HINIMOK ng isang Filipino transparency watchdog ang Chinese Embassy sa Pilipinas na itrato ang mga manggagawang Filipino nang parehas at makatarungan dahil sa mga ulat na maraming Chinese prisoners ang ipinadadala sa bansa bilang laborer sa mga proyekto ng gobyerno.
Nagpadala ang Kilos Pinoy Para sa Pagbabago (KPPP) ng sulat na may petsang Oct. 20 kay Chinese Ambassador Huang Xilian na humingi ng paglilinaw hinggil sa isyu.
“In the spirit of cooperation and a desire for greater understanding, the organization Kilos Pinoy Para sa Pagbabago (KPPP) would like to voice our apprehension and concern with regards to the proliferation of Chinese workers taking on Philippine public works projects,” sabi ni group Convenor William Espinosa sa kanyang sulat kay Ambassador Huang.
Maaalalang sa Senate hearing kamakailan ay lumitaw na 45 porsiyento ng labor force sa Binondo-Intramuros Bridge Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay binubuo ng Chinese nationals samantalang sa Estrella-Pantaleon project ay 31 porsyento ang Chinese nationals.
Pinansin pa ng KPPP na ang malawakang construction program ng gobyerno ng Pilipinas ay naglalayong makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino manggagawa pero hindi naisakatuparan dahil sa mga Chinese national.
“President Duterte’s ‘Build, Build, Build’ program is billed as a major job generator and a means to spur economic activity, but it is concerning to hear that the jobs being generated are not going to Filipino workers at all,” sabi pa ng grupo.
Sinabihan pa ng KPPP si Ambassador Huang Xilian na nakababahala ang mga ulat na ang mga manggagawang Chinese ay mga bilanggo na ipinadala rito ng Chinese companies para sa involuntary labor.
Sakali anilang may katotohanan ang ulat, ang epekto nito ay nakikipagsabwatan ang Pilipinas sa paglabag sa convention ng International Labor Organization at human rights.
“As an independent watchdog and think-thank, KPPP would like to call on your honorable office to respond to these allegations and assure both countries that their relations remain above board, fair, and equitable,” sabi pa ng grupo.
Sinabi pa ng KPPP sa ambassador na ipinagmamalaki ng China ang improved relations sa pagitan nito at ng Pilipinas, na tutuong nangyari dahil sa walang kapagurang pagsisikap ng Ambassador na mapagbuti ang relasyon ng dalawang bansa, at magawang malinaw ang mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga ito.
“We are confident that your office will heed this call and maintain good relations between our two countries,” sabi ng KPPP. (DAVE MEDINA)
208 