9 PATAY SA COVID-19 SA 3 CAMANAVA CITIES

NAKAPAGTALA ng siyam na namatay sa COVID-19 ang tatlong lungsod sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Mayo 25.

Ayon sa ulat, pito ang patay sa Caloocan City at 983 ang active cases.  Pumalo na sa 30,905 ang total confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 29,019 na ang recoveries at 903 ang namatay.

Isa naman ang binawian ng buhay sa Navotas City at 140 ang active cases matapos na 10 ang gumaling at 10 ang nagpositibo sa virus.  Sumampa na sa 10,794 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 10,296 na ang gumaling habang 358 ang namatay.

Isa namang COVID patient ang namatay sa Malabon kaya’t umakyat na sa 436 ang COVID death toll ng lungsod.  Habang 35 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 12,990 na ang positive cases sa siyudad, 174 dito ang active cases.

Umabot sa 33 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 12,380 ang recovered patients ng Malabon.

Hindi pa naglalabas ng COVID-19 cases update ang Valenzuela City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)

155

Related posts

Leave a Comment