UE UMISKOR NG UNANG PANALO VS DLSU

(NI JOSEPH BONIFACIO) UMISKOR ng unang panalo ang UE matapos silatin ang DLSU, 89-88, sa pagpapatuloy ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Nagningning para sa Red Warriors si Rey Suerte na nagtarak ng back-to-back three-point baskets sa huling mga segundo upang bitbitin ang koponan sa 1-3 baraha. Matapos masayang ang 13 puntos na kalamangan nang maagaw ng La Salle ang manibela 85-83 sa huling 29 segundo, sumandal ang UE sa mainit na kamay ni Suerte nang kumonekta ito ng pambihirang…

Read More

APO NI ELORDE, SASABAK SA WORLD TITLE FIGHT

ITO na ang ‘moment of truth’ ni Juan Miguel Elorde  (aka Mig Elorde). Inaasahang ibubuhos lahat ni Elorde ang lakas, kakayahan at taktika sa pagtatangkang mahablot ang World Boxing Organization (WBO) super-bantamweight crown sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada ngayong araw. Si Elorde, 32, apo ni Hall of Famer at Filipino boxing great Gabriel ‘Flash’ Elorde, ay sasagupa kay reigning champion Emanuel Navarrete ng Mexico. Ang 12-roound battle ay isa sa undercards ng Tyson Fury-Otto Wallin heavyweight showdown. Sa official weigh-in, si Elorde ay tumimbang ng 121.2 lbs, habang…

Read More

BARKONG NAKA-PARK SA PASIG RIVER PAAALISIN

(NI JEDI PIA REYES) IPINAAALIS na ni Environment Secretary Roy Cimatu ang lahat ng mga barko na ilegal na nananatili sa Pasig River. Ayon kay Cimatu, pinuno rin ng Pasig River Rehabilition Commission (PRRC), marami siyang nakikitang ‘illegally berthed vessels’ sa Pasig River, gayong hindi naman ‘parking area’ ang ilog. Diin pa ng kalihim, hindi uubra ang walang permisong pag-dock ng mga vessel o barko sa Pasig River dahil isa ang mga ito sa nagpapadumi sa ilog at maituturing na ‘eyesore’. Inihalimbawa ni Cimatu ang ilang nakaparadang mga barko sa…

Read More

BLUEPRINT SA PAGLUWAG NG TRAPIKO SA EDSA IPRINISINTA

edsabus12

(NI ABBY MENDOZA) ISANG blueprint kung saan epektibo umanong masosolusyunan ang masikip na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Edsa ang iprinisinta sa House of Representatives ni House Committee on Transportation Chair Edgar Mary Sarmiento . Sa blueprint proposal ni Sarmiento ay iminumungkahi nito na  ang innermost lane ng EDSA ay magiging eksklusibo lamang sa mga bus na ang sistemang gagamitin ay gaya din ng Metro Rail Transit 3, ibig sabihin ang ruta ng mga bus ay gaya ng sa MRT at magbababa at magsasakay lamang  ito sa bawat istasyon…

Read More

DATING JUSTICE SEC. AGUIRRE, MULING HAHARAP SA SENADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) POSIBLENG muling mailagay sa kontrobersiya si dating Justice secretary Vitaliano Aguirre sa napipintong pagharap nito sa pagdinig ng Senado hinggil sa mga kinasangkutang  iregularidad sa Bureau of Corrections (BuCor) partikular sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City. Kinumpirma ni Senate Blue Ribbon Committee chair Richard Gordon na ipatatawag nila sa susunod na pagdinig sa September 19 ang dating kalihim. Partikular na pagpapaliwanagin si Aguirre kung bakit hindi nasunod sa kanyang panahon sa Department of Justice (DOJ) ang inilabas na Department Order 953 ni dating Secretary Alfredo…

Read More

DRUG LORD SA NBP HOSPITAL, LASUNIN! – BONG GO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) UPANG tuluyan nang masawata ang isyu ng hospital pass for sale sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City, inirekomenda ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na saksakan ng lason ang suwero o IV drip ng mga drug lords na umiiwas sa loob ng kulungan at sa halip ay nagpapa-confine sa ospital kahit walang sakit. Sinabi ni Go na hindi dextrose na magpapagaling ang dapat isaksak sa mga drug lords na umiiwas sa kulong at sa halip ay lason para diretso ang mga ito sa morgue. “Sa susunod sasaksakan na namin ang…

Read More

3 BAYAN SA ROMBLON APEKTADO NG OIL SPILL

(NI RENE CRISOSTOMO) TATLONG bayan sa lalawigan ng Romblon ang apektado ng oil spill matapos kumpirmahin ng  Philippine Coast Guard (PCG). Batay sa ulat ng PCG headquarters sa Manila na ipinadala ng  PCG-Marine Environmental Protection Unit, kabilang sa mga apektadong bayan ang  Odiongan, San Andres, at Ferro, pawang nasa Tablas Island, Romblon. Nakumpirma ang oil spill matapos mag inspeksiyon ang nabanggit na unit ng PCG. Nabatid sa  Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kulay itim na substance ang nakita malapit sa baybayin dagat ng …

Read More

MOTORCYCLE-FOR-HIRE, DAPAT NANG GAWING LIGAL

angkas55

(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Sonny Angara ang panukala na mag-aamyenda sa Land Transportation and Traffic Code upang maging ligal na ang mga motorcycle for hire . Layun ng Senate Bill 1025 ni Angara na payagan at ma-regulate ang paggamit ng mga motosiklo bilang public utility vehicles. Sa kanyang explanatory note, sinabi ni Angara na sa ngayon ay pinapayagan lamang sa batas ang mga motorsiklo para sa private at government use at hindi maaaring pampasahero. Gayunman, marami na rin ang tumatangkilik sa mga motorsiklo bilang public transport. “Motorcycles-for-hire or…

Read More

POGOs, NAGIGING PUGAD NG MGA KRIMINAL – SOLON

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANINIWALA si Senador Joel Villanueva na muling napatunayan na nagagamit ng mga sindikato ang mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) upang maging pugad ng kriminalidad sa Pilipinas. Ito ay sa pagkakaaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa 277 Chinese nationals sa isang gusali sa Pasig City. “This incident is a clear indication of how PAGCOR, the erstwhile state gambling regulator, continues to fail in its mandate to maintain checks in this sector that, to our mind, has brought more harm than good,” saad ni…

Read More