HIGIT 300 INMATES SA GCTA SUMUKO

(NI ROSE PULGAR) AABOT na sa 323 inmates ang boluntaryong sumuko sa mga police station sa Metro Manila at sa mga lalawigan na nakalaya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law at  nakabalik na sa mga piitan. Base sa report ni Senior Inspector Sonny Del Rosario, tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor), sa kanilang tala ngayon ay nasa 323 heinous crime convicts na nakalaya sa pamamagitan ng GCTA law ang sumuko na sa loob ng dalawang linggo. Nabatid, na mahigit sa 2,000 heinous crime convicts ang nakinabang at napalaya sa GCTA…

Read More

ROAD USERS TAX TATAASAN NA

(NI BERNARD TAGUINOD) KASABAY ng pagdami ng mga sasakyan na itinuturong pangunahing dahilan ng tumitinding problema sa trapiko lalo na sa Metro Manila, tataasan na sa Kongreso ang buwis na ipinapataw sa mga may-ari nito. Ito ay matapos ihain ni House Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte House ang House Bill (HB) 1294 ang pagtataas ng Motor Vehicle Users Charge (MVUC) o mas kilala sa Road User’s Tax. “The MVUC rates need to be adjusted in order to keep them updated and to ensure buoyancy of the revenue system to sustain…

Read More

BUDGET NG ISKOLAR BINAWASAN 

(NI BERNARD TAGUINOD) NANGANGANIB na hindi makatapos ang maraming  iskolar ng bayan matapos bawasan ang budget para pondohan ng gobyerno ang kanilang pag-aaral. Ito ang nabatid kay  ACT Rep. France Castro  matapos tapyasan ang budget para sa Universal Access to Quality Tertiary Education sa susunod na taon gayung nasa ikalawang taon pa lamang ang nasabing batas. Ayon sa mambabatas, binawasan ng P12.4 bilyon ang budget ng Commission on Higher Education (CHED), Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng mga State Universities and Colleges (SUCs) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Sa nasabing…

Read More

OPISYAL NA TUMANGGAP NG GCTA FEE IBUBUKING SA SENADO

bucor55

(NI NOEL ABUEL) DALAWA pang testigo ang ihaharap ng Senado kaugnay ng isinasagawang pagsisiyasat ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa inimplementang Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ang dalawang testigo ay pawang mga inmates na nakalaya dahil sa GCTA kung saan lalong magdidiin sa ilang opisyales ng Bureau of Corrections (Bucor). “May dalawa na sumurrender, sasabihin nila kung kanino sila naglagay para makalabas, kaya lalaki na naman itong issue,” ayon kay Sotto sa pahayag nito sa News TV. “Itong dalawa,…

Read More

50,000 DRIVER’S LICENSE NAKATENGGA SA MTPB

(NI DAHLIA S. ANIN) AABOT umano sa 50,000 ang driver’s license na nakumpiska ng awtoridad, dahil sa traffic violations, ang hindi na kinuha at nakatengga pa rin sa isang tanggapan sa Maynila simula pa noong 2014. Hindi umano konektado sa electronic system ng Land Transportation Office (LTO) ang rekord ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na siyang dahilan kaya nakakukuha pa rin ng lisensya ang ibang driver na nagsasabing nawawala ang kanilang lisensya imbes na magbayad ng multa at tubusin ang kanilang lisensya, ayon kay MTPB Director Dennis Viaje.…

Read More

EMERGENCY POWERS NI DU30 ‘DI NA IGIGIIT NG DOTr

(NI KEVIN COLLANTES) INIHAYAG ni Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na hindi na nila ipipilit pa sa Kongreso na maaprubahan ang panukalang mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte upang maresolba ang lumalalang problema sa daloy ng trapiko sa metropolis. Ipinaliwanag ni Tugade na paikli na nang paikli ang panahon kaya’t kung ayaw na ibigay ng Kongreso ang kanilang kahilingan ay hindi na nila ito igigiit. “Kung ayaw nila ibigay, huwag na, kasi paiksi nang paiksi ang oras,” ayon kay Tugade, sa panayam sa telebisyon. Sinabi ng kalihim na…

Read More

QUEZON NIYANIG NG 5.5 LINDOL

(NI KIKO CUETO) NIYANIG ng magnitude 5.5 na lindol ang bahagi ng Burdeos sa lalawigan ng Quezonm ngayong alas-4:28 ng hapon. Naramdaman ito hanggang sa Metro Manila na siyang nagdulot ng takot sa ilang mga residente. Tectonic ang origin ng lindol, na may lalim na 10 kilometers. Ramdam ang intensity 4 sa Jose Panganiban, Camarines Norte; at sa Quezon City. Intensity 3 naman sa Guinayangan, Quezon. Ramdam naman ang instrumental intensity 3 sa Quezon City at Tagaytay City. Inaasahan ang aftershocks, ayon pa sa NDRRMC.   339

Read More

P94.6-B TIPID NG CONSUMER SA 3 POWER SUPPLY AGREEMENT — MERALCO

meralco121

(NI MAC CABREROS) BILYUN-bilyong piso ang matitipid ng mga customer sa tatlong power supply agreement (PSA) na pinasok ng Manila Electric Company (Meralco). Ayon kay Meralco President at CEO Atty. Ray C. Espinosa, nasa P0.28 kada kilowatthour o P9.46 bilyon kada taon sa loob ng 10 taon o kabuuang P94.6 bilyon ang magaganansya ng publiko sa panibagong PSA na pinirmahan nila sa tatlong power generator o producer. Tinukoy ni Atty. Espinosa ang PSA na pinasok nila sa PHINMA Energy Corporation, San Miguel Energy Corporation, at South Premiere Power Corporation na may kabuuang produksyong 1,200 megawatts. “The…

Read More

DA SA HOG RAISERS: ‘WAG IPAANOD SA ILOG ANG PATAY NA BABOY

(NI ABBY MENDOZA) UMAAPELA si Agriculture Secretary William Dar sa mga nag-aalaga ng baboy na huwag ipaanod sa ilog ang mga namatay nilang alagang baboy upang hindi na kumalat pa ang African Swine Flu. Ayon kay Dar, ang pagtatapon ng mga baboy ay maaari lamang magpalala ng sitwasyon at posibleng mapalawak sa iba pang mga lugar ang apektado ng ASF. “Huwag nyong itapon bagkus agad na i-report sa DA sakaling ang alagang baboy ay pinaghihinalaang apektado ng ASF para sa proper disposal,” dagdag pa ng Kalihim. Sa ngayon umano ay sa…

Read More