ILANG LUGAR SA CENTRAL LUZON MAY ASF NA RIN — DA

(NI ABBY MENDOZA) ILAN pang lugar sa Central Luzon ang inilagay na rin ng Department of Agriculture (DA) sa quarantine dahil sa posibilidad ng pagkakaroon ng African Swine Flu(ASF). Hindi naman sinabi pa ni Agriculture Secretary William Dar ang nasabing mga lugar maliban sa pagsasabing nasa Central Luzon ang mga ito. Matatandaan na ang Rizal at Guiguinto sa Bulacan ang dalawang lugar na nagpositibo sa ASF. “Nadagdagan pa po ‘yung mga lugar na under quarantine pero hindi muna namin puwedeng sabihin kung saan,” giit ni Dar. Sa ngayon ay nagpapatupad…

Read More

120 BRAND NEW ACs SA MRT-3 IKINABIT NA

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES) IPINAGMALAKI ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) na madarama na ng mga pasahero ng kanilang mga tren ang lamig ng panahon na nararamdaman ng mga Pinoy tuwing nalalapit na ang panahon ng Kapaskuhan. Ito’y matapos na maikabit na ang 93 bagong air-conditioning units (ACU) sa mga bagon nito. Ipinagmalaki ng DOTr na noong nakaraang taon nila sinimulang ikabit ang mga bagong ACUs at natapos ang pagkakabit ng mga ito sa kanilang mga bagon ng MRT-3 nito lamang Agosto. Sa kabuuan anila ay ay may…

Read More

PAGPAPATAYO NG REGIONAL PRISONS, ISINUSULONG

(NI DANG SAMSON-GARCIA) AMINADO si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na panahon na upang magkaroon ng regional penitentiaries kasunod ng mga nadiskubreng anomalya sa New Bilibid Prison (NBP)  sa Muntinlupa City. Sinabi ni Lacson na ang panukala ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na magtatag ng mga prison facility sa bawat rehiyon ay hindi lamang magde-decongest ng NBP kundi masasawata rin ang katiwalian. Matatandaang sa ikalimang imbestigasyonng Senado sa sinasabing anomalya sa Bureau of Corrections (BuCor), naisiwalat ang iba’t ibang money making schemes tulad ng prostitusyon, droga at panunuhol. Ipinaliwanag ni…

Read More

SANGKOT SA GCTA SA BUCOR SIBAKIN LAHAT! –DU30

(NI HARVEY PEREZ) TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na gugulong ang ulo ng lahat ng opisyal at personnel ng Bureau of Correction (BuCor) na mapatutunayang sangkot sa korupsiyon. Kasunod nito, iniutos ni Duterte na pansamantalang mamuno sa BuCor, ang ‘next in rank’ ng mga  employees ng mga sinuspindeng prison official sa naganap na pagpapalaya ng mga convicts  ng heinous crime sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Ito ay habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa mga lumutang na korupsiyon. “Like the President said, our investigation is ongoing so…

Read More

DATU TITLE NI BARON GEISLER, PEKE RAW?

KAMAKAILAN  ay naisulat dito sa SAKSI Ngayon entertainment section ang paggawad ng honorary Datu title sa actor na si Baron Geisler. Pero noong Miyerkoles, naglabas ng pahayag ang Royal House of Sulu. Sinabi rito na ang nagbigay ng honorary title sa aktor ay “false pretenders who are not even recognized by the Philippine government.” Sabi sa statement, sina Mohammadmamay Hasan Abdurajak at Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak are “commoners with no royal blood.” Sinabi rin sa statement na, “For an individual to be called a Datu or given…

Read More

DISASTER DEPT. BILL UMARANGKADA NA

(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL kabilang ang Pilipinas sa  bansa na nasa ‘top higher risk of disasters’, inarangkada na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magtatag ng Department of Disaster Resilience. Sa sponsporship message ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, hiniling nito sa kanyang mga kasamahan sa Kamara na pagtibayin na ang nasabing panukala upang mapaghanda at maiwasan ang mas malalang sakuna sa panahon ng kalamidad. Ayon kay Velasco, sa pulong nila ni Dr. Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), lumalabas na ang Pilipinas ang…

Read More

PEREZ, BOLICK MAY BITBIT; NLEX, GINEBRA, SMB DADAYO SA DUBAI

(NI JJ TORRES) LAHAT ng natutunan at naranasan nina rookie players CJ Perez at Robert Bolick sa pagsabak sa FIBA World Cup bilang miyembro ng Philippine team, ay bibitbitin at gagamitin sa kani-kanilang koponan sa pagbabalik aksyon ng PBA. Magsisimula sa Setyembre 20 ang Governors’ Cup sa Mall of Asia Arena. Ang season-ending conference ay tatampukan din ng dalawang laro sa Dubai ang NLEX kontra San Miguel Beer sa Oktubre 4 at crowd-darling Brgy. Ginebra Barangay Ginebra sa susunod na araw. Haharapin ni Perez at ng Columbian Dyip ang Alaska…

Read More

KYLE INAABANGAN ANG APOLOGY SA PAGDURA KAY MAXINE

(NI LOURDES C. FABIAN) Kylie Verzosa: Inaabangan ang apology niya sa pagdura kay Maxine Medina KILALA na ng lahat ngayon kung sino ‘yung aktres na tinutukoy ni Dianne Medina na nandura sa kapwa niya aktres. Matatandaang noong Lunes ay inilabas ni Dianne ang nasabing blind item sa kanyang Facebook account: “Da who itong artista na nandura sa kapwa artista na wala naman sa script. Girl, RESPECT pls. Minsan lang ako status. Girl, wag ang pamilya ko.” Obvious sa post ni Dianne na imbiyerna siya sa aktres sa ginawang pagdura sa kanyang pinsan kahit wala…

Read More

MTRCB SINITA SA ‘SEX SCENE’ SA LOS BASTARDOS

(NI BERNARD TAGUINOD) SINITA ng isang religious leader sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil nakalulusot umano sa ahensya ang mga sex scenes sa Los Bastardos ng ABS-CBN. Sa  interpelasyon ni House Minority Floor Leader Benny  Abante sa budget ng MTRCB na nagkakahalaga ng  P38.838 million sa 2020, kinastigo nito ang nasabing ahensya dahil nakalulusot umano sa mga ito ang mga palabas na hindi dapat ipalabas. “Bakit nakalualusot sa MTRCB na may trending topic. Top seven sex scenes sa Los Bastardos na nakalusot sa MTRCB,”…

Read More