P622.3M PONDO NG DOH ILALAAN VS FAKE NEWS SA BAKUNA

bakuna7

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINIMOK ni Senador Ralph Recto ang Department of Health (DOH) na gamitin sa pagpapalakas ng anti-polio, at anti-dengue drive partikular sa paglaban sa fake news ang bahagi ng pondo para sa advertisement, travel, training, printing at publication sa susunod na taon. Sa hinihinging P91.7 bilyong budget ng Department of Health (DOH), nais nitong ilaan ang P622.3 milyon para sa advertising; P79 milyon sa printing and publication; P530 milyon sa travel; at P2.16 bilyon sa training and scholarship. Sinabi ni Recto na magagamit ang bahagi ng pondo upang…

Read More

DA NAKIUSAP SA HOG RAISERS: MAKIPAGTULUNGAN SA GOBYERNO

(NI ABBY MENDOZA) UMAAPELA si Agriculture Secretary William Dar sa mga hog raisers na makipagtulungan sa pamahalaan para hindi na kumalat pa ang African Swine Flu(ASF)  at kapalit nito ay tulong naman ng gobyerno sa kanila. Ayon kay Dar, hindi na kakalat pa ang ASF kung magiging responsable ang mga nag-aalaga ng baboy na agad ipaalam sa DA ang kalagayan ng kanilang baboy at tutulong sa maayos na disposal ng may sakit na alaga sa halip na paanurin sa ilog. “We are again requesting lahat po ng nag-aalaga ng baboy,…

Read More

‘OVERHAUL’ SA NBP TINIYAK  

titosotto

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KUMPIYANSA SI Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na matutuloy ang overhauling sa New Bilibid Prisons (NBP) matapos ang mga pagbubunyag sa Senado hinggil sa mga sinasabing iregularidad sa kulungan. Sinabi ni Sotto na isa na rin sa napag-usapan nila ni Senador Bong Go na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak sa lahat ng opisyal at kawani ng ahensya. “Sabi ko kay (Sen) Bong Go na sabihin kay Presisdente na walang matitirang nakatayo doon. Ibig sabihin tatanggalin lahat , overhaul yan,” saad ni Sotto sa panayam…

Read More

KONTRA SA 2020 BUDGET PINAGLALATAG NG ALTERNATIBO

cayetano12

(NI ABBY MENDOZA) KASABAY ng pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ng 2020 General Appropriations Bill, umaapela si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga tumututol pa rin dito na huwag puro kritisismo ang gawin at sa halip ay maglagtag ang mga ito ng alternatibo. Ani Cayetano, maari naman na maghain ng kanilang bersyon ng institutional amendments at masigasig ang Kongreso na makikipag-ugnayan sa department secretaries para sa mga isyu sa bawat distrito partikular sa mga polisiya. Kaisa umano ng mga tumutol sa pambansang pondo ang…

Read More

PENSIYON NG MGA INDIGENT SENIORS, TINIYAK

(NI DANG SAMSON-GARCIA) TINIYAK ni Senador Sonny Angara ang pagkakaloob ng P23.18 bilyong alokasyon para sa ‘indigent senior pension program’ sa susunod na taon na sasakupin ang may 3.8 million senior citizens na tatanggap ng P6,000 pensiyon. Bukod sa pa rito ang P3,600 annual assistance mula sa “Unconditional Cash Transfer” (UCT) fund na tatakbo ng tatlong taon simula noong 2018. Ang mga programa ay kapwa pinamumunuan ng Department of Social Welfare and Development, batay sa national list at set ng criteria. Nabatid na ang P23.18 billion para sa “Social Pension…

Read More

PINOY, MISIS SA MURDER-SUICIDE SA HAWAII HOME CARE

DAF12

(NI KIKO CUETO) PATAY ang isang Pinoy at kanyang asawa sa isyu ng murder-suicide sa Kalihi, Hawaii, ayon sa report na nakuha ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon sa report nangyari ito sa Kalihi Carehome. Hindi naman pinangalanan ang dalawang biktima, at patuloy ang imbestigasyon sa kung sino ang nagpaputok ng natagpuang baril. Sinabi naman ng Honolulu Police Department na nakatanggap sila ng mga tawag sa kanilang 911 system ng mga narinig na umalingawngaw na putok ng baril mula sa home care. “Officers arrived and we did find a…

Read More

LIBONG VOLUNTEERS NAKIISA SA INT’L COASTAL CLEAN-UP DAY

(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY KIER CRUZ) LIBU-LIBONG Manileños ang nagtulungan upang linisin ang Baseco Beach sa Port Area, bilang pakikiisa sa 34th International Coastal Clean-up (ICC) Day. Maaga pa lang ay dumagsa na sa beach area ang mga volunteers upang maglinis doon. Kanya-kanyang dala ng mga panlinis tulad ng walis, dustpan, gloves, sako at pala ang mga volunteers upang makilahok sa clean up drive. Ilang ahensya rin ng gobyerno ang lumahok sa paglilinis katulad ng DENR at MMDA na nagpadala din ng mga volunteers nila uoang makibahagi sa paglilinis.…

Read More

LISENSYA NG GUN OWNERS GUSTONG GAWING 5 TAON ANG VALIDITY 

guns

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na palawigin ang validity ng firearms and ammunition license. Sa kanyang Senate Bill 1023 o Republic Act No. 10591 or the “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, isinusulong ni Zubiri na maging limang taon ang kasalukuyang dalawang taong validity ng lisensya. Layon  ng panukala na mabawasan ang loose firearms dahil mahihikayat ang mga may-ari ng baril na makapagparehistro bunsod ng pinadali na ring proseso ng pagpaparehistro. Sa tala, hanggang noong isang taon, nasa 200,000 pribadong indibidwal ang may hawak ng…

Read More

CATANDUANES NIYANIG NG MAGNITUDE 5 QUAKE

earthquake12

LEGAZPI CITY – Niyanig ng magnitude 5 earthquake ang Catanduanes province Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sinabi ng Phivolcs na ang lindol ay naganap bandang alas- 2:04 a.m. na may epicenter sa Panganiban (Poyo) town sa Catanduanes. Tectonic ang sanhi ng lindol. Hanggang alas-5:00 ng umaga, inaalam pa ng Catanduanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PRRDMC) ang pinsala ng lindol. Naramdaman naman ang Intensity II sa Legazpi City.   285

Read More