223 magsasaka ang makikinabang SOLAR-POWERED IRRIGATION SA PANGASINAN INILUNSAD

INILUNSAD ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang solar-powered irrigation system sa Bani, Pangasinan kung saan 223 magsasaka ang makikinabang.

Ayon sa kalatas ng DAR, iginawad ni Secretary John Castriciones ang solar-powered irrigation sa Rang-Ay Upland Integrated Farmers Association Inc. (RUFAI) sa Barangay Dacap ng bayan ng Bani noong Mayo 4.

Pawang agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang 223 magsasaka ng RUFAI.

“Ang proyektong patubig na ito ay tutugon sa problema ng mga magsasaka sa matinding pagkatuyo sa panahon ng tag-init, lalo na kung mayroong El Niño,” banggit ni Castriciones.

Idinugtong pa ni Castriciones, makatutulong ito nang malaki upang hindi magkaroon ng malaking suliranin ang mga magsasaka sa kanilang pagtatanim kahit sobrang init ng panahon dahil mayroong patubig na gamit ang solar-powered system. (NELSON S. BADILLA)

148

Related posts

Leave a Comment