PONDO BUMUHOS; P67.3-B NG DOH IBIBIGAY SA PHILHEALTH

(NI BERNARD TAGUINOD) SA gitna ng mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), binubuhusan pa rin ito ng pondo sa ilalim ng 2020 national budget habang kinaltasan naman ang budget ng mga public hospital tulad ng Philippine General Hospital (PGH). Ito ang inirereklamo ng mga militanteng mambabatas matapos matuklasan sa plenary debate sa pondo ng Department of Health (DOH)  na malaking bahagi sa kanilang P155 Billion sa 2020 ay mapupunta lang sa Philhealth. Sa press conference ng Makabayan bloc sa Kamara nitong Biyernes, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand…

Read More

IMPORTED RICE, P27 PER KILO NASA MERKADO–DA

bigas21

(NI ABBY MENDOZA) INAASAHAN ng Department of Agriculture (DA) na bababa pa ang presyo ng commercial rice sa merkado kasunod ng pagbaha ng NFA imported rice. Ngayong Biyernes ay pinangunahan ni Agriculture Secretary Willam Dar ang pagbaba ng mga NFA imported rice sa Commonwealth market. Aniya, may  3.6 million sako ng bigas ang ikakalat sa buong bansa na ibebenta sa mga retailers sa P25 kada kilo habang mabibili naman ng mga consumers sa halagang P27. Sa kasalukuyan, ang pinakamababang presyo ng commercial rice sa merkado ay nasa P32 habang ang…

Read More

SURRENDER O SHOOT TO KILL?

(NI CYRILL QUILO) MULING umapela at nanawagan si Senador Bong Go na sumuko na mga presong nagawaran ng Good Conduct Time Allowance o GCTA law bago matapos ang 15-araw na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nagpahayag si Go na magiging mas delikado ang kanilang buhay kung sila ay nasa labas ng bilangguan. “Kung sakaling matapos ang itinakda ng Pangulo ang 15-araw ay maituturing na ang mga ito na pugante, maaring maaresto sila o mapagkamalan o baka ma “Shoot -to-kill “ pa sila,” ayon kay Go. “Nananawagan po ako sa inyo…

Read More

GOVERNORS’ CUP IMPORTS, KINUMPLETO NI WATTS

(NI JOSEPH BONIFACIO ) WALONG mga dating mukha at apat na baguhang reinforcements ang masisilayan sa pagbubukas ng 2019 PBA Governors’ Cup sa Setyembre 20. Ito’y matapos makumpleto ang listahan ng mga import ng 12 koponan na magbabakbakan sa season-ending conference. Pinangalanan ng Alaska si Justin Watts bilang kapalit ng naunang import na si Branden Dawson na hindi pumasa sa 6’5 height requirement. Dumating sa bansa ang 29-anyos na international basketball veteran subalit hindi muna naglaro sa 79-92 kabiguan ng Alaska sa tune-up game kontra Korean team na KCC Egis…

Read More

LIFESTYLE CHECK SA BUCOR OFFICIALS, KAWANI, HININGI

(NI ABBY MENDOZA) SA lawak ng anomalyang nabunyag sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), pinaaksyon ni ACT-CIS partylist Rep Eric Yap ang Philippine Anti Crime Commission (PACC) na magsagawa ng lifestyle check hindi lamang sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (BUCOR) kundi maging sa mga empleyado nito. Naniniwala si Yap na mayroong sabwatan mula sa mataas hanggang mababang kawani ng Bucor kaya patuloy na nagiging talamak ang anomalya sa ahensya. Ani Yap,maituturing na necessity ang pagsasagawa ng lifestyle check ngayon sa BuCor upang matukoy kung sino ang sangkot…

Read More

STAGS, RUMESBAK  SA BLAZERS

(PHOTO BY MJ ROMERO) IDINERETSO ng San Sebastian College Golden Stags, sa pangunguna ni Allyan Bulanadi sa ikalimang sunod ang kanilang panalo, matapos resbakan ang College of Saint Benilde, 83-67 kahapon sa NCAA Season 95 seniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Nagtala si Bulanadi ng bagong career-high 32 points, may kasama pang four rebounds, two assists at two steals, para makisosyo sa second place (7-3) kasama ang Lyceum of the Philippines University at Colegio de San Juan de Letran. Tinalo ng Blazers ang Stag, 77-72…

Read More

PALASYO KAY POE: MAGREKOMENDA NG TRAFFIC CZAR!

(NI HARVEY PEREZ) HINAMON ng Malacanang si Senator Grace Poe na magrekomenda ng traffic czar na sa tingin niya ay makakalutas ng problema sa trapiko sa Metro Manila kung sa pakiramdam niya ay niya ay hindi akma si Transport Chief Arthur Tugade sa trabaho. Ang reaksiyon ay tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pahayag ni Poe na dapat maglagay si Pangulong Rodeigo Duterte ng  traffic czar, bukod kay Tugade, para mangasiwa sa problema sa transportasyon at trapik sa  Metro Manila. “Maybe she should give us a name. Maybe Senator…

Read More

BUDGET SA TAAS-SAHOD NG MGA GURO HANDA NA

teachers12

(NI NOEL ABUEL) MAGANDANG balita para sa mga guro. Ito ay matapos na ilapit na ang pagkakaloob ng dagdag-sahod ng mga ito na inaasahang makatutulong nang malaki sa lahat ng mga guro sa buong bansa. Ayon kay Senador Win Gatchalian, mayroon nang pagkukunan ang P54 milyong pondo na kailangan sa pagtataas ng dalawang salary grades (SG) ng sahod ng mga guro. “Hindi po ba may na-vetosi Pangulong Rodrigo Duterte na P95 billion na pork barrel funds sa 2019 budget? Bakit hindi natin kunin ‘yong P54 billion doon para pondohan ang…

Read More

ONLINE 5-6 IPINAKOKONTROL SA BSP, SEC 

(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG kontrolin na ng gobyerno ang online 5-6 na nauuso ngayon sa social media at maraming Filipino ang pumapatol dahil mas mabilis ang pangungutang ito subalit ipinapahiya ang mga nangungutang kapag hindi makabayad sa tamang oras. Sa press conference nitong Huwebes sa Kamara, sinabi  1PACMAN party-list Rep. Mikee Romero na panahon na para iregulate ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang mga aniya’y ‘colorum na 5-6” sa social media. “The BSP (Bangko Sentrak ng Pilipinas) and the SEC (Securities and Exchange Commission) should go through this. It has…

Read More