NASAMSAM ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC), at ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang P70 milyong halaga ng peke at puslit na “Heng De” face shields sa isang bodega sa Parañaque City. Batay sa ulat ng NBI, sinalakay ng grupo ang isang bodega sa #83 Luzon Road, BF Homes, Parañaque City, bandang alas-4:30 noong Huwebes ng hapon. Tumambad sa raiding team ang kahon-kahon na pekeng Heng De face shields na galing sa China. Nakatanggap ng impormasyon ang NBI na ang naturang…
Read MoreMonth: May 2021
DAR, PAMUMUNUAN ANG P45.6-M INFRA PROJECTS SA SULTAN KUDARAT
PANGUNGUNAHAN ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pagpapagawa ng P45.6 milyong halaga ng iba’t ibang proyektong pang-imprastraktura sa Sultan Kudarat. Ang mga proyekto ay kinabibilangan ng mga farm-to-market roads, potable water system at irigasyon, banggit ni DAR Secretary John Castriciones. Napakalaki ng maitutulong ng nabanggit na proyekto sa pagpapataas ng kalidad ng buhay, produksyon at kita ng mga magsasaka sa bayan ng Tacurong sa Sultan Kudarat, pahayag ni Castriciones. “Ibinibigay natin ang mga suportang ito sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) upang mapagbuti ang kanilang mga ani at ang kanilang…
Read MoreMANILENYO PWEDENG MAMILI NG BAKUNA
INIHAYAG ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na may kalayaan ang mga Manilenyo na pumili ng COVID-19 vaccine na nais nilang maiturok sa kanilang katawan. Kasunod ito ng kautusan ng Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local government units (LGUs) na huwag nang ianunsiyo ang brand ng mga bakuna na gagamitin sa kanilang vaccination sites upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao. Ayon sa alkalde, tatalima ang Manila City government sa naturang direktiba ng DOH at DILG at hindi iaanunsiyo ang…
Read MoreSimula Hunyo 1, 2021 DAYUHANG MAY EEDs BAWAL NA SA PINAS
INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na simula sa Hunyo 1 ay hindi na papayagang makapasok ang foreign nationals na magpapakita ng entry exemption documents (EEDs) na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) bago sumapit ang Pebrero 8 ngayong taon. Sinabi ni Morente, ang BI ay magpapatupad ng nasabing travel guidelines alinsunod sa isang komunikasyon na natanggap mula sa DFA. “We were informed by the DFA that entry exemption documents now have a validity of 90 days from the date of issuance,” ani Morente. “As an effect, we were…
Read MorePINOY WALANG DAHILAN PARA MAGUTOM
WALANG dahilan para magutom ang mga Pinoy sa panahon ng pandemya at nasa tamang pamamaraan lamang ang kailangan para kumita at makapagsimula ng negosyo. Ito ang sinabi ni Dr. Alvin Sahagun, president ng WeEvolve Marketing Corp. na kailangan lamang tamang paraan para kumita at suportahan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya sa panahon ng pandemya. Ang kailangan lang ay ang isang gadget at data para makapagsimula ng isang home-based online business at social enterpreneurship. Kaugnay nito, ayon sa National Statistic Authority (NSA), umabot sa 2.4 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho…
Read MoreBiazon kay Duterte, Kongreso NATIONAL SECURITY COUNCIL PULUNGIN SA WPS ISYU
HINIKAYAT ni dating Senador Rodolfo Biazon si Pangulong Rodrigo Duterte at Kongreso na kaagad pulungin ang National Security Council (NSC) upang pag-usapan ang lumalalang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS) partikular ang walang humpay na pangangamkam ng isla ng China. Sa virtual media interview, sinabi ni Biazon na kailangan nang magpulong ang NSC upang makalikha ng malinaw at nagkakaisang posisyon ang Pilipinas sa WPS dahil lubhang maaapektuhan nito hindi lamang ang kasalukuyan, kundi ang mga susunod na henerasyon. “Therefore, I am worried about the turn of events, and I came…
Read MoreSi Eumir Marcial mukhang pera?
ISANG atleta lamang ang maaaring makaintindi sa isang atleta. Hindi ang ilang lider ng sport. Ito ang leksiyong naipahatid ng sikat na basketbolistang si Thirdy Ravena sa lahat ng atletang kapareho niya, kabilang ang boksingero at Olympic qualifier na si Eumir Marcial. Kamakailan, ang tatlong beses na kampeon sa UAAP ay napaulat na nag-alok ng tulong sa Pilipinong dating world junior middleweight champion, na napaulat na may hidwaan sa Association of Boxing Alliances of the Philippines. Ang problema ni Marcial at ng ABAP ay hinggil sa napipintong paglahok ng boksingero…
Read MorePINOY NA LAGING BUGBOG SARADO SA AMO GUSTO NANG UMUWI SA BANSA
ISA na namang kababayan natin ang nagparating sa atin ng mapait niyang karanasan at humihiling na siya ay matulungan para makauwi na dito sa bansa. Siya ay si Muslimin Haron Imam na nagtatrabaho bilang waiter at cashier sa Riyadh, Saudi Arabia. Nagsimula siyang magtrabaho sa Saudi noong 2017 sa pamamagitan ng A&W International Manpower Services Specialist. Ang pangalan ng kanyang amo sa Saudi ay Hamdah Husain Ak Mukhles na walang tigil ang ginagawang pambubugbog sa kanya at kahit pa tapos na ang kanyang kontrata ay ayaw siyang pauwiin, hindi na…
Read MoreOJT SA BI, MINAMANYAK?
ANG kabataan ang pag-asa ng Bayan. Ito ang wika ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ngunit paano na lang kung ang ating mga kabataan ay pagsamantalahan ng ilang mga mapagsamantalang opisyales ng ating pamahalaan? Nangyayari ang ganitong kaso sa Bureau of Immigration (BI) kung saan ay maraming mga kababaihan na may angking kagandahan ang kumakapit sa patalim at ang iba naman ay nananatiling tikom na lamang ang bibig sa mapait na nangyayari sa kanila sa kamay ng isang mapagsamantalang opisyales sa ahensiya. Ang mga College Students mula sa…
Read More