NAGLAHONG PANGARAP NG MGA PANATIKONG PINKLAWAN OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO

TULUYAN nang napatid ang kaisa-isang hibla na pinanghahawakan ng mga panatikong pinklawan na makaupo pa sa Malakanyang ang manok nila na si Leni Robredo kahit alam nilang natalo naman ito noong nakaraang eleksyon kay incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.
Sa totoo lang ay hindi ko maubos-maisip kung saan ­kumukuha ng kapal ng mukha ang mga talunang pinklawan na ito para pangarapin pa nila na makakaupo pa si Leni ­samantalang naging maayos at malinis naman ang eleksyon.
Dahil nga sa maayos na ­halalan at sa bilis ng ­transmission ng resulta ng botohan sa ­Comelec transparency server kaya bago mag-alas-dose ng hatinggabi noong Mayo 9 ay alam na natin na nasa 31 milyon na ang ­nakuhang boto ni BBM at ang resulta nga ay tinambakan niya si Leni ng nasa 16 milyon.
At sapagkat naging maayos nga ang halalan ay mabilis ang naging pagtanggap ng international community sa resulta ng eleksyon.
Dahil dito, kamakailan lang ay tinawagan na si BBM nina US President Joe Biden, Chinese leader Xi Jinping at maging ni Russian President Vladimir Putin at marami pang iba para batiin sa kanyang napakalaking panalo.
Pero kahit ganito ang nangyari ay naghain pa rin ng petisyon sa Korte Suprema ang mga panatikong pinklawan na naglalayong ipawalang bisa ang kandidatura at panalo ni BBM.
Humiling pa nga sila na mag-isyu ng temporary ­restraining order ang SC para pigilan ang Senado at Kamara na mag-convene bilang National Board of Canvassers para sa pangulo at pangalawang pangulo.
Pero parang sinampal ang mga pinklawan dahil hindi ­nagbigay ng TRO ang SC kaya naman tiyak na tiyak nang ­mapoproklama sina BBM at ­Inday Sara ngayong darating na Biyernes.
Kaya naman kahapon lang ay magkakasunod na nag-courtesy call kay BBM ang apat na ­diplomat mula sa bansang Amerika, Japan, South Korea at India.
Unang bumisita kay Marcos si Japanese Ambassador to the Philippines si Kazuhiko ­Koshikawa dakong alas-9:00 ng umaga, kasunod si South Korea Ambassador Kim Inchul na dumating ganap na alas-10:00 ng umaga.
Bandang alas-11:00 ng umaga ay nagbigay pugay rin kay Marcos si India Ambassador Shambhu S. Kumaran, kasunod si US Chargé d’Affaires Heather Variava na dumating bago mag-alas-12:00 ng tanghali.
Sa pakikipagpulong kay Marcos, tiniyak nila ang pagpapalakas sa ugnayan sa trade and diplomacy ng kani-kanilang bansa sa Pilipinas, gayundin ang iisang layunin sa pagsusulong ng matatag na demokrasya, self-determination, at economic recovery.
Dahil diyan goodbye na talaga sa pangarap ng mga pink­lawan na maiupo pa ang talunan nilang manok na si Leni.
Better luck next time na lang sila!
240

Related posts

Leave a Comment