NANAWAGAN ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines sa pamahalaan na dagdagan ang pondo para sa edukasyon kasabay ng nalalapit na pagbubukas ng klase sa Hunyo 8. Ito ang pangunahing mensahe sa isinagawang Family Day for Education sa University of the Philippines Diliman na dinaluhan ng mga guro, kawani sa edukasyon, magulang, estudyante, at education advocates. Ayon kay ACT Chairperson Ruby Bernardo, muling haharap ang pampublikong sistema ng edukasyon sa matitinding hamon dahil sa kakulangan ng mga silid-aralan, guro, at education support personnel. “Tuwing pagbubukas ng klase, lumilitaw ang parehong…
Read MoreDay: June 7, 2026
KABATAAN KATUWANG SA PAGBABAGO SA KOMUNIDAD
SA panahong madalas pag-usapan ang papel ng kabataan sa lipunan, isang mahalagang tanong ang umuusbong sa Las Piñas City: kung nagagawang maghatid ng makabuluhang serbisyo ng mga organisasyong umaasa lamang sa volunteerism, partnership, at suporta ng komunidad, bakit tila nahihirapan ang ilang institusyong may malaking pondo na makamit ang kaparehong epekto? Sa loob ng halos tatlong taon, pinatunayan ng Asenso Kabataan Inc. na hindi hadlang ang edad upang mamuno at maglingkod sa kapwa. Sa pamamagitan ng mga programang pangkabataan, sports development, educational assistance, community outreach, environmental initiatives, disaster response at…
Read More10 KILONG SHABU HULI SA JOINT BUY-BUST OPERATION SA PASAY CITY
TINATAYANG aabot sa P68 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu, ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang joint anti-narcotics operation sa Pasay City. Ayon sa ulat na ibinahagi ng tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, dalawang high value target ang nadakip sa ikinasang buy-bust operation sa pangunguna ng PDEA Regional Office–National Capital Region Northern District Office (PDEA RO-NCR NDO), katuwang ang PDEA RO-NCR Southern District Office (SDO), Philippine National Police Drug Enforcement Group – Special Operation Unit NCR (PNP DEG SOU NCR),…
Read MoreDEATH TOLL SA GUMUHONG GUSALI SA PAMPANGA, 28 NA
UMAKYAT na sa 28 ang bilang ng mga nasawi sa pagbagsak ng siyam na palapag na gusaling itinatayo sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga noong Mayo 24, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Gayunman, ikinagulat ng mga awtoridad na pito sa mga narekober na bangkay ay hindi kasama sa listahan ng mga nawawalang construction workers na isinumite sa rescue teams. Dahil dito, iniimbestigahan ngayon kung sinu-sino talaga ang nasa loob ng gusali nang mangyari ang trahedya. Batay sa updated casualty data ng BFP, 26 sa 28 bangkay na nahukay…
Read MoreBALIK-ESKWELA NG HIGIT 26M ESTUDYANTE GWARDYADO NG PNP
TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang ligtas na pagbabalik-eskwela ng mahigit 26 milyong mag-aaral sa pagbubukas ng SY 2026-2027 sa pamamagitan ng pagdeploy ng mahigit 55,000 security personnel sa ilalim ng Oplan Balik-Eskwela. Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., kabilang sa ipinakalat na mga tauhan ang 28,751 miyembro ng PNP, 4,079 personnel mula sa iba pang yunit, at 22,677 force multipliers mula sa mga katuwang na ahensiya at organisasyong pangkomunidad. “Kasama sa komprehensibong deployment na ito ang mga pulis na nakatalaga para sa mataas na…
Read MoreAFP UMALMA SA TAWAG NA 18 MARINES SA ‘MALETA BOYS’ NI ZALDY CO
TUTOL ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa patuloy na pagtawag na “18 Marines” sa grupong umano’y nagsilbing bagmen sa kontrobersyal na flood control scandal na iniuugnay kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, nakalilinlang umano ang paggamit ng terminong “ex-Marines” sa 18 indibidwal na nagsasabing sila ay dating sundalo na nagdadala ng mga maleta ng pera bilang umano’y kickback mula sa public works funds. Ipinaliwanag ng AFP na wala na sa serbisyo ang mga naturang indibidwal nang…
Read MorePH TANGGAP PAGKATALO SA UN SECURITY COUNCIL ELECTION
TINANGGAP ng Pilipinas ang naging resulta ng eleksyon para sa non-permanent seat ng United Nations Security Council (UNSC) at nagpaabot ng pagbati sa Kyrgyzstan sa pagkapanalo nito para sa 2027-2028 term. Nabigo ang Pilipinas na masungkit ang nakalaang pwesto para sa Asia-Pacific regional group matapos makakuha lamang ng 49 boto laban sa 142 boto ng Kyrgyzstan. Sa kabila ng pagkatalo, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro na mananatiling nakatuon ang Pilipinas sa pagsusulong ng kapayapaan, katatagan, sustainable development, at rules-based international order. “We thank the international community for…
Read MoreWIN HANDANG MAKIPAG-ONE-ON-ONE KAY ALAN
HANDANG makipagpulong si Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian kay Senate President Alan Peter Cayetano upang resolbahin ang isyu sa leadership sa Senado. Sinabi ni Gatchalian na bukas siya sa pakikipag-ugnayan sa mga senador, miyembro man ng majority o minority bloc, upang maisaayos na ang takbo ng Senado at makabalik na sila sa trabaho nang maayos. Ito ay kasunod ng imbitasyon ni Cayetano sa pamamagitan ng Facebook Live na mag-meeting sila dahil may naiisip siyang solusyon sa problema nila ngayon sa Senado. Sa gitna ito ng paninindigan ni Cayetano na…
Read More