatupad ng batas. Ito ang pahayag ni Sen. Grace Poe sa gitna ng panawagan ng hustisya ng pamilya at mga mahal sa buhay ng isang curfew violator na inihatid sa huling hantungan sa Quezon kahapon matapos diumanong gulpihin hanggang sa mamatay ng mga barangay tanod sa Laguna. “How can they afford to torture to death their already helpless constituent amid the hunger, poverty and…

Read More

13 napatay, 110 nasakote KRIMINAL MAUUBOS SA PNP-AKG

NASA 110 wanted personalities na ang nadakip ng mga operatiba ni Philippine National Police-Anti Kidnapping Group director, P/Brig. Gen. Jonnel C. Estomo sa loob lamang ng halos tatlong buwan. Ayon sa datos na inilabas ni PNP-AKG spokesperson, P/Lt. Col. Ronaldo Lumactod, mula unang araw ng Pebrero hanggang Abril 13, 2021, nasa 110 wanted personalities ang kanilang naaresto bukod sa 13 killed in action sa mga inilunsad na AKG police operations. Base sa istadistika na ibinahagi ni Col. Lumactod, 52 ang kabilang sa top 1 to 10 level most wanted persons;…

Read More