11 PATAY SA COVID SA 3 CAMANAVA CITIES

MULING nakapagtala ng 11 namatay sa COVID-19 sa Caloocan, Malabon at Navotas noong Mayo 21, nabatid sa health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, siyam ang namatay sa Caloocan City at 1,173 ang active cases. Pumalo na sa 30,311 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 28,261 na ang gumaling at 877 ang namatay. Pumanhik naman sa 435 ang COVID death toll sa Malabon City matapos na isang pasyente ang namatay. Habang 16 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 12,926 ang positive cases sa…

Read More

REKLAMO VS ‘POOR’ SERVICES NG DITO BUMUHOS

INULAN ng reklamo sa social media mula sa mga dismayadong customer ang umano’y hindi magandang serbisyo ng Dito Telecommunity. Ang post ng Dito sa Facebook na nag-aanunsiyo sa pop-up shops sa buong Metro Manila kung saan maaaring makabili ng SIM cards ay umani ng mga negatibong reactions mula sa mga netizen at user. Ang mga negatibong reaksiyon ay nakatuon sa umano’y ‘superly bad’ service ng Dito, SIM cards na hindi compatible sa ibang phones, unstable signal, slow o erratic internet speed at iba pa. Inireklamo naman ng iba ang umano’y…

Read More

PURO TAGA-ADMIN ANG PUMOPORMA

AMININ man ng ­administrasyon o hindi, nagseself-destruct sila sa pamumuno sa ating bansa. Marami silang mga pahayag at desisyon ang isinusuka ng sambayanang Filipino. Malaki ang epekto nito sa sinumang kandidato ng administrasyon, hindi lamang sa pampanguluhan kundi maging sa kanilang mga kandidato sa senado sa susunod na eleksyon. Pero magtataka ka, halos lahat ng mga pumuporma sa susunod na ­eleksyon ay taga ­administrasyon. Hindi lang sa presidential race kundi sa senatorial race. Actually hindi na napag-uusapan ang local election eh. Nagsimula akong mag-cover sa pulitika noong 1995 at maraming…

Read More

ANO KAYA SUSUNOD SA COVID-19?

MARAMI ang nagtatanong kung ano kaya ang susunod na mangyayari pagkatapos ng COVID-19? Bagama’t hindi pa natatapos ang problema ng maraming bansa sa pananalasa ng COVID-19 ang iba naman ay panay na ang ginagawang girian. Tulad na lamang nitong nakalipas na linggo ng sumiklab ang bombahan sa pagitan ng Israel at ang militanteng Hamas sa Gaza Strip. Nagalit umano ang militanteng Hamas sa ginawang pagpapaalis ng Israeli military sa ilang ­Palestinong Muslim sa isang Mosque sa Jerusalem. Kaya sa galit nila ay nagpakawala sila ng daan-daang bomba na pinuntirya nila…

Read More

30% CAPACITY SA MGA SIMBAHAN APRUBADO NG IATF

INIHAYAG ng Inter-Agency Taks Force (IATF) na pinapayagan ng Metro Manila Council ang religious gatherings sa 30% vanue capacity. Nauna nang pinayagan ng IATF anag religious gatherings ng 10% ng venue capacity sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions.” Sa kabilang dako, binigyan naman ng diskresyon ang Local Government Units (LGUs) na taasan ang venue capacity ng religious gatherings na hindi lalagpas sa 30% allowable venue capacity. Kinonsidera rin ng IATF ang 9th Meeting of the ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve of the National Food Authority…

Read More

Pinasasama ng gobyerno sa priority list SASABAK SA TOKYO OLYMPICS BAKUNAHAN

INAPRUBAHAN ng gobyerno ang panukalang iprayoridad ang COVID-19 vaccination sa mga atletang Filipino at opisyal bago pa magtungo ang mga ito sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Inter-Agency Task Force ang maagang pagbabakuna sa mga magiging kinatawan ng Pilipinas sa dalawang nabanggit na sport major sporting events. Sa ulat, umapela si Senate Committee on Sports chairman, Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na tiyaking mababakunahan ang mga kuwalipikadong miyembro ng Team Philippines na sasabak sa Summer Olympics sa Tokyo City,…

Read More

51% kumpiyansa mababawasan pa TAKOT SA BAKUNA PALALALAIN NG DOH

(BERNARD TAGUINOD) PINANGANGAMBAHAN ng isang mambabatas sa Kamara na lalong lalala ang vaccine hesitancy dahil sa kautusan ng Department of Health (DOH) sa mga local government unit (LGUs) na ilihim sa publiko ang brand ng bakuna sa kani-kanilang vaccination sites. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, lalong magdadalawang-isip ang mga tao na pumunta sa vaccination sites kapag hindi nila alam kung anong bakuna ang ituturok sa kanila. “Vaccine hesitancy won’t be solved by giving the people more reasons to be hesitant. This kind of lousy policy-making denies the people…

Read More

IVERMECTIN TRIAL BILISAN – DEFENSOR

KINALAMPAG ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang Department of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST) na bilisan ang clinical trial na iniutos sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa Ivermectin bilang gamot sa COVID-19. “The trials should be done as expeditiously as possible. Time is of the essence, because we could save lives with the use of this inexpensive wonder drug,” pahayag ni Defensor. Ayon sa mambabatas, hindi dapat maghintay hanggang sa susunod na taon ang DOH at DOST bago matapos at maglabas ng resulta…

Read More

Palasyo matabang sa suhestyong magsama sa info drive DUTERTE-ROBREDO TANDEM MALABO

MATABANG ang Malakanyang sa ideya na magtambal sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Vice-President Leni Robredo para sa isang vaccine infomercial. Nanawagan kasi si Senator Joel Villanueva sa pagtatambal nina Pangulong Duterte at VP Leni para sa isang infomercial na manghihikayat sa publiko upang magpabakuna kontra COVID-19. Ayon kay Villanueva, tila magiging mabisa kung maglalabas ng joint public service announcement ang pangulo at ang bise pangulo upang makumbinse ang malaking populasyon ng mga Filipino na ligtas at epektibo ang bakuna. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na mangyayari lamang ang…

Read More