73% PINOY NANINIWALANG DAPAT HUMARAP SI VP SARA SA IMPEACHMENT COURT

PARA sa 73% o halos tatlo sa bawat apat na Pilipino, dapat humarap si Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment trial upang sagutin ang mga alegasyon sa kanya kasama na ang kanyang pagbabanta kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Martin Romualdez, ayon sa survey ng Tangere. Ang survey ay ginawa mula Pebrero 10 hanggang 12 at kinuha ang opinyon ng 2,400 respondents gamit ang mobile-based platform upang makuha ang sentimyento ng publiko kaugnay ng impeachment case na kinakaharap ni Duterte. Ayon sa survey, 51%…

Read More

Sagot sa negative campaigning ni Marcos SUKA ANG KALABAN NG PEKENG GINTO – ATTY. RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINUWELTAHAN ng isa sa mga tinaguriang Duterte senatorial candidates ang patutsada kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa campaign rally ng kanyang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tumatakbong senador sa ilalim ng Hakbang ng Maisug at isa sa mga ineendorso ni dating pangulong Rodrigo Duterte, hindi dapat nangunguna ang presidente sa negatibong pangangampanya. Aniya pa, sa sobrang hirap na dinaranas ngayon ng mga Pilipino ay nagawa pang maliitin ni Marcos ang suka nang sabihing may ilan sa kalaban ng kanyang mga…

Read More

QUIMBO MAS MASAHOL PA KAY ZALDY CO — PANELO

MASAHOL pa si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa pinalitan nito sa House Committee on Appropriations na si Rep. Zaldy Co, ayon kay dating presidential spokesperson at presidential legal counsel na si Salvador Panelo. Tinawag ni Panelo bilang arkitekto ng pinaka-corrupt na pambansang budget si Co, na pinalitan bilang chairman ng Committee on Appropriations sa mosyon na rin ng anak ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na si Rep. Sandro Marcos. Subalit sinabi ni Panelo na mas malala pa ang pumalit kay Co sa katauhan ni Quimbo, na tinawag niyang…

Read More

‘KILL BILL’ NI DIGONG SINAGOT NI PBBM

SINAGOT ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. (PBBM) ang pahayag ni former president Rodrigo ‘Rody’ Duterte (FPRRD) sa mismong balwarte ng mga Duterte sa Davao hinggil sa planong ipapatay umano ang 15 senador para makapasok ang mga kandidatong senador ng oposisyon. Pinasaringan ni PBBM ang mga Duterte nang pangunahan niya ang political rally ng administration party na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Carmen, Davao del Norte upang tanungin kung “bakit puro pagpatay ang naiisip na solusyon ni FPRRD?” Magugunitang umani ng samu’t saring reaksyon ang mga maanghang na pahayag…

Read More

LANGIS MULA SA MARIJUANA TINALAKAY SA JOINT REWARD COMMITTEE MEETING

Nasa larawan (L-R) si Bishop James Boliget, miyembro ng committee; si Rigel Gomez, pangulo ng BauerTek Pharmaceutical Technologies; si Richard Nixon Gomez, tagapangulo ng BauerTek; ASec Rene Gumban, PDEA Deputy Director General for Operations; at Dr. Rodolfo John Teope, miyembro ng Committee. IBINAHAGI ni Scientist/Inventor Richard Nixon Gomez at ng kanyang anak, ang kapwa imbentor na si Rigel Gomez, ang kanilang kaalaman at expertise sa agham at teknolohiya. Sa isang Joint Committee hearing na isinagawa sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), iprinisinta ng mag-amang Gomez ang mga metodolohiya sa pagkuha…

Read More

KARAPATAN NG MAMAMAYAN, IPAGLALABAN NI REVILLA

NAKAKUHA ng matinding atensiyon si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. nang dumagundong ang hiyawan at palakpakan sa bawat lansangan na tahakin ng kanyang convoy sa ginanap na motorcade Miyerkules ng tanghali sa Pasay City. Sa isang ambush interview, sinabi ni Revilla hindi niya napigil ang sarili na maghayag ng taos-pusong pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng dinanas niyang kapighatian matapos yurakan ang kanyang pagkatao sa mga maling akusasyon na kalaunan ay napatunayang walang katotohanan. Tiniyak din ng senador na dadalhin niya sa mga isasagawang…

Read More