SA social media, ‘pag sinabi mong may gusto kang i-“flex,” ibig sabihin ay may gusto kang ipagmayabang.
Kamakalawa, sa kanyang Instagram account, ang Pambansang Bae na si Alden Richards ay may nag-“flex” – literally – dahil sa kanyang pinost na larawan, makikitang naka-flex ang muscular arms niya, halatang katatapos lang mag-workout.
In just a few hours, lumagpas na sa 100,000 ang likes nito. At marami agad ang nag-comment, kasama na ang mga kapwa niya artista gaya nina Lovi Poe (“May hold-up na naganap!”), Bea Binene (“Ay ibaaaa”), Angelika de la Cruz (“Yun o”), Rodjun Cruz (“Hanep batak!”), Jackielou Blanco (“Naks nak!!! Galing!), at marami pang iba.
How to be you po?
