4 SUSPEK SA HOLDAP, SNATCHING IPRINISINTA SA MAYNILA

INIHARAP kay Mayor Isko Moreno ang apat na suspek sa magkakahiwalay na insidente ng panghoholdap at snatching sa Maynila.

Kabilang sa mga naaresto si alyas Cesar, 19, na isa sa mga suspek sa pananaksak sa isang truck driver noong Abril 25. Ayon sa ulat, tinangka umano ng suspek at ng kasama nitong si Aldrin, 25, na holdapin ang driver na humantong sa pananaksak.

Sa tulong ng kumalat na video footage, agad na naaresto si alyas Cesar kinabukasan.

Naaresto rin noong Abril 22 ang isang menor de edad matapos i-post sa Facebook ang insidente ng panghoholdap sa kahabaan ng Road 10. Isinuko ito ng kanyang ina kasama ang ninakaw na cellphone.

Samantala, nasakote rin ang suspek sa hiwalay na insidente ng snatching sa Osmeña Highway noong Abril 25.

Ayon sa Manila Police District (MPD), mabilis na naaresto ang suspek na si Isagani, 25, dahil sa ilegal na pagdadala ng baril na walang kaukulang papeles.

(JOCELYN DOMENDEN)

38

Related posts

Leave a Comment