ARESTADO ang tatlong menor de edad makaraang makumpiskahan ng anim na kilo ng umano’y shabu sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City noong Linggo. Nakatakdang i-turnover ng PDEA RO-NCR RSET sa tanggapan ng DSWD ang mga suspek na isinailalim muna sa quarantine bilang pagtalima sa health protocol kaugnay sa pandemya ng COVID-19. Ang mga suspek ay nadakip sa joint operation ng PDEA RO-NCR RSET 1 & 2, PDEA SDO, PDEA EDO, TF NOAH, SIF ISAFP, RID NCRPO, Eastern Police District, at Mandaluyong City Police Sub-Station 6. Ayon sa ulat, nagsagawa ang…
Read MoreMonth: May 2021
P68-M shabu nakumpiska 2 DRUG SUSPECTS PATAY SA ANTI-NARCOTIC STING
PATAY ang dalawang drug personality habang tinatayang P68 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang joint anti-narcotics operation ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Karuhatan Village 1, Muntinlupa City. Ang napaslang ay mga miyembro ng kilabot na Divinagracia group, ayon sa PNP Drug Enforcement Group at NCRPO Regional Drug Enforcement Unit. Sa inisyal na imbestigayon, magpapalitan na ng pera at kontrabando ang mga suspek at poseur buyer ng pulisya nang nakatunog umano ang mga ito na pulis ang mga katransaksyon. Sinubukan umanong makawala sa dragnet…
Read More1 natodas sa Navotas 4 DAGDAG SA COVID CASUALTIES SA CALOOCAN
APAT ang naitalang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City habang isa ang binawian ng buhay dahil sa nasabing sakit sa Navotas City noong Mayo 23. Pumalo na sa 30,460 ang tinamaan ng COVID-19 sa Caloocan, kung saan 28,502 na ang gumaling, 888 ang namatay at 1,070 ang active cases. Samantala, 10,782 na ang nasapul ng pandemya sa Navotas, at sa nasabing bilang ay 10,277 na ang gumaling, 356 ang namatay at 149 ang active cases. Nanatili namang 435 ang COVID death toll sa Malabon City makaraang walang naitalang namatay. Wala…
Read MoreParcels agad idi-deliver – PhilPost SENDING NG NOTIF CARDS, STOP NA
BUNSOD nang mabagal na proseso ng paghahatid ng sulat o parsela, ipinatigil na ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) ang luma at matagal nang isinasagawang pag-iisyu ng notification cards. Ayon sa pamunuan ng PhilPost, sa kasalukuyan ay hindi na magpapadala ng notification cards at agad nang ide-deliver ang mga parcel upang hindi ito matengga sa post office. “Kapag dumating na ang parsela sa kanilang tanggapan at naiproseso na, wala nang dahilan upang ito ay magtagal pa sa post office. Hindi na kailangang antayin pa ang notification cards at ito ay kaagad…
Read MoreCPP-NPA-NDFP, PERSONA NON-GRATA SA PINAS
PATULOY ang pagsikip ng mundong ginagalawan ng mga opisyal at kasapi ng Communist Party of Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP) dahil 84 porsiyento ng mga rehiyon, lalawigan, lungsod at munisipalidad sa buong bansa ay nagdeklarang bawal na silang kumilos at magtago sa nasabing lawak na bahagi ng buong arkipelago. Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, 84 porsiyento ng 1,715 lalawigan, lungsod at munisipalidad sa buong bansa ay nagpasa ng kani-kanilang resolusyon na tahasang bumabatikos at nagkokondena sa mga krimen at kontra-mamamayang nagawa ng CPP-NPA-NDFP. Idineklara rin…
Read MoreP1K AYUDA SA BAYANIHAN 3 MAARING PAGMULAN NG GULO
POSIBLENG pagmulan ng kaguluhan ng bawat pamilya ang isinusulong ng Kamara na pamamahagi ng P1,000 kada tao sa ilalim ng Bayanihan 3. Nakapanlulumo, ani dating House Speaker at Taguig City Representative Alan Peter Cayetano sakaling matuloy ang panukalang ito ng liderato ng Kamara dahil unang-una, sa halip na mahawakan ng isang haligi ng tahanan ang mas malaking halaga na maaari itong gamitin sa negosyo ay agad itong mapapasakamay ng anak na imposibleng ibigay sa magulang dahil sa kanila ang perang ibinigay. Inihalimbawa ni Rep. Cayetano ang isang pamilya na may…
Read MoreBOC PORT OF MANILA NAKAPASA NA SA 1ST STAGE NG ISO AUDIT
Matagumpay na naipasa ng Bureau of Customs (BOC) Port of Manila (POM) ang first stage ng International Organization for Standardization (ISO) Audit na ginanap noong nakaraang Mayo 20, 2021. Dahil dito, ay inirekomenda na ang BOC Port of Manila (POM) para sa Stage 2 ng ISO Audit. Ang audit ay isinagawa ng External Auditor mula TUV SUD para ma-evaluate kung ang POM ay nakasunod sa requirements para sa ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) Certification. Ang audit ay bahagi ng proseso para makuha ang nasabing ISO certification. Si POM District…
Read MoreBOC NAKIISA SA PH TRADE FACILITATION COMMITTEE
Ang Bureau of Customs (BOC), sa ilalim ng Executive Order No. 136 series of 2021, ay nakiisa sa Trade Facilitation Committee bilang Vice-Chairperson. Sa Executive Order (EO) na nilagdaan noong Mayo 18, 2021 ni President Rodrigo R. Duterte na pagbuo ng Philippine Trade Facilitation Committee (PTFC) ay bilang pagtupad sa World Trade Organization – Trade Facilitation Agreement (WTO-TFA). Layunin ng pagbuo ng nasabing committee ay para sa paghahanay at pagpapaganda ng pamamaraan at pagpapadali sa implementasyon ng ‘rational, efficient, and simple customs rules’. Ang committee ay pag-aaralan, ang panakula at…
Read More2 KASONG KRIMINAL VS IMPORTERS, CUSTOMS BROKERS ISINAMPA NG BOC
Muli na namang nagsampa ng dalawang (2) kasong smuggling ang Bureau of Customs sa Department of Justice (DOJ) laban sa importers at custom brokers ng imported aluminum products, airsoft guns at accessories. Isinampa ang criminal complaint laban sa Mega Precision Corporation at kanilang customs broker para sa umano’y importasyon ng undeclared 2,000 piraso ng aluminum profiles noong ika-16 ng Agusto, 2018 sa Port of Manila. Ang nasabing kalakal ay tinatayang nagkakahalaga ng P821,461.69. Ang Mega Precision Corporation at kanilang signing customs broker ay may paglabag sa Republic Act No. 10863,…
Read More