KINASTIGO sa Kamara ang Social Security System (SSS) dahil ilang araw nang bagsak ang kanilang website kaya apektado ang mga miyembro na nakikipagtransaksyon sa pamamagitan ng internet lalo na ngayong umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ). Ayon kay Makati Rep. Luis Campos Jr., hindi katanggap-tanggap na sa panahon ng makabagong teknolohiya ay hindi maayos ang website ng SSS at nasisira ito kapag maraming miyembro ang gumagawa ng online transaction. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil mula noong Abril 18, ay bagsak ang website ng SSS dahil sa dami umano ng…
Read MoreAuthor: admin
BUSINESS SECTOR PINATUTULONG SA MASS TESTING
PINAPAPASAN sa mga employer ang COVID-19 testing ng kanilang mga empleyado upang makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), kailangan isailalim muna ng mga business owner ang kanilang mga empleyado o manggagawa sa COVID-19 test bago pa payagan na bumalik sa trabaho at mag-resume ng kanilang operasyon. Ang pahayag na ito ni Trade Secretary Ramon Lopez ay bilang paghahanda sa pagbawi sa ilang lugar sa Luzon ng ipinatupad na enhanced community quarantine. Sa Abril 30 ay ili-lift na ang…
Read MoreWalang anomang ayuda sa gobyerno, apela ng middle class PAYAGAN NA KAMING MAGTRABAHO
LUMALAKAS ang panawagan ng mga tinaguriang middle class na payagan na silang makabalik sa trabaho ngayong na-extend na naman ang enhanced community quarantine sa Luzon at iba pang rehiyon. Umiikot sa social media ang iba’t ibang apela ng mga indibidwal at grupo na naniniwalang dapat nang payagang magbukas ang ilang negosyo at magbalik sa trabaho ang mga manggagawa sa gitna na rin ng kawalan ng ayuda ng pamahalaan para sa middle class. Nauna nang kumalat ang ‘middle class letter to the poorest of the poor’ na nagpapakita ng desperasyon ng…
Read MoreIikot sa Montalban sa ika-49 anibersaryo ng bayan PAGKAIN IHAHATID NI CONG. NOGRALES
IIKOT sa iba’t ibang bahagi ng bayan ng Rodriguez sa lalawigan ng Rizal si 2nd District Rep. Fidel Nograles upang magbigay ng pagkain at iba pang ayuda sa kanyang mga kababayan. Ang aktibidad ng mambabatas ay isasabay sa paggunita sa ika-49 Araw ng Montalban ngayon. Walang gaganaping pagtitipon dahil sa umiiral na enhanced community quarantine ngunit nakaisip ng ibang ideya si Nograles upang maipagdiwang ang okasyon. Nakatakdang ilunsad ni Nograles ang Food and Nutrition program sa nasabing bayan bilang paggunita sa makasaysayang araw na ito at personal siyang bibisita sa…
Read MoreMISTER TINAGA NI MISIS
CAPIZ – Malubha ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraang pagtatagain ng kanyang kinakasama nang hindi umano hatian ng biktima ng pera mula sa Social Amelioration Program (SAP) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa lalawigan ng Capiz. Nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang kinilalang si Romeo Alayon, habang dinakip naman ng mga awtoridad ang suspek at live-in partner na kinilalang si Romelyn Olano, kapwa nasa hustong gulang, at residente ng Barangay Maninang, Sapian, Capiz. Batay sa report ng Sapian PNP, nangyari ang insidente sa bahay…
Read MoreRIDER TUMAKAS SA CHECKPOINT, TODAS SA AKSIDENTE
DAHIL sa pagmamadaling makalayo sa checkpoint, kamatayan ang sinapit ng isang rider matapos sumalpok ang motorsiklo nito sa sinusundang tricycle sa Cabuyao City, Laguna. Kinilala ng Cabuyao City police ang nasawi na si Ryan Dimaculangan, 26-anyos, isang machinist. Batay sa report ng pulisya, nangyari ang aksidente sa Barangay Mamatid, dakong alas-11:30 ng gabi sa hindi kalayuan sa quarantine checkpoint na minamando ng mga barangay tanod. Hindi umano huminto sa checkpoint ang biktima at sa halip ay pinaharurot ang motorsiklo dahilan para bumangga ito sa likod ng tricycle. Napag-alaman na nakainom…
Read MoreROBOT GAGAMITIN LABAN SA COVID-19
SUSUBUKANG gamitin sa Centralized Quarantine Facility ng Bulacan Medical Center (BMC) ang mga robot Roving Doctor (RoviDoc) na naimbento ng mga propesor ng information technology sa San Jose Del Monte Campus ng Bulacan State University (BulSU). Ipinaliwanag ni Jayson Victoriano, direktor ng Institute for Innovation in Business and Emerging Technologies ng BulSU-San Jose Del Monte, ang nasabing RoviDoc ay tutugon upang matiyak ang kaligtasan din ng mga doktor at nurse na gumagamot sa mga may sakit na coronavirus disease o COVID-19. Dinisenyo ito upang siyang direktang kumalinga at magbigay ng…
Read MoreKLINIKA NG CHINESE NATIONAL IPINASARA
IPINASARA ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang medical clinic na pagmamay-ari ng isang Tsino sa Barangay Baclaran ng naturang lungsod. Ayon kay Parañaque City Business Permit and Licensing Office (BPLO) chief Atty. Melanie Malaya, kanyang ipinasara ang medical clinic na pinamamahalaan ng isang Tsinong doctor na matatagpuan sa 3985 Lt. Garcia St. panulukan ng Airport Road, Barangay Baclaran, Parañaque City dahil sa kawalan ng kaukulang business permit.s Bago ito, pinuntahan kahapon ng mga tauhan ng pinagsanib na pwersa ng BPLO at City Health Office (CHO) ang medical clinic upang…
Read More60 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN SA SUNOG SA TONDO
TINATAYANG aabot sa 60 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa Juan Luna St., Tondo, Manila ngayong umaga. Nagsimula ang sunog, bandang 6:15 ng umaga sa ikatlong palapag ng bahay na pag-aari ng isang Rey Bucacao sa 1842 Juan Luna St., sakop ng Brgy. 60 Zone 5, Tondo. Ayon sa Bureau of Fire Protection, may 30 kabahayan pa ang nadamay sa sunog at wala namang naiulat na nasugatan o namatay. Tumagal ang sunog ng halos kalahating oras at idineklarang fire out dakong 6:58 ngayong umaga. (RENE CRISOSTOMO)…
Read More