NAGLABAS ng manifesto ang Association of General and Flag Officers (AGFO), na binubuo ng mga retirado at aktibong heneral, na nananawagan sa mga opisyal ng pamahalaan na humanap ng judicial remedies o magbitiw sa puwesto kung hindi nila kayang suportahan ang opisyal na posisyon ng bansa sa West Philippine Sea (WPS). Ayon sa AGFO, na pinamumunuan ni retired Police Major General German Doria, ang pagsunod sa mga legal na obligasyon ng Pilipinas sa WPS ay usapin ng pagtalima sa batas at hindi ng pampulitikang paninindigan. Iginiit ng grupo na ang…
Read MoreDay: August 7, 2026
PBBM HUMIRIT SA KONGRESO NA SUSPENDIHIN IMPLEMENTASYON NG RPVARA
HINILING ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na suspendihin ang pagpapatupad ng Real Property Valuation and Assessment Reform Act (Republic Act No. 12001) upang maiwasan ang dagdag na gastos sa mga negosyo, mahikayat ang pamumuhunan at matiyak ang maayos na paglipat sa bagong property valuation system. Sa isinagawang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa Malacañang, kabilang sa mga inilahad ng Pangulo ang mga priority measure ng administrasyon. Alinsunod din ito sa kanyang panawagan sa State of the Nation Address (SONA) na pansamantalang ipagpaliban ang implementasyon ng Real Property…
Read MorePUBLIKO HINIKAYAT NI SPEAKER DY NA MAKILAHOK SA PAGBUO NG MGA BATAS
BUTUAN CITY — Hinikayat ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang sektor na aktibong makibahagi sa proseso ng paggawa ng batas, kasabay ng pagdadala ng Kamara de Representantes ng programang LegisHear sa Mindanao. Sa video message na ipinalabas sa pagbubukas ng LegisHear sa Butuan City nitong Biyernes, sinabi ni Dy na ang pinakamahuhusay na batas ay hindi lamang binubuo ng mga mambabatas kundi ng mamamayang kanilang pinaglilingkuran. Aniya, layunin ng LegisHear na ilapit ang Kongreso sa publiko sa pamamagitan ng pakikinig sa…
Read MoreMALACAÑANG PINAAARAL NA SA DOJ ANG EXTRADITION REQUEST NG U.S. LABAN KAY QUIBOLOY
BINIGYAN na ng go signal ng Malacañang ang Department of Justice (DOJ) na pag-aralang mabuti ang extradition request ng pamahalaan ng Estados Unidos laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy. Kasunod ito ng kumpirmasyon na natanggap na ng DOJ ang mga dokumentong may kaugnayan sa extradition request kaugnay ng mga kasong sex trafficking, visa fraud at iba pang reklamo. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, natanggap na ng DOJ ang “voluminous records” mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) matapos itong iendorso ng ahensya. “Kahapon…
Read MoreMAHIGIT P21-M HALAGANG SMUGGLED CIGARETTES, NASABAT NG PNP
UMAABOT sa mahigit P21.5 milyon ang halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes ang nasamsam ng Philippine National Police (PNP) sa magkahiwalay na anti-smuggling operations sa Zamboanga City at Dumaguete City. Sa Zamboanga City, dalawang lalaki ang inaresto matapos masabat ang P6.5 milyong halaga ng kontrabandong sigarilyo sa isinagawang sea interdiction malapit sa Layag-Layag Island sa Barangay Talon-Talon. Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nabigong magpakita ng shipping at transport documents ang dalawang suspek para sa kargang 2,182 reams ng Cannon, Berlin at Bravo cigarettes. Samantala, tatlo pang lalaki…
Read MoreNEGOSYANTE TINANGAYAN NG CASH, DOLYAR AT ROLEX NG LIMANG RIDER SA BACOOR
TINANGAYAN ng humigit-kumulang P30,000 cash, US$3,000 at isang Rolex Yacht-Master Titanium wristwatch ang isang 51-anyos na negosyante matapos holdapin ng limang motorcycle rider sa loob ng isang restaurant sa Bacoor City, Cavite, Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktima sa alyas na “Bong,” residente ng Barangay Mambog II, Bacoor City. Tinutugis naman ng pulisya ang limang suspek na nakilalang sina alyas Bok, Jacob, Tisoy, Jervin at Louie, na magkakaangkas sa dalawang Yamaha NMAX Version 1 at isang kulay itim na Honda PCX na walang plaka. Batay sa salaysay ng biktima, naghihintay…
Read More3 SUSPEK SA PAGPATAY SA PRODUCT SPECIALIST, ARESTADO; 3 PA TINUTUGIS SA BULACAN
BULACAN — Tatlong indibidwal ang naaresto kaugnay sa pagpatay sa isang 29-anyos na product specialist na natagpuang patay sa loob ng nasusunog na sasakyan sa Guiguinto, Bulacan noong Agosto 4. Ayon sa Bulacan Police Provincial Office (PPO), tatlo pang suspek ang nananatiling nakalalaya at isinasailalim sa follow-up at manhunt operations. Batay sa ulat ni PLtCol. Francis Magadia, Acting Chief of Police ng Guiguinto Municipal Police Station, natagpuan ng mga rumespondeng pulis ang bangkay ng biktima sa loob ng trunk ng isang nasusunog na Mitsubishi Mirage sa Purok 2, Barangay Daungan,…
Read MoreLIDER NG DAWLAH ISLAMIYA-HASSAN GROUP, APAT NA KASAMAHAN PATAY SA OPERASYON
PATAY ang lider ng Dawlah Islamiya-Hassan Group at apat nitong kasamahan sa ikinasang joint operation ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Barangay Inug-ug, Pikit, North Cotabato, nitong Huwebes, Agosto 7. Kinilala ang mga napatay na sina Esmael, na itinuturing na lider ng grupo, Halim Sansawi Usman, Ali Hassan, Rasul Tito at Baby Ayunan Camsa. Ayon sa ulat ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office, maghahain sana ng warrant of arrest ang mga awtoridad laban sa mga suspek na nahaharap sa kasong murder, frustrated…
Read MoreDOJ, WALA PANG PINAL NA DESISYON SA REKLAMONG OBSTRUCTION OF JUSTICE LABAN KAY PADILLA
INIIMBESTIGAHAN pa rin ng investigating panel ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong obstruction of justice na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Senador Robin Padilla. Ayon kay Justice Secretary Frederick Vida, matapos ang fact-finding ay makikipagkonsulta ang DOJ sa National Bureau of Investigation (NBI) upang matukoy kung may mga kasong dapat isampa, kung kinakailangan. Sinabi rin ni Vida na may hiwalay na imbestigasyon ang Office of the Ombudsman kaugnay ng usapin. Dagdag pa niya, pagbabatayan ng DOJ ang mga ebidensya at susuriin ng…
Read More