AMINADO si National Disaster Risk Reduction & Management Council Executive Director USec Ricardo Jalad na hirap ang kanilang sitwasyon ngayon kung saan maliban sa sinusuong na pandemya ay sumabay pa ang paghagupit ng bagyo sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon kay Jalad, may mga evacuation center na itinayo ang DPWH at LGUs ang pansamantalang ginawang isolation o quarantine facilities.
Kaya’t limitado lamang aniya ang mga evacuation center na puwedeng pagdalhan sa mga kababayang apektado ng pagbaha dala magkakasunod na bagyo at masamang lagay ng panahon.
Siniguro naman ni Jalad na mahigpit na ipinatutupad ang social distancing sa mga evacuation center.
Samantala, umapela si Jalad sa LGUs na gumamit ng iba pang pasilidad tulad ng covered court, multi purpose halls at gyms para duon muna pansamantalang kalingain ang mga kababayang maaapektuhan ng sama ng panahon.
Pagdating naman aniya sa relief goods ay nakahanda na ito maging ang mga non-food items at mga gamot. (CHRISTIAN DALE)
175 