EX-HOUSE DEPUTY SPEAKER POSITIBO SA COVID-19

DUMAGDAG sa mga positibo sa COVID-19 sa mababang kapulungan si former House Deputy Speaker at ngayo’y Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu.

Inanunsiyo nito sa kanyang Facebook page ngayong araw ang resulta ng kanyang covid test.

Nabatid na sumailalim sa RT-PCR test ang mambabatas maging ang kanyang pamilya at office staff members noong nakaraang Huwebes.

Asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng nakamamatay na sakit ang kongresista at agad itong nagpunta sa isang isolation facility.

“Hinihimok ko ang lahat ng aking mga nakasalamuha sa mga nagdaang araw na sumunod sa quarantine protocol na naaayon sa itinakda ng DOH,” panawagan ni Abu.

Dagdag pa niya,”Humihiling po ako sa inyo ng dalangin upang [labanan] at malampasan itong pagsubok na aking kinakaharap ngayon.”

Nagnegatibo naman sa virus ang kanyang asawa at anak na babae. (CYRILL QUILO)

180

Related posts

Leave a Comment