IBINASURA ng Manila Regional Trial Court (MRTC) Branch 40 ang petisyon para sa temporary restraining order at writ of preliminary injunction na isinampa ni Councilor Joel Villanueva laban kay Vice Mayor Yul Servo at mga konsehal mula sa Asenso Manileño na nag-iisang dominant at ruling local party sa kabisera ng bansa. Ito ang ibinunyag ni Manila Congressman Rolan Valeriano (2nd district) sa kanyang kapasidad bilang mataas na opisyal ng partido at sinabi pa na binigyang kredibilidad ng korte ang isinumiteng dokumento at testimonya ng Asenso Manileño councilors. Idinagdag pa nito…
Read MoreDay: April 2, 2025
MATIYAGANG HOUSE-TO-HOUSE CAMPAIGN NG TRABAHO SA MAKATI, MAY ‘NILAGA’ NA
“PAG may tiyaga, may nilaga.” Iyan ang magandang manifestation sa karanasan ni TRABAHO Party-list nominee Ninai Chavez sa kanyang pagdalo sa National Women’s Month celebration sa Makati City Hall noong Marso 23, 2025. Ibinahagi ni Chavez na ikinatuwa niya na nagbubunga na ang kanilang “house-to-house campaign” sa mga residente ng Makati sa kanilang mga bahay at mga tindahan. “Nakakakilig na sila na ngayon ang lumalapit sa min dahil naalala nila na pumunta kami sa bahay nila!,” pagbabahagi ng TRABAHO nominee. Noong nagsimula ang kampanya ay tulung-tulong umano ang mga nominee…
Read MoreHOUSE TO HOUSE NG TEAM NI YORME DINUMOG
DINUMOG ng mga residente si dating Manila Mayor “Isko Moreno” Domagoso nang magsagawa ng house-to-house campaign sa tatlong barangay sa Tambunting, Sta.Cruz, Maynila noong Martes, Abril 1. Sa kanyang pagbabahay-bahay, hindi naitago ng mga residente partikular ang mga lolo’t-lola ang kanilang pagkasabik na makita ang dating alkalde. Karamihan ay hindi naiwasang yumakap at humalik kay Domagoso sa sobrang tuwa na muli nilang nakadaupang-palad ang minamahal nilang alkalde. Kasabay ng paghiyaw ng mga tagasuporta na naniniwala sa magandang nagawa ni Domagoso sa lungsod at sa mga Manilenyo, umaasa silang makababalik siya…
Read MoreKasunod ng magnitude 7.7 quake sa Myanmar DND-OCD INATASANG IHANDA ANG BANSA VS ‘THE BIG ONE
INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Department of National Defense-Office of Civil Defense (OCD) na ihanda ang bansa sa malalaking kalamidad na posibleng tumama sa Pilipinas gaya ng malakas na lindol na yumanig sa Myanmar at kumitil ng mahigit 2,000 katao. Ayon kay OCD National Director USec. Ariel Nepomuceno, nais ni Pangulong Marcos na makabuo ng long-term solutions pagdating sa usapin ng mga natural calamity, kabilang na ang pinangangambahang “The Big One”— isang 7.2 magnitude earthquake o higit pa, na maaaring tumama sa bansa partikular sa urban areas.…
Read MoreCHIEF OF POLICE NG STA. ANA CAGAYAN PATAY SA AKSIDENTE
PATAY ang hepe ng Sta. Ana Police Station matapos na tumaob ang minamaneho nitong kotse makaraang salpukin ng isang van sa Sitio Limbus, Brgy. Rapuli, Sta. Ana, Cagayan. Kinilala ang biktimang si PMaj. Ranolfo Gabatin, hepe ng Police Station ng Sta. Ana, residente ng Centro East, Sta. Teresita, Cagayan. Pansamantalang nakadetine ang nagmamaneho ng van na si Joseph Munzon, 56-anyos, magsasaka, residente ng Sitio Racat, Brgy. Rapuli, Sta. Ana, Cagayan. Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon, kapwa binabagtas ng van at kotse ang kahabaan ng national road sakop ng Sitio Limbus…
Read MoreSEN. PIA INENDORSO NI GOV. GARCIA
ITINAAS ni Cebu Governor Gwen Garcia ang kamay ni Senator Pia Cayetano bilang pagpapakita ng kanyang suporta sa muli nitong pagtakbo sa Senado. Si Cayetano ang unang kandidato sa pagkasenador na sinuportahan ng gobernador noong Pebrero 26. Ang kanilang pagtutok sa pagpapalakas ng kababaihan, de kalidad na edukasyon, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan ay sumasalamin sa kanilang layunin na mapaunlad ang buhay ng mga Cebuano. (Danny Bacolod) 28
Read MoreLIBONG OFWs LUMUSOB SA TARLAC GYM BILANG SUPORTA SA AKO-OFW PARTY-LIST
DINALUHAN ng libo-libong overseas Filipino workers (OFW) ang oath taking ceremony kamakailan sa Tarlac, City. Inimbitahan ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles ang AKO-OFW para mas lumaganap pa ang mga adbokasiya at plano na tututok sa pangangailangan ng mga OFW. Kasama ang kanilang pamilya, mainit na tinanggap ang mithiin na maipaabot sa kanila ang nais na tulong at proteksyon ng AKO-OFW party-list at ipagpapatuloy ang kanilang nasimulan. Ayon kay AKO-OFW 1st nominee at Chairman Dr. Chie Umandap, nagtutugma ang layunin ng AKO-OFW at ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles na…
Read MorePreparado na sa Semana Santa HIGIT 1K PULIS IKAKALAT SA CENTRAL LUZON
INIHAYAG ni Police Regional Office 3 director Brigadier General Jean Fajardo na maglalatag sila na 602 mga police assistance desk bilang paghahanda ngayong bakasyon at sa nalalapit na Semana Santa. Sinabi ni Fajardo, na nasa 1,484 na pulis ang ikakalat na magsisipag-uwian sa lalawigan sa mga rehiyon gayundin sa mga bakasyunista ngayong summer season. Ayon dito, ang mga police assistance desk na ikakalat ay sa mga istratehikong lugar upang pigilan at masiguro na ligtas ang mga biyahero at turista sa masasamang balak ng mga criminal. Kabilang sa kanilang tututukan ay…
Read MoreEX-PGMA HUMIHINGI NG DASAL PARA SA PAMILYA
DUMADAAN sa pagsubok ang pamilya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ito ang mismong isiniwalat ng dating pangulo sa kanyang Facebook post kaya mawawala ito sa bansa simula bukas, Abril 3 hanggang 21, 2025 base sa inaprubahan ng liderato ng Kamara na travel authority ipinagkaloob dito. “This is to authorize your Honor to travel in Singapore on April 3-21, 2025 for a meet and greet activities with the overseas Filipino workers,” saad sa inaprubahang travel authority na nilagdaan ni House secretary general Reginald Velasco sa pamamagitan ni House Speaker Martin Romualdez.…
Read More