PANIBAGONG 500,000 DOSES NG SINOVAC VACCINES PRINOSESO NG BOC-NAIA

Ni JOEL O. AMONGO Mabilis na prinoseso ng Bureau of Customs – Port of NAIA at National Task Force Against COVID-19 (NTF) ang pagrerelease sa karag­dagang 500,000 doses ng Sinovac BioNtech vaccines noong Mayo 20, 2021. Ang shipment ay naka-consigned sa Department of Health (DOH) na dumating via Flight No. 5J 671 sa Terminal at pre-cleared na ito ng One-Stop-Shop ng BOC-NAIA. Ang pagdating ng Sinovac vaccines ay sinaksihan nina Department of Health Secretary, Francisco Duque III at Chief of Presidential Protocol Undersecretary Robert Borje. Agad na ikinarga sa reefer…

Read More

BI LAWYER SUPALPAL KAY DOJ SECRETARY

SUPALPAL ang isang ambisyosong abogado sa Bureau of ­Immigration (BI) makaraang lumiham ang kanyang grupo kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na maglabas ng Department Order na siya’y italaga bilang Chief Personnel ng ahensya. Si Atty. Archimedes Cano ay itinalaga ni BI Commissioner Jaime Morente bilang pansamantalang hepe ng Personnel makaraang kasama sa mga nabigyan ng 6 months preventive suspension ng Office of the Ombudsman si dating Port Operations Division Chief, Grifton Medina at iba pa nitong kasama. Ayon sa nakuha nating dokumento mula sa ating tropang naka-assign…

Read More

PASASALAMAT SA MGA OPISYALES NG EMBAHADA AT POLO-OWWA SA SAUDI ARABIA AT KUWAIT

SIMULA pa lamang ng tayo ay magsulat ng ating kolum na AKO OFW ay puro paghingi ng tulong, sumbong at pagsaklolo ang ating naisulat. Sa halos dalawang taon na ito, ay hindi pa natin lubusang nabibigyan ng pagpupugay ang mga taong naging daan para matugunan ang mga sumbong ng ating mga kabayani at ­maging ng pamilya ng ating mga kabayani. Kaya sa araw na ito ay atin munang babalikan ang ilan sa mga sumbong at paghingi ng tulong na atin nang nabigyan ng aksyon sa tulong ng mga opisyal ng…

Read More

BULACAN SOLAR

KASABAY ng pagiging ­moderno ng panahon ay ang paglala ng mga suliraning pangkapaligiran ng mundo. Isa na dyan ang suliranin ng climate change. Ayon sa National Oceanic and Atmosphere Administration, ang nakaraang apat na taon ay maituturing na pinakamainit sa loob ng 139 na taon. Ito ay resulta ng inilalabas na greenhouse gas ng mga tao sa kapaligiran. Ang mga greenhouse gas na ito ay kadalasang carbon dioxide mula sa pagsusunog ng petrolyo. Magandang balita naman dahil kasabay ng pagiging moderno ng panahon ay ang pagkakaroon ng modernong teknolohiya na…

Read More

Si Freddie Roach, coach-trainer ng boksingerong amatyur

LUMIPAD patungong Dubai si Tokyo Olympian Eumir Marcial noong Sabado upang lumahok sa Asian Elite Boxing Championships kung saan plano niyang ipagpatuloy ang kanyang paghahanda para sa XXXII Palaro ng Olimpiyada na nakatakdang ganapin sa Tokyo dalawang buwan mula ngayon. Ang torneo sa Dubai, na nakatakdang magsimula ngayong araw ay huling yugto ng kanyang paghahanda sa layong mahandugan ang Pilipinas ng kauna-unahang gintong medalya mula sa tuwing ika-apat na taong pagtitipon ng pinakamahuhusay na atleta sa daigdig. Dala ng 25 anyos na Zamboangueño ­papuntang Dubai ang halos pitong buwang ­paghahanda…

Read More

‘Love affair’ sinisilip na motibo SEPARADA PINATAY SA LOOB NG KOTSE

CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite Police ang hinggil sa pagkamatay ng isang 58-anyos na ginang na binaril sa loob ng kotse sa bakanteng lote sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Ang biktimang kinilalang si Ludivina Jarvis, hiwalay sa asawa, ay nakitang may isang tama ng bala sa kaliwang sentido na tumagos kanan. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Marvin Rae Calaor ng Dasmariñas City Police, dakong alas-5:45 noong Sabado ng umaga habang nagsasagawa ng roving inspection si Giovanni Tiapon, 56, security officer ng Jericko Security Agency,…

Read More

2 pa sugatan RIDER TODAS SA SUV NG KONSEHAL

QUEZON – Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan ang dalawang backrider nito makaraang araruhin ang kanilang sasakyan ng isang SUV na minamaneho ng isang municipal councilor sa Maharlika Highway, Brgy. Sto. Domingo sa bayan ng Calauag sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Idineklarang dead on arrival sa Saint Peter Hospital ang biktimang si Michael Santiquia, 42-anyos, company driver, habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang mga backrider nito na sina Aloja Ocial, 33, at Catherine Ocial, 16-anyos. Batay sa report ng Calauag Police, magkasalubong ang motorsiklo ng mga biktima…

Read More

DYOWA IPINATUMBA GINANG SWAK SA SELDA

BATANGAS – Arestado ang isang ginang makaraang ikanta ng dalawang hired killer na siya umano ang utak sa pagpatay sa kanyang live-in partner sa lungsod ng Sto. Tomas sa lalawigang ito. Unang naaresto ng Sto. Tomas Police ang mag-amang hitman nang masabat ang mga ito sa checkpoint matapos mangyari ang krimen noong Huwebes ng gabi. Sina Alexander Rosas Llanto at John Patrick Dela Cruz Llanto ay palusot na sana sa checkpoint sa Brgy. San Antonio, Sto. Tomas City nang madakma ng nagbabantay na mga tanod bandang alas-9:35 ng gabi. Ayon sa pulisya, ang…

Read More

3 PUMALAG NA TULAK PATAY SA PARAK

BULACAN – Patay ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang manlaban umano sa mga pulis sa ikinasang anti-illegal drug operations sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng San Ildefonso sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, ang mga napatay na sina Noe Ababa, isang alyas Dagul at isang hindi kilalang kasamahan nito. Base sa report ni P/Lt. Col. Carl Omar H. Fiel, acting chief of police ng San Ildefonso Municipal Police, ala-1:20 ng madaling araw noong Sabado nang magkasa…

Read More