MULI na namang nalagasan ng kanilang mga mandirigma ang communist New People’s Army nang mapaslang ng militar ang dalawa nilang kasapi sa nangyaring sagupaan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Cauyanan, sa bayan ng Motiong, lalawigan ng Samar nitong nakalipas na linggo.
Ayon sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng Philippine Army sa Camp Andres Bonifacio sa Taguig City, nakasagupa ng mga tauhan ng 46th Infantry Battalion, na nasa ilalim ng pangangasiwa ng 8th Infantry (Stormtroopers) Division, Philippine Army, ang nalalabing mga miyembro ng CPP-NPA Yakal Platoon, Sub-Regional Committee Browser, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC), sa Motiong ng nasabing lalawigan.
Matapos ang humigit kumulang sampung minutong bakbakan, umatras ang mga rebelde at iniwang ang bangkay ng dalawa nilang kasamahan sa encounter site.
Matapos ang isinagawang clearing operation, natagpuan ng militar ang isang M14 rifle, isang caliber .45 pistol, at personal na mga kagamitan ng fleeing comrades.
Ayon sa 8th Infantry Division, panibagong dagok ito sa mahina nang pwersa ng Communist Terrorist Group na kumikilos sa Eastern Visayas.
“The neutralization of these armed individuals and the recovery of their firearms further degrade the operational capability of the CTG in Samar. This reflects the sustained pressure being applied by our troops on the ground.”
“Despite their attempts to evade government forces, our troops remain relentless in pursuing these armed groups. Their abandonment of their fallen comrades once again exposes their disregard for human life within their ranks,” ayon pa sa 8ID.
Kaugnay nito, muling nanawagan ang Philippine Army sa nalalabing mga miyembro ng kilusan na samantalahin ang alok na pagbabagong buhay ng Marcos administration.
“We urge the remaining members of the CTG to lay down their arms and reunite with their families. The government is ready to support their reintegration into society.”
(JESSE RUIZ)
88 