PNP TINUTUGIS MGA NAGKANLONG KAY QUIBOLOY

SINIMULAN na ng Philippine National Police (PNP) ang mga hakbang para mapanagot ang mga tao o grupong nagkanlong at tumulong kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy at mga kapwa akusado nito para makaiwas sa inilunsad na law enforcement operation. Sa ulat, inumpisahan na rin ng PNP ang masusing imbestigasyon para papanagutin ang mga taong nagkanlong sa self-appointed son of God. Sinasabing kaugnay ito sa nakatakdang pagsasampa ng kasong obstruction of justice ng PNP laban sa mga tumulong sa grupo ng KOJC leader. Una nang inihayag ni PNP…

Read More

QUALIFIED HUMAN TRAFFICKING VS ALICE GUO ISASAMPA SA PASIG

ANOMANG araw ngayong linggo, isasampa ng Department of Justice (DOJ) ang kasong qualified human trafficking laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Regional Trial Court (RTC). Ito ay kasunod na rin ng pagpabor ng Supreme Court (SC) sa hiling ng DOJ na mailipat ang pagdinig sa mga kaso mula sa Capas, Tarlac Regional Trial Court (RTC) Branch 66 patungo sa Pasig RTC. Kabilang din sa mga kakasuhan ang kanyang mga business partner, na kinabibilangan ng umano’y POGO “big boss,”na si Huang Zhiyang. Nauna rito, lumiham si…

Read More

DEBATE SA HIGIT P6-T 2025 NAT’L BUDGET UMARANGKADA

SINIMULAN nang talakayin at pagdebatehan sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill (HB) 10800 o 2025 general appropriations bill na nagkakahalaga ng mahigit anim na trilyong piso. Personal na binuksan ni House Speaker Martin Romualdez ang deliberasyon sa P6.352 trillion pambansang pondo kung saan pinatutsadahan nito ang mga aniya’y ipokrito na nag-aakusa sa Kamara ngunit umiiwas magpaliwanag sa hindi maayos na paggamit sa pondo ng bayan. “To these individuals, I say, let us be clear: this chamber will not tolerate hypocrisy, nor will it stand idle in…

Read More

SPONSORS NG MALUHONG BDAY BASH NI BBM ISAPUBLIKO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAIS ng mga netizen na isapubliko ng Malakanyang kung sino ang mga kaibigan umano ni Pangulong Bongbong Marcos na sumagot sa kanyang magarbong birthday. Giit ng netizens, paglabag sa itinatakda ng RA 6713, na nagbabawal sa pagtanggap ng regalo ng mga nasa gobyerno, ang birthday treat sa Pangulo. Matatandaang agad nilinaw ni PCO Secretary Cesar Chavez na walang ginastos ang pamahalaan sa okasyon kung saan nag-perform ang 80’s English pop rock band na Duran Duran. Ngunit duda ang mga netizen na walang anomang kapalit ang kagandahang…

Read More

ISKO BINISITA MGA NASUNUGAN SA TONDO

TILA naibsan o pansamantalang nakalimutan ng halos 2,000 pamilyang nasunugan ang kanilang problema nang bumisita si dating Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso sa evacuation center. Partikular na pinuntahan ng dating alkalde ang General Vicente Lim Elementary School kung saan isa-isang kinumusta ang kalagayan ng bawat pamilyang nawalan ng tirahan. Ayon kay Domagoso, batid niya ang hirap na pinagdadaanan ng mga nasunugan ngunit naroon pa rin ang pasasalamat na walang nasaktan o nasawi sa matinding sunog na tumupok sa tenement area Aroma Compound. Bagamat malungkot ang mga nasunugan, ikinatuwa naman ng mga…

Read More

PANANATILI NG PILIPINAS SA ESCODA SHOAL TINIYAK

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa puwersa ng gobyerno na panatilihin ang ‘strategic presence’ sa West Philippine Sea kasunod ng pagbabalik ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) mula Escoda Shoal. Sinabi ito ni National Maritime Council (NMC) spokesman Alexander Lopez matapos mag-pull out ang BRP Teresa Magbanua dahil natapos na ang matagumpay nitong five-month mission sa pinagtatalunang katubigan. Sa isang panayam ng Malacañang reporters, ngayong Lunes, sinabi ni Lopez na nakatakdang mag-deploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng bagong vessel para i-monitor ang lugar kasunod ng direktiba mula sa Pangulo.…

Read More

MADULAS SI ROQUE – BARBERS

HINDI pa rin naaaresto si Atty. Harry Roque sa kabila ng paghahanap ng pinagsamang pwersa ng Philippine National Police (PNP) at House Sgt-At-Arms. Ayon ito kay House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers na siyang lead chairman ng Quad committee na nag-iimbestiga sa koneksyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), illegal drug trades at extra-judicial killings (EJK). “Hanggang ngayon walang feedback sa PNP at House Sgt-at-arms,” ani Barbers ukol sa paghahanap kay Roque na sinimulang hanapin para arestuhin noong Biyernes matapos ma-cite in contempt noong Huwebes. Sinabi…

Read More

KONEKSYON NI RAINER TIU SA POGO ITINANGGI NI TOPACIO

NILINAW ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Cassandra Li Ong, na pagkatapos niyang mag-imbestiga tungkol sa diumano’y pagkakasangkot ng isang Rainer Tiu sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators, o POGO, sa bansa, ay wala silang nakitang koneksiyon o link, sa pagitan ni Tiu at ang mga POGO. Sa isang press conference noong Sabado, Setyembre 14 sa New Kamuning Bakery, Quezon City, sinabi ni Topacio na sa open sources katulad ng records ng Securities and Exchange Commission (SEC), Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Internal Revenue (BIR) at…

Read More

VILLAR AT BEST 25TH ANNIVERSARY

HINIMOK ni Senator Cynthia Villar ang publiko na mag-solid waste management para mapigil ang malalang pagbaha sa kalakhang Maynila at iba pang lugar sa bansa. Pinaalalahanan ng chairperson ng Senate committee on environment ang publiko na kailangan nilang magsanib-puwersa para maiwasan ang palagiang suliraning ito. Dumalo si Villar bilang guest speaker sa 25th Anniversary ng BEST, lider sa waste management sa Pilipinas. Nasa larawan din kasama ni Villar sina CEO Isabelita Paredes-Mercado, SVP Emilite Aguinaldo, SVP Atty Dwight Ramos at Vice President Jan Vincent Paredes Mercado. (DANNY BACOLOD) 24

Read More