TINATAYANG 50 sasakyan ang ini-impound ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa isinagawang clearing operation nitong Martes ng umaga sa Felix Huertas St., Sta. Cruz, Maynila.
Kabilang dito ang mga nakaparadang sasakyan, motorsiklo at mga sirang sasakyan na nakaimbak sa kalsada.
Ang mga ini-impound na sasakyan ay dadalhin sa MMDA impounding area sa Pasay City at doon na lamang tutubusin ng mga may-ari.
Ilang vehicles owner naman ang nagreklamo dahil sila umano ay nagbabayad ng overnight parking sa ilang attendant sa lugar na nagpapaparada ng sasakyan.
Sinabi ng MMDA na ang Felix Huertas St. ay hindi maaaring gawing parking dahil ang kalsada ay tagos hanggang sa Rizal Avenue.
(RENE CRISOSTOMO)
210 