Sa pagturok ng Sinopharm kay Duterte DUQUE MAARING MAARESTO – DEFENSOR

“SEC. Duque baka maaresto ka dahil hindi rehistrado ang itinurok mo.” Ito ang mensahe ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kay Health Secretary Francisco Duque III dahil siya mismo ang nagturok ng Sinopharm vaccine kay Pangulong Rodrigo Duterte. Base sa video na inilabas ng Malacañang, tinurukan ni Duque ng Sinopharm si Duterte sa kaliwang balikat habang nakamasid si Sen. Christopher ‘Bong’ Go. Noong nakaraang linggo ay inilunsad ni Defensor kasama si Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang Community Pan-Three sa Matandang Balara, Quezon City kung saan namigay ang mga ito ng…

Read More

ELEAZAR BAGONG PINUNO NG PNP

SI Police Lieutenant General Guillermo Eleazar ang hahalili kay Police General Debold Sinas bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP). Kinumpirma ito ngayong araw ni Interior Secretary Eduardo Año kaugnay ng nakatakdang pagreretiro ni Sinas sa Mayo 8. Ani Año, sa pamamagitan ng Napolcom resolution ay inirekomenda si Eleazar na maging next PNP chief base sa seniority, merit, service reputation, and competence para pamunuan ang police force. Dagdag pa ng kalihim, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon kay Eleazar. “I welcome the appointment of Police Lieutenant General Eleazar…

Read More

PEKENG DOJ LAWYER, 1 PA TIMBOG SA EXTORTION

QUEZON – Arestado ang isang nagpanggap na abogado ng Department of Justice at isang kasama nito, sa entrapment operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga arestado na sina Trevor Medrano Camaligan, 35, at Robin Escamillas Arconado, 26, habang nakatakas naman ang isa pang kasama ng mga ito na si Michelle Delos Santos Obis, pawang mga residente ng Barangay Tumbaga 1, Sariaya. Ayon sa report, tinangka ng mga suspek na kikilan ang isang umano’y nasa drug watchlist ng PDEA. Napag-alaman,…

Read More

KAGAWAD ITINUMBA NG TANDEM

BATANGAS – Patay ang isang barangay kagawad matapos na barilin ng riding in tandem suspects sa bayan Lian, sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Buenaventura De Luna Caraig, kagawad ng Barangay Binuhusan. Batay sa report ng Lian Police, bandang alas-8:30 ng umaga nang barilin ng magkaangkas sa motorsiklong mga suspek ang biktima sa nasabing barangay. Agad ding tumakas ang hindi kilalang mga suspek matapos ang pamamaril. Isinugod sa Apacible Memorial Hospital sa bayan ng Nasugbu ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor. Natagpuan…

Read More

NEGOSYANTE BINOGA SA ULO

BATANGAS – Patay ang isang babaeng negosyante makaraang barilin sa ulo ng hindi kilalang lalaki sa kanyang tindahan noong Miyerkoles ng gabi sa Lipa City. Kinilala ng Lipa City Police ang biktimang si Hydie Bathan y Umali, residente ng Purok 3, Brgy. San Carlos, Lipa City. Ayon sa ulat, isang tawag ng concerned citizen ang natanggap ng pulisya bandang alas-7:10 ng gabi upang ipagbigay-alam ang nasabing insidente. Nabatid sa imbestigasyon, habang abala sa pagtitinda ang negosyante, biglang lumapit ang suspek at binaril ito sa ulo. Pagkaraan ay mabilis na tumakas…

Read More

MAG-ASAWA PATAY SA AKYAT-BAHAY

AKLAN – Nasa early state of decomposition na ang bangkay ng mag-asawa nang madiskubre sa kanilang bahay sa Barangay Cabayugan, sa bayan ng Malinao, sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Sa isinumiteng ulat ng Aklan PNP, kinilala ang mga biktimang sina George Cabawatan, 64, at Lucille Cabawatan, 56, hinihinalang namatay sa palo ng matigas na bagay base sa nakitang mga sugat sa ulo at katawan ng mga ito. Tinungo ng mga tauhan ng Malinao Municipal Police ang bahay ng mga biktima makaraang iparating sa kanila ang umaalingasaw na amoy…

Read More

TAGUAN NG BOMBA, BALA NG CPP-NPA NADISKUBRE

LEYTE – Nadiskubre ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army 802nd Infantry Brigade (802Bde), 14th Infantry Battalion (14IB) at 93rd Infantry Battalion (93IB) ang taguan ng bomba at mga bala ng komunistang New People’s Army sa Barangay Tinambacan, sa bayan ng Jaro, sa lalawigang ito. Ayon kay B/Gen. Zosimo A. Oliveros, pinuno ng Army 802 Brigade, nahukay ng kanyang mga tauhan ang anim na bala ng 60mm mortar at mga bala ng matataas na kalibre ng baril sa pinagbaunan ng mga teroristang NPA sa Barangay Tinambacan. Sinasabing natunton ng mga…

Read More

2 patay, 5 sugatan IED SUMAMBULAT SA KALSADA

MASBATE – Patuloy pang tinutunton ng mga pulis at militar ang sinasabing mga responsable sa pagpapasabog ng improvised explosive device (IED) na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng limang iba pa kamakailan sa Barangay Del Carmen, sa bayan ng Uson sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, isang IED ang ipinukol sa madilim na bahagi ng kalsada ng nasabing barangay bandang alas-9:40 ng gabi. Sinabi ng Uson Municipal Police, dalawa katao ang namatay kabilang ang isang motorcycle rider na halos nadurog ang binti sa lakas ng pagsabog. Kinumpirma naman ng…

Read More

NO. 3 MOST WANTED SA ABRA, TIMBOG SA QC

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang matagumpay na pagkakadakip sa no. 3 most wanted person sa Lagangilang Municipal Police sa lalawigan ng Abra, sa bisa ng warrant of arrest noong Martes sa Quezon City. Sa ulat ni La Loma Police Station (PS-1) commander, P/Lt. Col. Florian Reynado, nagsagawa ang kanyang mga tauhan at ang mga operatiba mula sa PIU/DEU, Lagangilang Municipal Police Station, RID, RIU-14, 1st and 2nd PMFC, 1504 Regional Mobile Force Battalion (RMFB), Abra Provincial Police Office, ng joint…

Read More