TESDA PINABABALIK SA DOLE

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagbabalik ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Department of Labor and Employment (DOLE) mula Department of Trade and Industry (DTI). Sa pamamagitan ng ipinalabas na Executive Order No. 5, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang paglilipat ng attachment ng TESDA sa ilalim ng DOLE para sa “policy at program coordination”. Nakasaad sa Seksyon 2 ng nasabing EO na ang Secretary of Labor and Employment ang dapat na chairperson ng TESDA Board alinsunod sa Seksyon 7 ng Republic Act No. 7796 o…

Read More

LAYUG ITINALAGANG DA ASSISTANT SECRETARY

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si James Arandila Layug, dating opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT), bilang Assistant Secretary ng Department of Agriculture (DA). Ang appointment paper ni Layug ay ipinalabas ng Malakanyang, Huwebes ng gabi. Kinumpirma naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang appointment ni Layug. “Mr. James Layug, formerly with the DICT is named Assistant Secretary of the Department of Agriculture,” ayon kay Cruz-Angeles. Si Layug ay pinuno ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng DICT, isang ahensya na inatasan na pangunahan ang pagsisikap…

Read More

12 PAGYANIG NAITALA SA BULKANG KANLAON

MULING nagtala ng mga pagyanig sa paligid ng Bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag, iniulat kanina ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Sinabi ng PHIVOLCS, bukod sa pagyanig ay naitala rin ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan. Dahil nananatiling nakataas ang alert level 1, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ). Inirerekomenda rin ng ahensya ang pagbawal sa pagpapalipad ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa peligro. Ang Bulkang Kanlaon ay itinuturing na aktibo na matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental…

Read More

PUBLIC PROJECTS CONTRACTOR DAPAT OBLIGAHING MAGPRESINTA NG LARAWAN NG MGA PROYEKTO

INIREKOMENDA ni Senador Alan Peter Cayetano na obligahin ang mga contractor ng public projects na magbigay ng litrato ng kanilang ginagawang proyekto sa iba’t ibang level of completion. Ayon kay Cayetano, ito ay bilang praktikal na solusyon laban sa katiwalian at para mapigilan ang tinatawag na “parking” ng pondo. Una nang hinimok ng senador ang Development Budget Coordinating Committee na imbestigahan kung mayroong sindikato sa likod ng illegal realignment ng bilyun-bilyong pisong pondo sa budget ng DPWH. Umaasa rin ang senador na iimbestigahan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan ang isyu.…

Read More

PROTEKSYON SA TAXPAYERS, IGINIIT

NAIS ni Senador Win Gatchalian na itaguyod ang karapatan ng mga taxpayer sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga pangunahing karapatan upang mas maunawaan ang proseso ng pagbubuwis. Iginiit ni Gatchalian na dapat magpatupad ang mga awtoridad ng dekalidad na serbisyo sa publiko at pag-igihin ang pangongolekta ng buwis. Sa Senate Bill No. 1199 o ang Taxpayer’s Bill of Rights and Obligations Act, iginiit ni Gatchalian ang karapatan ng mga taxpayer na makibahagi sa mga dayalogo, ugnayan, o anumang information at education campaigns na magpapaintindi sa kanila ng kanilang mga karapatan…

Read More

GINANG PINATAY NG ASAWA SA BIRTHDAY NG ANAK

patay

DAVAO DE ORO – Ang masayang salo-salo bunsod ng kaarawan ng isang batang lalaki ay nauwi sa lamay nang pagtatagain ng ama nito ang kanyang nanay sa loob mismo ng kanilang bahay sa bayan ng Maco sa  lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw. Ayon sa ulat ng Maco Municipal Police Station, napatay sa pananaga ang 20-anyos na si Jelly Joy Coscos. Habang hawak na ng mga awtoridad ang 28-anyos na live-in partner ng biktima matapos na sumuko sa kanilang barangay officials makaraan ang krimen. Ayon sa pulisya, masayang nagdiriwang ang…

Read More

3 SUNDALO PATAY SA AMBUSH SA BASILAN

BASILAN – Tatlong kasapi ng Philippine Army 18th Infantry Battalion ang namatay kasunod ng sagupaan laban sa isang grupo ng lawless elements sa Barangay Magkawa, sa bayan ng Al Barka sa lalawigang ito noong Huwebes ng hapon. Ayon sa inisyal na ulat na ibinahagi ni BGen. Domingo Gobway, commander ng Joint Task Force Basilan, hinihinalang inabangan ng nasa pitong miyembro ng lawless elements na pinamumunuan ng isang Abaas Jangkatan, ang mga sundalong papalit sana sa isang military detachment. Tumagal ng sampung minuto ang bakbakan na ikinamatay ng tatlong sundalo, dalawa rito…

Read More

MISIS AT IRANIAN LOVER, IPINADAKIP NI MISTER

CAVITE – Ipinaaresto ng isang 46-anyos na welder ang kanyang misis at ang lover nitong Iranian national nang madiskubreng limang taon nang nagsasama ang mga ito sa iisang bubong sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 33 ng Revised Penal Code (adultery) ang mga suspek na sina Cynthia Tampol Atienza, 28, at Saeed Habibi, 54, Iranian national, kapwa naninirahan sa Brgy. Julugan 6, Tanza, Cavite, dahil sa reklamo ni Resty Gahol Atienza, ng Brgy. Santol, Balayan, Batangas. Ayon sa salaysay…

Read More

NEGOSYANTE NAGBIGTI SA CAVITE

CAVITE – Nagbigti ang isang 41-anyos na negosyante sa loob ng kanilang bahay sa Trece Martires City nitong Biyernes ng madaling araw. Dinala sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Eustaquio Capistrano ng Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite, subalit idineklarang dead on arrival. Sinabi ni Marilou Borba y Icarro, live-in partner ng biktima, kay P/SSgt. Bryan Jay Comia, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang madiskubreng nakabigti ang biktima gamit ang handle ng backpack sa 2nd floor ng kanilang bahay. Ayon kay Borba, ilang beses nang tinangka ng biktima…

Read More