Papel ng local officials pinahaharang sa Kamara BAYANIHAN 3 POSIBLENG MAGAMIT SA VOTE BUYING

HINDI isinasantabi ng isang mambabatas sa Kamara na magagamit ng mga incumbent local official ang Bayanihan 3 na pinagtibay na ng mga mambabatas sa nasabing kapulungan. Sa kanyang interpelasyon sa joint hearing ng House committee on social service at economic affairs para sa pinal na pag-apruba sa Bayanihan 3, sinabi ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na kailangang tiyakin na hindi magamit ng mga local official ang ayuda para sa kanilang political interest. Ginawa ni Rodriguez ang nasabing pahayag dahil nakasaad sa Section 6 ng nasabing panukala na…

Read More

Kontrata ng Comelec at Smartmatic nauna sa awarding BIDDING SA AES SOFTWARE MORO-MORO?

NAISULAT na ang kontrata sa pagitan ng Commission on Elections (Colemec) at Smartmatic para sa pagbili ng Automated Election System (AES) software, isang buwan bago ang awarding? Sa nag-leak na dokumento hinggil sa contract agreement na may numerong CA21-02-014 at BAC Reference No. 04-2020EVCS, nakasulat ang “This Contract, made and entered into _____day of April 2021, in the City of Manila, Philippines, and between: Tinatakan na lamang ng May 04, 2021 ang iniwang blangko sa nasabing kontrata na nilagdaan nina Comelec chairman Sheriff M. Abbas, Geraldin Guevara, chairperson, at “with…

Read More

VCMs AT SD Cards ng Smartmatic ipinanalo ng Comelec INSTRUMENTO SA DAYAAN PINABORAN

(NELSON S. BADILLA) VOTE counting machines (VCMs) at secure digital (SD) cards ang dalawa sa mga teknolohiyang ginagamit sa paglulunsad ng automated election system (AES) ng Commission on Elections (Comelec). Ang dayuhang kumpanyang Smartmatic Corporation ang nagsuplay ng VCMs at SD Cards na ginagamit ng Comelec tuwing halalan dahil palaging nagwawagi ang nasabing korporasyon sa bidding ng nasabing ahensya. Napakahalagang isyu ang VCMs at SD Cards, sapagkat ito ang itinuturong ‘instrumento’ sa pandaraya sa eleksyon tulad ng reklamo ni dating Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Korte Suprema laban kay Bise…

Read More

18 KABATAAN DINAMPOT SA B-DAY PARTY

CAVITE – Umabot sa 18 kabataan ang dinampot habang nagkakasayahan sa birthday party dahil sa paglabag health protocol sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa Provincial Ordinance No. 268-2021 (Curfew) at City Ordinance 10-S-2020 (Social Gathering and Social Distancing) ang nabanggit na mga dumalo sa birthday party sa Block 10, Lot 19, Brgy. Salawag, Dasmariñas City. Ayon sa ulat ni Corporal Aaron John Golo ng Dasmariñas City Police, dakong alas-2:30 ng madaling araw noong Lunes nang makatanggap ng tawag ang mga…

Read More

BAGGER KINATAY NG 2 KATAGAY

CAVITE – Patay ang isang 23-anyos na bagger makaraang pagtulungang bugbugin at pagtatagain ng dalawang kainuman sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Namatay habang isinasalba sa Carsigma District Hospital ang biktimang si Nyl John Bruce, binata, ng Block 50, Lot 9, Narra 3, Bulihan, Silang, Cavite. Pinaghahanap naman ng pulisya ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas Epok Magalang at alyas Basilio Hinayon, kapwa residente ng Phase 6, Brgy. Bulihan, Silang, Cavite na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Marcelino Fuller ng…

Read More

3 PARI NAMATAY SA COVID-19

COTABATO CITY – Tatlong pari ang pumanaw matapos na tamaan ng COVID-19 sa lungsod na ito. Kinilala ang mga nasawing pari na sina Fr. Loreto Sandoy, Fr. Rex Bacero at Fr. Eliseo ‘Jun’ Mercado, OMI. Si Fr. Sanoy ay nasawi noong Sabado ng gabi habang si Fr. Bacero ay sumakabilang buhay ala-1:00 ng madaling araw noong Sabado. Sinabi ni Cathedral Parish Rector Fr. Ben Toreto, si Father Sanoy, 78, na parish vicar ng Our Lady of the Holy Rosary parish, ay nagreklamo ng hirap sa paghinga at pagkawala ng panlasa…

Read More

2 graduates nalunod SELEBRASYON NG GRADUATION NAUWI SA TRAHEDYA

CAVITE – Kapwa nalunod sa dagat ang dalawang kabataan habang nakaligtas ang isa nilang kaklase nang ipagdiwang ang kanilang graduation sa isang resort noong Sabado. Ang mga biktima ay kinilalang sina Christopher Anisco y Bunda at Glenn Lares y Camama. Nabatid ng Tanza Municipal Police, nag-inuman ang mga estudyante bago magpasyang maligo sa dagat bandang alas-5:00 ng hapon nang biglang nag-high tide. Dahil sa kalasingan, biglang nag-panic ang mga estudyante at hindi kinaya nina Anisco at Camama ang malakas na alon ng dagat nagresulta sa pagkalunod ng mga ito habang…

Read More

ONLINE SELLING NG BAKUNA PINAIIMBESTIGAHAN SA NBI

DUMULOG si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City kahapon para personal na hingin ang tulong nito para maimbestigahan ang kumakalat na balita na may online selling ng COVID-19 vaccines at vaccination priority slots sa lungsod ng Mandaluyong at San Juan. Ayon kay Abalos, maganda na ang performance ng gobyerno sa vaccination, katunayan, pangalawa ang Pilipinas sa walong bansa sa Asia pero pwede itong masira ng vaccination scam na nabanggit. Iginiit ni Abalos na ang COVID-19 vaccines ay…

Read More

AFP RETIREMENT AGE AAMYENDAHAN

SUPORTADO ng Department of National Defense ang panukalang batas na mag-aamyenda sa retirement age ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Inihayag ni Secretary of National Defense Delfin N. Lorenzana na kanyang sinusuportahan ang proposed legislation na kasalukuyang tinatalakay sa Senado at sa House of Representatives. Bukod sa retirement age ng AFP officers, layon din ng panukala na magtakda ng tenure-in-grade ng lahat ng military personnel at baguhin ang percentage ng general officers base sa total AFP strength. “The proposed law will streamline and stabilize the leadership, rank and organizational…

Read More