ATTY. VIC RODRIGUEZ PATULOY NA LUMALAKAS SA MGA PILIPINO.

PUNA ni JOEL O. AMONGO

NASAKSIHAN ko sa aking pagsama sa ilang pag-iikot ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez sa iba’t ibang probinsiya sa Gitnang Luzon, kung paano siya tanggapin ng mga tao.

Sa motorcade ng DuterTen sa mga bayan ng Pangasinan, mainit na tinanggap ng Pangasinense si Atty. Rodriguez.

Sa bawat bayan na dinadaanan ng truck kung saan nakasakay si Atty. Rodriguez, ay maraming mga tao ang sumisenyas sa kanya ng kamao na simbolo na ginagamit din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Maging ang mga motorista na nakasasalubong ni Atty. Rodriguez ay mainit ang pagtanggap sa kanya na sinasagot niya rin ng senyas ng kamao at pagbibigay ng mga paraphernalia.

Nauna nang inendorso si Atty. Rodriguez ni dating Pangulong Duterte na isa sa kanyang pinagkakatiwalaang kandidato sa pagka-senador.

Ayon kay Duterte, matalino, magaling, gwapo, hindi babaero at iisa lang ang asawa si Atty. Vic Rodriguez.

Nasaksihan din natin kung gaano kainit ang pagtanggap kay Atty. Rodriguez sa pagpunta niya sa farm resort ni Idol Romeo “Romy” Catacutan, isang kilalang food vlogger ng San Luis, Pampanga.

Sa pagdating pa lang ni Atty. Rodriguez sa bungad ng farm resort ay sinalubong na siya ng mga tao na bisita ni Idol Romy.

At nang magkita na sila ni Idol Romy ay lalo pang uminit ang pagtanggap ng mga tao kay Atty. Rodriguez.

Nakibahagi rin si Atty. Rodriguez sa pagluluto ni Idol Romy ng tinolang palaka.

Habang nasa farm resort si Atty. Rodriguez ay mayroon namang dalawang lider ng simbahan ang nag-alok sa kanya ng panalangin.

Layunin nila na basbasan ng Panginoon si Atty. Rodriguez sa pagpasok niya sa pulitika at idinalangin din nila na maging ligtas ang dating executive secretary sa kapahamakan.

Inendorso rin ni Idol Romy sa kanyang followers si Atty. Rodriguez dahil magaling itong dating opisyal ng gobyerno.

Nakisabay rin sa pagkain ng tinolang palaka si Atty. Rodriguez kay Idol Romy sa kanyang pa-boodle fight sa nasabing farm resort.

Nagpasalamat naman si Atty. Rodriguez sa mga tao sa mga lugar na kanyang pinuntahan at tiniyak na ipaglalaban niya ang kapakanan ng mga ito sa sandaling mahalal siyang senador.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa operarioj45@gmail.com.

43

Related posts

Leave a Comment