NAKAREKOBER SA COVID-19 SA LAGUNA, 13 NA

BAGAMAT papataas pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Laguna, tumataas din naman ang bilang ng mga nakakarekober sa nasabing sakit.

Sa Facebook page ni Laguna Governor Ramil Hernandez, sinabi nito na 13 pasyente na ang nakarekober sa COVID-19.

Umakyat naman sa  72 ang kumpirmadong kaso nitong Sabado ng umaga mula sa dating 67 noong Biyernes ng hapon.

Bahagya ring nadagdagan ang bilang ng mga PUI mula sa dating 828  na tumaas  sa 832 makalipas ang magdamag.

Nakapagtala rin ang Laguna ng pitong casualty sa COVID-19. NILOU DEL CARMEN

147

Related posts

Leave a Comment