KAILANGAN ng political and electoral reforms sa lehislatura at sa Comelec upang tiyakin ang malinis, maayos, mapayapa, at demokratikong halalan para magkaroon ng tsansang manalo ang mga kinatawan ng masa at ang kanilang mga plataporma ng pagbabago laban sa mga elitistang trapo at kanilang bulok na pulitika. Iginiit ito ni Leody de Guzman, pangulo ng Partido Lakas ng Masa kaugnay sa bangayan ngayon ng mga nasa gobyerno. Nagbigay rin ng kanyang reaksyon si De Guzman sa sagutan nina Senator Risa Hontiveros at Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng Senado…
Read MoreDay: August 22, 2024
GOV. KHO, IBA PANG OPISYAL SA MASBATE INIREKLAMO SA OMBUDSMAN
NAGSAMPA ang local media sa lalawigan ng Masbate ng mga kaso gaya ng plunder, malversation, falsification of public documents, paglabag sa anti-graft and corrupt practices act at administrative case laban kay Gov. Antonio Kho dahil umano sa mga kwestyunableng proyekto sa lalawigan. Ang kaso ay may kinalaman sa tinaguriang 21 ‘ghost projects’ ng gobernador sa iba’t ibang bayan sa Masbate na hindi makita dahil wala umanong program of works. Ang reklamo ay isinampa sa Office of the Ombudsman ng asosasyon ng mga mamamahayag mula sa Masbate Quad Media Society, Inc.…
Read MoreHEALTH PROTOCOLS KONTRA MPOX DAPAT ILATAG SA MGA MANGGAGAWA – TRABAHO PARTY-LIST
NANAWAGAN ang Trabaho Party-list para sa agarang pagbaba ng mga health at safety protocols kontra mpox upang maprotektahan ang kalusugan ng mga Pilipinong manggagawa. Ito ang pahayag ni Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Party-list, matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ito ng unang kaso ng mpox ngayong 2024. Nakababahala aniya ang ulat nito kaakibat ng deklarasyon ng World Health Organization ng isang “global health emergency” dahil sa pagkalat ng mpox sa iba’t ibang bansa. Para sa Trabaho Partylist, hindi na dapat maulit ang mga…
Read More17 NAOSPITAL SA CHEMICAL LEAK SA LAGUNA
LAGUNA – Umabot sa 17 katao ang isinugod sa ospital nang makaramdam ng iba’t ibang mga sintomas matapos makalanghap ng nag-leak na chemical substance mula sa junkshop sa South Point, Brgy. Banaybanay, Cabuyao City sa lalawigan noong Martes ng hapon. Ayon sa Cabuyao CDRRMO, nakaramdam ng pagkahilo at nahirapang huminga ang mga biktima matapos na sumingaw ang kemikal kaya agad isinugod sa iba’t ibang ospital. Base sa report, nagsasagawa ng general cleaning ang mga tauhan ng Izbanda scrap trading at inililipat ng lugar ang isang 4 feet na cylinder tank…
Read MoreOMBUDSMAN PINAGKOKOMENTO SA PETISYON NG SUSPENDED CEBU MAYOR
BINIGYAN ng 10 araw ng Korte Suprema ang Office of the Ombudsman para magkomento sa petisyong inihain ng isang local government official sa Cebu na kanilang sinuspinde. Ang petisyong isinampa ni Cebu City Mayor Michael Rama ay kaugnay ng suspension order na inilabas ng Ombudsman laban sa kanya dahil sa umano’y harassment sa ilang kawani ng city hall at sa hindi pagpapasahod sa mga ito sa loob ng sampung buwan. Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, hinihiling ni Rama na ipawalang-bisa ang suspension order ng Ombudsman at ideklarang…
Read MoreCHINESE EMBASSY KINALAMPAG NG KAPAMILYA PARTY-LIST SA PAMBABARAKO SA WPS
MAPAYAPANG nagsagawa ng protesta ang mga miyembro ng KAPAMILYA party-list sa harapan ng Chinese embassy upang tuligsain ang marahas na aksyon ng Chinese Coast Guard sa tropang pandagat ng Pilipinas. May 15 minuto na nakapagsagawa ng programa ang grupo nang pakiusapan nila ang pulisya sa pagsagawa ng mapayapang pagkilos. Bahagi ng programa ang pagsindi nila ng insenso bilang simbolikong ritwal ng Intsik sa pagpapalayas ng masasamang espiritu gaya ng Chinese troops and militia na nakadaong sa WPS. Nagtapon din sila ng mga basura sa bukanang bangketa ng embahada upang ipadama…
Read MoreGATE PASS MODUS SA CUSTOMS TULOY?
PUNA ni JOEL O. AMONGO MAY natanggap tayong impormasyon na hanggang ngayon ay patuloy pa rin na umiiral ang palakasan sa Bureau of Customs (BOC). Ang tinutukoy po nating palakasan ay kaugnay sa isyung sa pamamagitan ng gate pass lang ay maaari nang makalusot ang container sa bakuran ng BOC. Noong nakaraang linggo, isiniwalat ito ni Jimmy Guban, dating intelligence officer ng Bureau of Customs – Port of Manila (BOC-POM) sa isinagawang pagdinig ng QUADCOM sa Kamara. Si Guban ay nakakulong ngayon sa Bureau of Corrections (BuCor) matapos na idawit…
Read MoreSAPAT NA NGA BA P64 PANGKAIN SA ARAW-ARAW?
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG food poor threshold na P64 kada araw sa Pilipinas ay malinaw na nagtatampok sa kritikal na agwat sa pagitan ng minimal na antas ng kita at ang pangunahing mga pangangailangan sa nutrisyon ng maraming Pilipino. Binibigyang-diin ng bilang na ito ang agarang pangangailangan para sa mga naka-target na interbensyon upang matugunan ang malaganap na isyu ng kahirapan sa pagkain at mapahusay ang kagalingan ng mahihinang populasyon. Ang mga pagkakaiba sa ekonomiya ay malinaw na inilalarawan ng konsepto ng food poor threshold. Nakatakda sa…
Read MoreMALIWANAG NA KORUPSYON
DPA ni BERNARD TAGUINOD MALIWANAG na may korupsyon sa pagtakas ni Guo Hua Ping a.k. a Alice Leal Guo dahil sa kabila ng hold departure order (HDO) at sangkatutak na mga kasong isinampa sa kanya ay nakaalis pa rin siya ng bansa? Walang naniniwala na walang tumulong sa kanya para makatakas dahil kahit private plane ang kanyang sinakyan ay kailangan pa rin inspeksyunin at alamin kung sino ang mga sakay nito ng ating border guards. Ang milyong-milyong tanong, sino ang tumulong sa kanya para pumikit na lang ang mga dapat…
Read More