IMINUNGKAHI ng Metro Manila mayors sa mga pribadong kumpanya na ipagpaliban ang pagdaraos ng Christmas party dahil sa banta ng coronavirus (COVID-19).
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority general manager Jojo Garcia, hinihikayat ng mga alkalde sa 17 lungsod at bayan sa Metro Manila ang mga pribadong kumpanya na magsagawa na lang ng Christmas raflle, mamigay ng bonus at online meeting upang i-celebrate ang Kapaskuhan sa halip na mag-party na delikado sa pagkalat ng COVID-19.
“In-encourage natin ang private sector na wala na ring Christmas party kasi dito po talaga magsisimula ang transmission ng virus dahil nga may mass gathering,” ayon kay Garcia.
Sinabi pa ni Garcia na ang importante ay hindi na bumalik sa dati ang taas ng kaso COVID-19 sa bansa.
Nauna nang inirekomenda ng MMC na i-extend ang general community quarantine sa Metro Manila hanggang katapusan ng Disyembre upang magpatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. (DAVE MEDINA)
156 