UNAWAIN AT SURIIN BAGO MAGREKLAMO

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAPAKADALI na para sa atin na magpahayag ng opinyon at hinaing sa social media at marami sa atin, ito na nga ang ginagamit na pangunahing plataporma para magpahayag ng saloobin. Kasabay ng digitalisasyon, naging tulay na ang social media para marinig ang ating mga boses tungkol sa iba’t ibang isyu—mula sa personal na karanasan hanggang sa malalaking pangyayari sa lipunan. Pero may mga pagkakataon na nagiging problema ang hindi pagkakaroon ng sapat na kaalaman bago tayo magreklamo o magbigay ng opinyon, at siyempre mahalaga na…

Read More

ANG PAGBABALIK NI MANG KANOR SA BI

BISTADOR ni RUDY SIM NAGULANTANG ang mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) matapos lumabas ang isang balita at litrato ng isang dating opisyal ng ahensya na muling nakabalik at nanumpa sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin bilang isa sa deputy commissioners ng BI sa pamahalaang Marcos Jr. Matapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay lahat ng presidential appointees sa nakaraang administrasyon ay pinalitan ngunit ilang buwan mula nang nagsimulang manungkulan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay isa ang BI sa mga huling napunuan bilang commissioner…

Read More

PALIWANAG NG PAGCOR SA ALEGASYON NI BAMBAN, TARLAC MAYOR ALICE GUO!

TARGET NI KA REX CAYANONG NAPAPANAHON ang pagbibigay-linaw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) hinggil sa sinasabing mga maling pahayag ni Atty. Nicole Rose Margaret Jamilla kaugnay ng kasong isinampa laban sa Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac. Tinukoy ni Atty. Jamilla ang PAGCOR bilang sanhi raw kung bakit may mga kriminal na kaso laban sa kanyang kliyenteng si Mayor Guo. Mahalagang maipaabot ang tama at kumpletong impormasyon upang maliwanagan ang publiko hinggil sa papel at responsibilidad ng PAGCOR sa nasabing insidente. Unang-una, malinaw ang mga patakaran ng PAGCOR kaugnay…

Read More

HAKBANG NG MAISUG JAPAN, TAGUMPAY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) GUMAPANG na hanggang sa Japan ang Hakbang ng Maisug rally mula sa Pilipinas at Estados Unidos upang patuloy na isulong ang kalayaan ng mga Pilipino na ipahayag ang kanilang saloobin. Tulad ng inaasahan, dumalo sa peace rally ang mga kilalang tagasuporta ng administrasyong Duterte na kinabibilangan ng unang Executive Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos na si Atty. Vic Rodriguez. Sa kanyang pagsasalita nitong Sabado sa pagtitipon na ginanap sa Saitama Hall sa 330-0063 Saitama, Urawa Ward Takasago, 3 Chome-1-4 1F, muling binigyang diin ni Rodriguez ang…

Read More

Bagong Pilipinas bahagi na ng flag ceremonies SOLON: MARCOS ADMIN GALAWANG DIKTADOR

TINULIGSA ni House deputy minority leader France Castro si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa inilabas nitong Memorandum Circular No. 52 na nag-aatas sa lahat ng national government agencies at state universities and colleges (SUCs) na isama ang Bagong Pilipinas Hymn and Pledge sa kanilang lingguhang flag ceremony. “Is Pres. Marcos Jr. again imitating his dictator father and bringing back martial rule? His order is reminiscent of Marcos Sr.’s directive then for people to sing praises to the Bagong Lipunan,” ani Castro. Noong panahon ng amang diktador na si Ferdinand…

Read More

FPRRD WALANG NILABAG NA BATAS SA COVID FUND TRANSFER

(DANG SAMSON-GARCIA) NANINDIGAN si Senador Robinhood Padilla na walang nilabag na batas si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa paglipat ng bilyon-bilyong piso sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) para labanan ang COVID-19. Ipinaliwanag ni Padilla na ang aksyon ng dating Pangulo ay batay lamang sa Seksyon 4 ng Bayanihan Law 1 o Republic Act 11469 kung saan exempted sa procurement law at iba pang batas ang pagbili ng personal protective equipment (PPEs). Binigyan din anya ng emergency powers si Duterte noon para labanan ang pandemya at…

Read More

8 SA 10 PINOY NANINIWALANG BANTA ANG CHINA SA WPS

IKINAGALAK ng pamunuan ng Philippine Navy na mulat na ang sambayanang Pilipino hinggil sa sigalot sa West Philippine kaugnay sa pinag-aagawang mga teritoryo, matapos lumabas sa isang pag-aaral na walo sa bawat sampung Pilipino ay naniniwalang banta ang China sa West Philippine Sea. Ayon kay Navy Commodore Roy Vincent Trinidad, Naval spokesman for West Philippine Sea, “Nakatutuwa ‘yan sapagkat sa wakas ay naiintindihan ng ating mga kababayan ang bantang dala ng China lalo na sa West Philippine Sea”. “Ang tawag natin dyan, existential threat of our very existence as a…

Read More

100 PASAHERO NASAGIP SA SUMADSAD NA RO-RO

NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard Station (PCGS) Northeastern Palawan ang mahigit 100 pasahero ng sumadsad na Ro-Ro vessel ng 2GO malapit sa Coron, Palawan. Nitong Linggo ng umaga nang tuluyang mailikas ng Phil. Coast Guard ang may 106 sakay ng MV St. Francis Xavier, na nakasadsad, may isang nautical mile mula sa Puerto ng Coron. Ayon sa Coast Guard, bandang alas-4 ng hapon noong Biyernes nang makaranas ng engine trouble ang MV St. Francis, habang paalis ng Coron papuntang Puerto Princesa City. Habang nagsasagawa ng undocking manuever…

Read More

18 BAHAY NILAMON NG APOY SA LUCENA

LUCENA CITY – Umabot sa 18 kabahayan ang tinupok ng apoy sa sunog na sumiklab sa Brgy. 9 sa lungsod noong Sabado ng gabi. Ayon sa Lucena BFP, sumiklab ang sunog dakong alas-6:00 ng gabi sa residential area sa Purok Ipil. Agad nagresponde ang mga tauhan ng Lucena BFP at naapula ang apoy dakong alas-8:22 ng gabi. Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente ngunit umabot sa 18 kabahayan na binubuo ng 70 pamilya, ang naapektuhan ng sunog. Tinataya ng BFP na nasa P900,000 ang halaga ng pinsala…

Read More