BOC NAGDEKLARA NG ‘ALL-OUT WAR’ KONTRA SMUGGLING

NAGDEKLARA ang Bureau of Customs (BOC) ng “all-out war” laban sa smuggling kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng one-strike policy sa mga tauhang masasangkot sa katiwalian. Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, magsisilbing matinding babala sa mga smuggler ang sunod-sunod na pagkakasabat ng bilyun-bilyong pisong halaga ng mga puslit na sigarilyo. Binigyang-diin ng komisyoner na nananatiling umiiral ang zero tolerance policy sa loob ng ahensya at agad na matatanggal sa serbisyo ang sinumang empleyadong mapatutunayang sangkot sa ilegal na aktibidad. Ayon pa sa BOC, lalo pang nagiging sopistikado ang operasyon…

Read More

SEN. MARK VILLAR, KINONDENA PANANAKSAK SA GRADE 8 STUDENT SA LAS PIÑAS

NAGPAHAYAG ng matinding pagkondena si Senador Mark Villar sa pananaksak sa isang Grade 8 student ng Las Piñas National High School. Ayon sa senador, walang batang Las Piñero ang dapat mabuhay sa takot o malagay sa panganib habang pumapasok o umuuwi mula sa paaralan. Nanawagan si Villar sa lokal na pamahalaan ng Las Piñas, mga paaralan, barangay, law enforcement agencies at buong komunidad na paigtingin ang seguridad sa loob at paligid ng mga eskuwelahan at palakasin ang koordinasyon upang maiwasan ang mga insidente ng karahasan. Lubha rin niyang ikinalungkot na…

Read More

FFCCCII IKINATUWA HATOL SA 7 KIDNAPPING SUSPEK

IKINAGALAK ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ang guilty verdict laban sa pitong indibidwal na sangkot sa pagdukot sa isang 78-anyos na negosyante. Ayon sa grupo, malaking hakbang ito tungo sa mas mabilis na pagpapatupad ng batas at pagpapalakas ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa bansa. Pinuri ni FFCCCII President Victor Lim ang naging desisyon ng Quezon City court na magpataw ng reclusion perpetua nang walang parole sa mga akusado, siyam na buwan lamang matapos dukutin ang biktima noong Setyembre 2025. “This conviction is…

Read More

PRESENSYA NI VP SARA SA PAGBUBUKAS NG IMPEACHMENT TRIAL ‘DI PA TIYAK

KINUMPIRMA ni Senate President Sherwin Gatchalian na wala pang abiso mula sa kampo ni Vice President Sara Duterte kung dadalo siya sa pagbubukas ng impeachment trial, ngayong Lunes, July 6. Sa kabila ito ng inilabas na notice ng Impeachment Court para sa personal na pagdalo ng Bise Presidente. Nilinaw naman ni Gatchalian na alinsunod sa kanilang impeachment rules, hindi obligado ang bise presidente na dumalo sa paglilitis at maaari siyang katawanin ng kanyang representative o kanyang mga abogado. Gayunman, sinabi ng senate leader na pinaghahandaan nila ang anomang posibilidad dahil…

Read More

MARCOS JR. SA PANAWAGANG PATALSIKIN SIYA: ‘NONSENSE’

TINAWAG na “nonsense” ni President Ferdinand Marcos Jr. ang panawagang patalsikin siya sa puwesto dahil sa umano’y mabagal na usad ng imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects. “That makes absolutely no sense,” tugon ng Pangulo. Iginiit ni Pangulong Marcos na siya lamang ang naglantad ng umano’y mga iregularidad sa state-funded flood control projects at patuloy ang ginagawang imbestigasyon. “I cannot say that we have done enough because we are not done yet. Unfortunately, the more we look, the more we find. And it is going already back beyond my…

Read More

Para sa kaligtasan ng mga pasahero LCSP: IF YOU VLOG, DON’T DRIVE

SUPORTADO ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang Memorandum Circular No. 2026-050 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagbabawal sa mga driver ng public utility vehicles (PUVs) na mag-vlog habang nagmamaneho. Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, layunin ng direktiba na maiwasan ang mga aksidente at maprotektahan ang mga pasahero, drayber at iba pang gumagamit ng kalsada. Paliwanag ni Inton, hindi ipinagbabawal ng LTFRB ang vlogging kundi ang paggawa nito habang nagmamaneho. “Kung gusto mong mag-vlog, huwag habang nagda-drive. ‘If you vlog, don’t drive,’”…

Read More

CAYETANO: PAARALAN DAPAT MANATILING LIGTAS, VALUES FORMATION PALAKASIN

NANAWAGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ng mas ligtas na mga paaralan at mas matibay na values formation kasabay ng paggunita ng School Safety Month ngayong Hulyo. Ginawa ni Cayetano ang panawagan matapos ang sunod-sunod na mararahas na insidenteng kinasangkutan ng mga estudyante, kabilang ang pananaksak sa dalawang Grade 11 students sa Cabaluay National High School sa Zamboanga City at pagkakasamsam ng .38-caliber revolver na may anim na bala mula sa isang Grade 10 student sa isang paaralan sa Barotac Nuevo, Iloilo. Nauna rito ang school shooting sa…

Read More