Alyansa ng mga partido hindi plantsado LOCAL BETS NI BBM NAGBABARDAGULAN?

(BERNARD TAGUINOD) MAY hindi pagkakaunawaan sa mga lokal na kandidato ng mga partidong kabilang sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas (ABP) na binuo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa 2025 midterm election. Ito ang lumalabas matapos aminin ni ABP spokesman at Navotas Rep. Toby Tiangco na kaya siya nag-file agad ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa kanyang reelection bid ay upang maharap ang problema sa local candidates. “Hindi pa. Kaya nga ako nag-file nang maaga kasi hanggang kagabi meron pa kaming inaayos (problema),” ani Tiangco nang…

Read More

PARUSA SA NUISANCE CANDIDATES TINULUGAN SA KAMARA

TILA walang plano ang Kongreso na parusahan ang mga nuisance candidates dahil tinulugan ng mga ito ang mga panukalang batas na magpaparusa sa mga ito dahil ginagawang katatawanan ang halalan. Maging ang panukalang batas ni presidential son at Ilocos Norte Rep. Alexander Marcos na pagmultahin ang mga isang nuisance candidate na binabayaran para labanan ang kaparehong pangalan na kandidato ay tila tinabla ng Kamara. Sa record ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, tatlong panukalang batas ang nakahain na kinabibilangan ng House Bill (HB) 9676 na iniakda ni Quezon City Rep. Ma.…

Read More

Serbisyong Nograles Walang Kapares P15K PUHUNAN INIHATID SA 300 MONTALBEÑO

(JOEL O. AMONGO) IKINATUWA ng nasa 300 Montalbeño ang natanggap na P15,000 mula sa Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles. Sa tulong ng ‘Serbisyong Nograles Walang Kapares’, isinagawa ang pamamahagi ng P15,000 sa 300 mga residente ng Montalban noong Setyembre 24, 2024 sa Brgy. Balite. Umaga pa lang ay inayos ng mga tauhan ni Nograles ang mga dokumento ng mga benepisyaryo kaya pagdating ng mga tauhan ng DSWD ay mabilis na naisagawa ang distribusyon ng tig-P15,000.…

Read More

Sa muling pagbubukas ng Barayuga case 2 PNP OFFICER SINIBAK

DALAWANG police officer ang sinibak sa kanilang puwesto matapos iutos ni Philippine National Police chief General Rommel Francisco Marbil na muling buksan ang pagsisiyasat sa pagpatay kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga, may apat na taon na ang nakararaan. Sa ibinahaging impormasyon ng PNP, sina Lt. Col. Santie Mendoza at Col. Hector Grijaldo, na kapwa nakatalaga sa PNP Drug Enforcement Group ay inilagay sa PNP Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) sa Camp Crame. Magugunitang idinawit ni Mendoza sa ginanap na House of Representatives’ quad committee…

Read More

KAT PIMENTEL ‘NAMANGKA SA DALAWANG ILOG’

INIWAN sa ere ni Kat Pimentel, asawa ni Senador Koko Pimentel, ang kampo ng mga Teodoro matapos siyang tulungan ng mga ito na makilala sa Marikina City. Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, hindi man lang nagpaalam nang maayos si Pimentel kina Mayor Marcy Teodoro at Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro at ipinaabot lang sa pamamagitan ng text message ang desisyon niyang kumalas. Ang mga Teodoro ang nagbigay ng break kay Pimentel para umugong ang pangalan at makilala ng mga taga-Marikina. Batay sa impormasyong nakalap ng hiwalay na source, nagmistulang…

Read More

LINGKOD NG SIMBAHAN, LINGKOD NG SAMBAYANAN Ed dela Torre sa Senado

GANITO ang panawagan ng pamunuan ng People’ Progressive Humanist Liberal Party (PolPHIL Party) nang hikayatin nila na sumabak sa Senado ang dating pari na si Edicio dela Torre para sa 2025 midterm election. Inihayag ni Rodolfo ‘ Kid’ Cañeda, national chairman ng partidong PolPHIL, ang kapasyahan nilang piliin na senatorial candidate si Dela Torre nang magpulong ang kanilang national executive committee kamakailan sa Quezon City. Kalahok sa Execom meeting ang PolPHIL Council of Elders na si Ed dela Torre, kasalukuyang pangulo ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM); Rodolfo Salas, dating…

Read More

P1,200 PARKING FEE SA NAIA KINASTIGO SA KAMARA

NAGULANTANG ang isang mambabatas sa Kamara sa parking fees na nakatakdang bayaran ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nasa kontrol na ngayon ng San Miguel Corporation (SMC). “Wala pang pagbabago na nagaganap sa NAIA, nauna nang lumipad ang singil sa mga pasahero,” reaksyon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos maglabas ng advisory na simula kahapon, October 1, ay P1,200 na ang babayaran ng pasahero na overnight parking. Maging ang mga motorsiklong iiwan ng lumipad na pasahero ay magbabayad ng P480 kada araw habang P2,400 naman…

Read More

T3 SA SENADO, NAKIKITA SA 2025!

RAPIDO NI PATRICK TULFO MATUNOG na matunog ang pangalan ngayon ng mga Tulfo sa darating na eleksyon kung saan 1-2 ang posisyon ng aking mga uncle na sina Cong. Erwin and Ben Tulfo sa latest survey ng OCTA Research. Sabi tuloy ng netizens, ito na ang umpisa ng political dynasty ng mga Tulfo. Bukod nga naman sa Senado, may Tulfo rin sa Kongreso – sina Cong. Jocelyn ng ACT CIS at Cong. Ralph Tulfo sa District 2 ng Quezon City. Sa posibilidad na pagpasok ng 2 pang Tulfo sa Senado,…

Read More

BI COMM APPLICANTS NA GUSTO MAGPAYAMAN, ‘DI NAKAPORMA KAY REMULLA

BISTADOR ni RUDY SIM NOONG naligwak sa pwesto itong si dating Bureau of Immigration, Commissioner Norman Tansingco ay maraming natuwa at marami rin sa naiwanang mga aso nito sa Office of the Commissioner, ang nalungkot dahil nawala na ang kanilang gatasan. Maraming pangalan ang lumutang na nangarap na masungkit ang naiwanang trono ni Tansingco gamit ang kanilang backer kagaya na lamang ni alias “Macho Chiquito” na dating naging chief ng Tourist Visa Section, na bata ng isang kongresista ng Maynila na si “Atras Abante”. Nariyan din ang napabalitang naging pambato…

Read More