ABSOLUTE PARDON NG MALACAÑANG KAY VELOSO NIRERESPETO NG INDONESIA

NIRERESPETO ng Indonesia ang naging desisyon ng pamahalaan ng Pilipinas na pagkalooban ng absolute pardon si Mary Jane Veloso.

Ito ang inihayag ni DOJ Undersecretary Nicholas Ty sa isang regular press conference nang tanungin tungkol sa naging reaksyon ng Indonesia sa pagpapatawad kay Veloso.

Binigyang-diin ni Ty na nasa hurisdiksyon na ng Pilipinas ang pagpapatupad ng sentensya kay Veloso matapos itong mailipat mula Indonesia ilang taon na ang nakalipas.

Ayon kay Ty, hindi naging madali ang pinagdaanan ng Department of Justice (DOJ) at Malacañang sa legal na proseso upang mapauwi si Veloso at maipatupad sa Pilipinas ang hatol na ipinataw sa kanya sa Indonesia.

Aniya, kinuwestiyon noon ang kapangyarihan ng pamahalaan ng Pilipinas na magbigay ng remission, amnesty at iba pang anyo ng clemency, kabilang ang pardon, na maaaring maging batayan upang harangin ang pagpapalaya kay Veloso.

Ipinaliwanag ni Ty na bagama’t sa Indonesia ipinataw ang hatol kay Veloso, malinaw umano sa kasunduan ng dalawang bansa na sa Pilipinas ipagpapatuloy ang pagpapatupad ng sentensya.

Bahagi rin aniya ng naturang kasunduan ang kapangyarihan ng Pilipinas na magpasya sa pagbibigay ng pardon, na kamakailan ay ipinagkaloob kay Veloso ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

(JULIET PACOT)

41

Related posts

Leave a Comment