INIHAYAG ni Senador Camille Villar ang suporta sa agarang pagpasa ng Senate Bill No. 1905 o ang Magna Carta of Barangay Health Workers (BHWs). Sa kanyang co-sponsorship speech, sinabi ni Villar na matagal nang nagsisilbing gulugod ng primary healthcare system ang mga Barangay Health Workers ngunit nananatiling kulang ang suporta at pagkilalang natatanggap ng mga ito. Ayon sa senador, layunin ng panukala na malinaw na itakda ang mga tungkulin ng mga BHW, palakasin ang kanilang pagsasanay at sertipikasyon, magbigay ng mga oportunidad para sa career development, at isabatas ang mga…
Read MoreDay: August 3, 2026
HIGIT 978,000 LOW-INCOME SSS MEMBERS NAKATANGGAP NA NG UPLIFT ASSISTANCE
INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahigit 978,000 miyembro ng Social Security System (SSS) na may mababang kita ang nakatanggap na ng P2,000 Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance. Ayon kay DSWD Assistant Secretary at tagapagsalita Irene Dumlao, kabilang ang mga ito sa Group 3 beneficiaries ng programa na inilunsad bilang tugon sa epekto ng krisis sa enerhiya. Ang UPLIFT Assistance ay ipinatutupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang bahagi ng social protection program para sa mga pamilyang mahihirap,…
Read MoreMALACAÑANG PINALAGAN AKUSASYONG ‘SELECTIVE JUSTICE’ SA PIYANSA NI BONG REVILLA
ITINANGGI ng Malacañang ang alegasyon ng “selective justice” matapos payagan ng Sandiganbayan Third Division si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya sa kasong malversation. Nahaharap si Revilla sa kasong malversation na may kaugnayan sa umano’y P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang desisyon ay ginawa ng isang independent court at walang kinalaman ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. “Ang pagdedesisyon po iyan,…
Read MoreMALAKANYANG SUPORTADO ‘RESIGN APPEAL’ NI TEODORO
SUPORTADO ng Malacañang ang panawagan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga opisyal ng pamahalaan na panindigan ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang katapatan ng bawat Pilipino ay dapat nakatuon lamang sa bansa, anoman ang kanilang political affiliation. Ayon kay Castro, walang nakikitang mali ang administrasyong Marcos sa pahayag ni Teodoro na dapat ikonsidera ng mga opisyal ng gobyerno ang pagbibitiw sa puwesto kung hindi nila kayang…
Read MoreHAGUE RALLIES NI VP SARA IKINONEK SA 2028 CAMPAIGN
GINAGAMIT umano ni Vice President Sara Duterte ang kanyang mga pagpapakita sa The Hague, Netherlands upang palakasin ang kanyang political base para sa 2028 elections habang ang kanyang mga abogado ang humaharap sa impeachment trial sa Senado. Ito ang pahayag ni House impeachment trial spokesperson Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong matapos ang isinagawang “Free Duterte Now” rally sa labas ng International Criminal Court (ICC) na dinaluhan ni Duterte. “Una, I think nagra-rally lang siya ng support talaga eh. That’s how we see it,” ani Adiong. Matatandaang inanunsyo ni…
Read MoreWIN KAY IMEE: TUMULONG HUWAG PURO BATIKOS
HINIMOK ni Senate President Sherwin Gatchalian si Senador Imee Marcos na makiisa sa pagpasa ng mga priority bill ng Senado sa halip na batikusin ang naging performance ng Kamara sa unang regular na sesyon ng 20th Congress. Ito ay matapos sabihin ni Marcos na “palpak” ang Senado dahil dalawa lamang umanong panukalang batas ang naipasa nito sa nakalipas na first regular session. Ayon kay Gatchalian, mas makabubuting makibahagi ang senadora sa trabaho ng Senado upang mapabilis ang pagpasa ng mahahalagang panukala. Ipinaliwanag niya na anumang puna laban sa Senado ay…
Read MoreVILLAR NAGHAIN NG PANUKALANG TAX EXEMPTION SA MSMEs
NAGHAIN si Senador Mark A. Villar ng Senate Bill No. 2362 na naglalayong i-exempt ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa pagbabayad ng Minimum Corporate Income Tax (MCIT) upang mabawasan ang kanilang pasanin sa buwis at mapalakas ang kanilang kakayahang lumago at makalikha ng mas maraming trabaho. Ayon kay Villar, ang mga MSMEs ay bumubuo ng 99.63 porsyento ng lahat ng rehistradong negosyo sa bansa noong 2024. Nag-aambag din ang sektor ng 35.7 porsiyento sa Gross Domestic Product (GDP) at nagbibigay ng trabaho sa 63.19 porsiyento ng kabuuang…
Read MoreNutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan: Sama-samang Pagkilos Para sa Mas Malusog na Kinabukasan
Sa pagdiriwang ng National Nutrition Month 2026, muling ipinamalas ng SAKSI NGAYON ang kahalagahan ng pagkakaisa sa paglilingkod sa komunidad sa pamamagitan ng programang may temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan.” Hindi lamang ito naging simpleng pagdiriwang kundi isang makabuluhang hakbang upang maitaguyod ang wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalikasan, at malasakit sa kapwa, lalo na sa mga kabataang higit na nangangailangan ng suporta. Isinagawa ang Feeding at Medical Mission Activity sa Feliciano Covered Court, Cadena De Amor St., Maligaya Park Subdivision, Barangay Pasong Putik, Quezon City, kung saan nagtipon ang…
Read MoreGUN FOR HIRE, NO. 2 MWP DINAKMA SA SAN PABLO CITY
ARESTADO ang isang hinihinalang gun for hire at rank no. 2 regional most wanted person sa CALABARZON, sa isinagawang operasyon ng Police Regional Office 4A sa isang farm sa Barangay San Lucas, San Pablo City nitong Sabado. Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Bobby” na nahaharap sa kasong murder. Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court sa Siniloan, Laguna na walang inirekomendang piyansa. Sa isinagawang preventive search, nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang isang kalibre .45 na baril, mga magazine at…
Read More