PATULOY NA SUPORTA SA MGA NAGBALIK-LOOB NA REBELDE TINIYAK

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga dating rebelde at kanilang pamilya na patuloy ang suporta ng pamahalaan sa kanila at hindi matitinag ang kanilang commitment na tulungan silang makabalik at makihalubilo sa lipunan. Ang pahayag ay ginawa ni Go sa isang video message sa isang relief activity sa bayan ng Calubian, Leyte. “Sa akong mga kaigsuonan, alam natin na mahirap ang buhay ngayon dulot ng pandemya at sunod-sunod na kalamidad na tumatama sa bansa. Huwag kayo mag-alala. Patuloy lang tayo magtulungan, magbayanihan at magmalasakit sa ating kapwa Pilipino,”…

Read More

Apela ng solon sa Senado BENGUET HOSPITAL RENATIONALIZATION BILL IPASA

UMAAPELA si ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap, na siya ring Legislative Caretaker ng Benguet Lone District, sa Senado na makinig sa mamamayan at ipasa na ang Benguet General Hospital Renationalization Bill. Nauna rito, ang HBN 6849, kasama ng iba pang local health bills, ay inisponsoran ni Senator Christopher ‘Bong’ Go para sa approval sa ikalawang pagbasa ngunit ang naturang panukala ay hindi naaprubahan dahil sa ilang isyu na inungkat ni Minority Leader Senator Franklin Drilon. “It is very disappointing and heartbreaking. I went to Benguet General Hospital this morning…

Read More

GUMAGAMIT NG PANGALAN NG QCPD DIRECTOR SA ILEGAL NA SUGAL IPINAAARESTO

NAGBABALA ang hepe ng Quezon City Police Department na agad niyang ipaaaresto ang mga ilegalistang kumakaladkad sa kanyang pangalan sa anumang uri ng ilegal na sugal at iba pang mga ilegal na gawain sa lungsod. Ang babala ni QCPD chief Antonio Candido Yarra ay kasunod ng mga ulat na dumarating sa Camp Karingal na dalawang illegal gambling operators ang nagpapalaro sa lungsod ng lotteng at kinakaladkad umano ang opisina ng heneral na siyang nagbigay ng basbas. Kinilala ang dalawang ilegalista, na silang itinuturong bangka ng lotteng, o bookies ng larong…

Read More

1 PATAY SA SAKSAKAN SA PIYESTA

QUEZON – Patay ang isang magsasaka matapos na mauwi sa saksakan ang masayang inuman sa selebrasyon ng kapistahan ng isang barangay sa bayan ng Burdeos sa lalawigang ito. Nasa state of decomposition na nang matuklasan sa isang palayan ang bangkay ng biktimang si Arcadio Velasco Delgra, 33, ng mga naghahanap na kaanak noong Biyernes ng hapon. Ayon sa report ng Burdeos Police, gabi pa ng Miyerkoles nang maginuman ang biktima at ang suspek na si Freddie Morilla Corpin, 44, at ilang pang kaibigan sa pagdiriwang ng kapistahan ng Barangay Anibawan.…

Read More

HIKER NAG-SUICIDE SA BUNDOK

LAGUNA – Isang lalaki na pinaniniwalaang hiker, ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa tuktok ng isang bundok sa Calauan City sa lalawigang ito. Batay sa report ng Calauan Police, nadiskubre ang bangkay ng hindi pa kilalang biktima habang nakabigti sa isang puno sa tuktok ng Mt. Calisungan sa Barangay Lamot 2 noong Huwebes ng umaga, Mayo 20. Ayon kay Ambet Malabanan, tour guide, nakita nila ang bangkay bandang alas-6:30 ng umaga habang sinasamahan niya ang ilang hiker patungo sa tuktok ng nasabing bundok na nasa dalawa at kalahating oras…

Read More

PEKENG PULIS ARESTADO SA MALABON

SWAK sa kulungan ang isang electrician matapos magpakilalang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Malabon City. Nahaharap sa kasong Usurpation of Authority or Official Functions (Art. 177 ng RPC) ang suspek na kinilalang si Arvin Busa, 26, ng Blk. 9, Lot 31, 4th St., Brgy. Tañong. Sa report nina P/SSgt. Mardelio Osting at PSSgt. Diego Ngippol kay Malabon Police chief, Col. Joel Villanueva, nagpakilala ang suspek na siya ay pulis at inimbita na mag-inuman si Alberto Perez Jr., traffic enforcer at residente ng Esguerra St., Brgy. Flores. Matapos makaubos…

Read More

3 TSINO NASAGIP SA KIDNAPPERS

KINIDNAP saka pinahirapan at ikinulong ang tatlong Chinese national at pagkaraan ay nasagip ng mga tauhan ng Manila Police District habang matimbog ang siyam na mga suspek sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila, Parañaque City at Las Piñas City. Kinilala ang mga biktimang sina Huang Weijie, 31, tubong Guangdong, China, pansamantalang tumutuloy sa Unit 10B Eton Green Belt, Parkview; Wang Quingjun, 36, ng Legaspi Village, at Nan Zonglie, 31, negosyante, residente sa Jazz Residence, pawang ng Makati City. Samantala, ang arestadong mga suspek na sasampahan ng kasong kidnapping at serious…

Read More

Para sa mabilis na pagbabakuna DOCTORS SA CALOOCAN HINIKAYAT TUMULONG

NAKIPAGPULONG ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa pangunguna ni Mayor Oca Malapitan, sa pamunuan ng ilang mga pribadong ospital sa lungsod hinggil sa isinasagawang COVID-19 mass vaccination program. Layunin ng pagpupulong na hingin ang tulong at hikayatin ang mga doktor at iba pang health workers, partikular na sa mga pribadong ospital, na boluntaryong makiisa sa mass vaccination program ng lungsod upang mas mapabilis ang pagbabakuna sa mamamayan. Kabilang sa mga nag-commit para umagapay sa mass vaccination program ay ang Nodado General Hospital – 3 MDs (including Dr. Olivia Favor) and…

Read More

MABILIS NA VACCINATION IBINIDA NG MANILA LGU

IBINIDA ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na ang kanilang lugar pa rin ang nangunguna sa mabilis na deployment at pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa National Capital Region (NCR). Ayon sa NCR Overall Summary report ng Regional Vaccination Operations Center, lumilitaw na ang Maynila ay nakapagbakuna ng kabuuang 188,146 residente ng kanilang first dose ng COVID-19 vaccine. Karamihan umano sa mga nabakunahan ay mga indibidwal na nasa ilalim ng A3 category o persons aged 18 to 59 with comorbidities, sinundan naman ng senior citizens at medical and health frontliners.…

Read More