MALAKANYANG UMAASANG MAY COVID VACCINE NA SA ENERO

NANANALIG ang Malakanyang na pagpasok pa lamang ng buwan ng Enero sa susunod na taon ay mayroon nang maaprubahang COVID-19 vaccine ang Food and Drug Administration sa ibang bansa makaraan ang third at final clinical trial.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naunang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi na siya makapaghihintay pa ng hanggang April 2021 bago makakuha ang bansa ng bakuna.

Ito aniya ang dahilan kung bakit minamadali na nila ang pagrepaso sa timeline alinsunod sa nais ni Pangulong Duterte na makakuha agad ng madidiskubreng vaccine sakali’t may makapasa na sa FDA abroad.

Ani Sec. Roque, kapag may nakapasa na kasing vaccine sa ibayong dagat ay maaari nang ma-simplify o mapadali ang proseso nito pagdating sa local FDA ng bansa. (CHRISTIAN DALE)

209

Related posts

Leave a Comment