DISTRIBUSYON NG SAP USAD PAGONG PA RIN

PUNA

HANGGANG ngayon ay pinuputakte ng mga tanong ang a ting cellphone at email mula sa ating mga suking taga-subaybay. Pangunahin nilang tanong ay kung bakit hanggang ngayon daw ay hindi pa sila nakakatanggap ng form man lang mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kung ano ang nararamdaman ng taumbayan ay gayundin ang PUNA na napakarami rin ang katanungan sa DSWD tulad ng bakit napakabagal nang pamamahagi ng ayuda. MissSa tuwing interview ng media kay DSWD spokesperson Irene Dumlao ay madalas na sinasabi…

Read More

KLASE NG K-12 GAWING LIVESTREAM

ITINUTULAK ng isang mambabatas mula sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mga araling pang-K to 12 sa cable TV at video livestreaming bilang kasagutan sa layunin ng Department of Education para sa distance at open learning ng mga estudyante para makaiwas sa COVID-19. Umapela si Agusan del Norte (1st District) Rep. Lawrence Fortun sa National Telecommunications Commission, cable TV networks, at local video livestreaming service providers at platforms na maisakatuparan ito. Para naman sa interactive sessions sa mga lugar na maayos ang internet signal, maaaring magkita-kita pa rin ang mga…

Read More

DILG SA LGUs: PAGDEDEKLARA NG LOCKDOWN KAILANGAN MAY GO SIGNAL NG IATF

IPINAALALA ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi basta-basta mailalagay ng Local Government Units (LGUs) ang kanilang lugar sa ilalim ng lockdown nang hindi kinukuha ang pagsang-ayon o go signal ng national government. Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, na kailangan munang kunin ng mga lokal na opisyal ang pagsang-ayon ng inter-agency task force on COVID-19 bago sila magdeklara ng enhanced community quarantine. “Hindi po pupuwede na mag-unilateral declaration ang isang local chief executive na ilalagay niya ang isang probinsya sa ECQ. Ito ay kailangang aprubado ng…

Read More

P1.2T KAILANGAN PARA MAKABANGON ANG EKONOMIYA – SOLON

AABOT SA P1 trilyon hanggang P1.2 trilyon ang posibleng kailanganin ng gobyerno para ilaan sa economic stimulus package upang makabangon ang bansa sa COVID-19 pandemic. Iginiit ni Senador Win Gatchalian na dapat nang pag-usapan ang ayudang ipagkakaloob ng gobyerno sa mga negosyo lalo na sa mga Micro, Small and Medium Enterprises. “Ano ang gagawin para tumakbo uli ang ekonomiya dahil alam ko marami ang malulugi. Sa tourism alone marami ang malulugi, sa MSMEs pag di pa pinayagan magbukas ang mga establishment marami ang malulugi kaya ang importante matulungan ang maliliit…

Read More

POGO SECURITY THREAT NA, COVID THREAT PA

HINDI lang banta sa seguridad ng bansa ang mga Philippine Offshore and Gaming Operation (POGO) kundi sa kalusugan ng mamamayan dahil sa coronavirus na dinadala dito ng mga POGO worker mula China. Ito ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya tinututulan sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pag-operate muli ng mga POGO sa bansa upang makalikom ng pondo na panlaban sa COVID-19. “Fact is, the security concerns raised against POGOs are still very much valid because China has the means, capacity and motive to use these hubs for its own…

Read More

PLASMA THERAPY AVAILABLE LANG SA UP-PGH – DOH

TANGING ang University of the Philippines-Philippine General Hospital ang health institution sa bansa na pinapayagan na magsagawa ng convalescent plasma therapy para gamutin ang COVID-19 patient. “Ito pong convalescent plasma therapy na sinasabi, ang UP-PGH lang po ang may approved protocol to do this,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public briefing. Ayon sa UP-PGH, 19 na ang nag-donate ng dugo para sa koleksyon ng plasma matapos ang ilang linggo na panawagan at panghihikayat sa mga COVID-19 survivors na mag-donate ng kanilang dugo. Kailangan lamang na…

Read More

DFA: NA-REPATRIATE NA OFWs NASA 20K NA

NASA halos 20,000 na ang bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) na naipit dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa iba’t ibang dako ng daigdig ang nakabalik na sa bansa. Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, sa ngayon ay aabot na sa 19,466 ang na-evacuate na OFWs. Marami pa aniyang darating sa susunod na mga araw at aasahan ang libo-libo pang mga kababayan na uuwi ng bansa. Siniguro naman ng DFA base na sapat ang bilang ng grupong aalalay sa mga uuwing Pinoy at ang mga ito ay sasailalim…

Read More

PETROLYO, KURYENTE SAPAT ANG SUPLAY -DOE

SAPAT ang suplay ng Pilipinas sa mga produktong petrolyo at sa kuryente sa kabila ng COVID-19 crisis. Tiniyak ni Energy Secretary Alfonso Cusi na hindi kukulangin ang serbisyo ng mga gas station ngayon kahit pa 10-percent ng mga oil retailer ay sarado dahil nag-negative ang presyo ng mga petroleum product sa world market. “May mga gas station ang tuloy-tuloy ang pagseserbisyo ng mga yan. Sinisiguro naman ng gobyerno na kailangan may sapat tayong supply,” pagsisiguro ni Cusi. Binigyang diin nito na hindi naman naapektuhan ang delivery ng mga petroleum product…

Read More

DILG: Barangay officials, mananagot PADDING SA SAP BENEFICIARIES HIHIMAYIN

TINIYAK ng Department of Interior and Local Government (DILG) na masusi nilang iimbestigahan ang mga nakalap na ulat hinggil sa padding at mga kuwestyonableng listahan ng mga recipient ng social amelioration program ng gobyerno. Ito ay kasunod ng mga reklamo na may mga barangay chairman ang nagpapatong sa listahan ng kanilang beneficiaries at umiiral ang favoritism sa mga dapat makatanggap ng ayuda ng pamahalaan. Kamakailan ay lumutang ang mga balita hinggil sa pagkakasama umano ng asawa at mga kaanak ng ilang barangay official sa mga makatatanggap ng tulong mula sa…

Read More