LIGTAS NA MEAT PRODUCTS TINIYAK

(NI KIKO CUETO) TINIYAK ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) na ligtas ang mga processed meat na kanilang ibinebenta laban sa African swine fever (ASF). “We assure and guarantee our consumers that we do not import pork materials from countries that have been infected by the ASF virus,” sinabi ni PAMPI president Felix O. Tiukinhoy Jr., sa isang pahayag. “For local supply, we purchase only pork cuts that have been certified by the National Meat Inspection Service to be free from any disease. We strictly adhere to internationally…

Read More

DSWD PINAKIKILOS VS KATUTUBONG NAMAMALIMOS

(NI NOEL ABUEL) NANAWAGAN si Senator Imee Marcos sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, partikular ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na tulungan ang mga katutubo na inaasahang dadagsa sa iba’t ibang lugar ng Kamaynilaan para manghingi ng limos ngayon panahon ng Kapaskuhan. Ayon kay Marcos, inaasahan nang daragsa sa mga lansangan ng Metro Manila ang mga katutubong Aeta at Badjao kabilang na ang kani-kanilang mga pamilya para manghingi sa mga drayber, pasahero lalo na sa mga may-ari ng pribadong sasakyan na inaasahang malaki ang ibibigay na limos.…

Read More

WIN STREAK NG UP, 3 NA

(NI JOSEPH BONIFACIO) ANTIPOLO – Dumeretso ang UP Fighting Maroons sa ikatlong sunod na panalo matapos magtala ng 62-56 win laban sa UE Red Warriors sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Ynares Center dito. Si Bright Akhuetie ang bumuhat sa UP sa kanyang 16 points, five rebounds, three assists at three steals na kontribusyon para iangat sa standings ang koponan, 4-1. Maging si Kobe Paras ay ipinagpatuloy ang impresibong laro, nang magsumite ng 12 points, 10 rebounds, three blocks at two assists. Nagawang ibaba sa solitary point ng…

Read More

POGO INVESTIGATION GUGULONG NA SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA) NGAYONG naipasa na ng Kamara ang 2020 national budget umaasa si Manila Rep Benny Abante na mauumpisahan na ang House Inquiry in Aid of Legislation sa kontrobersiyal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo). Ayon kay Abante, una nang naghain ng House Resolution na humihiling na imbestigahan ang Pogo, una na rito ay kung nagbabayad ng tamang buwis ang mga operators gayundin ang mga empleyado at kung mayroon itong mga balidong working permits. Aminado si Abante na marami nang lugar ang nag-ooperate ng Pogo kung saan sa…

Read More

YAM CONCEPCION, IBINALIK ANG LUXURY CAR SA D.O.M.

(PETER LEDSMA) SI Yam Concepcion ang ipinalit ng Dreamscape Entertainment kay Erich Gonzales sa Love Thy Woman na pagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. Para kay Yam, ayaw na nitong isipin na second choice siya. Ang importante sa kanya ay pagbutihin ang pagganap bilang mayamang si Dana Wong na sobrang bratty at kontrabida sa pagmamahalan nina Kim at Xian. Sumikat si Yam bilang Jade sa teleseryeng “Halik” at ibang-iba raw ang character na gagampanan niya sa bagong teleserye. Maiinis daw uli ang viewers sa kanya. Samantala, maganda ang lovelife ni Yam…

Read More

2 BRGY SA QC NASA ASF QUARANTINE- DA

ASF1

(NI ABBY MENDOZA) DALAWANG barangay na kumpirmadong may kaso ng African Swine Flu(ASF) ang inilagay na ng Department of Agriculture (DA) sa quarantine. Ang dalawang Barangay ay ang Payatas  at Bagong Silang. Ang paglalagay sa quarantine sa nasabing barangay ay kasunod na rin ng naging resulta ng laboratory test ng DA at Bureau of Animal Industry(BAI) na walong blood samples na nakuha sa namatay na baboy sa lugar ay positibo sa ASF. Bukod sa dalawang barangay sa QC , ang mga  barangay na may kaso pa ng ASF ay Barangay…

Read More

2020 NAT’L BUDGET, MAAGANG MAIPAPASA SA SENADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) TINIYAK ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na hindi na mauulit ang delay sa pag-apruba ng 2019 national budget. Sinabi ni Sotto na tiyak na bago matapos ang Disyembre ay aprubado na ang panukalang P4.1 trillion proposed 2020 national budget. “I think pinakamatagal na siguro, first week of December nagba-bicam na, pinakamatagal na yun kung ready na nga sila i-submit sa amin by Monday, baka by November ready na kami for 3rd and final reading,” pahayag ni Sotto. Ito ay makaraang maaprubahan na sa Kamara sa…

Read More

3.5M BAHAY WALANG COMFORT ROOM

doh

(NI HARVEY PEREZ) IBINULGAR ng  Department of Health (DOH) na ang milyun-milyong  tahanan sa bansa na walang maayos na palikuran, ang  isa sa dahilan nang pagkalat ng iba’t ibang karamdaman, gaya ng polio. Sinabi ni  Health Undersecretary at Spokesperson Eric Domingo na may  3.5 milyong tahanan ang nangangailangan ng sanitary toilets sa bansa at malaking porsiyento nito ay mula sa National Capital Region (NCR). “NCR talaga ang pinakamarami. Out of the 3.5 million na kailangan na toilets, ang big majority nun sa NCR. Toilet ng mga pamilya at bahay ito.…

Read More

PAGASA NAGBABALA SA PEKENG FB PAGE

pagasa rains

(NI ABBY MENDOZA) BINALAAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko laban sa pekeng Facebook page na”Dost_PAGASA Visayas,” na naglalabas ng pekeng Haze Bulletin. Ayon sa Pagasa, nagkakalat ng maling impormasyon ang nasabing FB page kaugnay sa usok na nangaling sa Indonesia forest fire na nakarating na sa Cebu at ang  nasabing bulletin ay nai-share pa sa iba’t ibang social media sites. “Pagasa has not issued any such bulletin, because haze-related advisories are handled by the Environmental Management Bureau (EMB) of the Department of Environment and Natural…

Read More