BROKERS IPINAAALIS NA NI DU30 SA CUSTOMS

(NI HARVEY PEREZ) BILANG na ang araw ng pamamayagpag ng mga brokers sa Bureau of Customs (BOC). Ito ay matapos sabihin  ni Pangulong Rodrigo Duterte na balak niyang tanggalin ang mga ‘brokers’ sa BOC na pinaniniwalaang ugat ng korupsiyon sa ahensiya. Sinabi ng Pangulo na hindi na niya kayang sikmurain ang korupsiyon sa ahensiya minsan naiku konsidera niya ang pagreresign dahil sa korupsiyon. “I don’t want brokers dealing with the Customs. If there are brokers, there  corruption there … If they really want to end corruption, let’s remove the brokers,”…

Read More

‘KATITING LANG ANG P9-B NG NFA SA MABIBILING PALAY’

bigas22

(NI BERNARD TAGUINOD) KATITING ang mabibiling palay ng P9 billion ng National Food Authority (NFA) kaya marami pa ring maluluging magsasaka ngayong panahon ng anihan dahil sa Rice Tariffication Law. Ito ang nabatid ng Saksi Ngayon kay dating Anakpawis party-list Rep Ariel Casilao kahit pa dagdagan umano ito ng P2 Billion ang pondo ng nasabing ahensya upang mas maraming mabiling palay. Ayon kay Casilao, 4% sa kabuuang ani sa buong bansa lang ang mabibili ng NFA sa nasabing halaga sa presyong P17 kada kilo kaya 96% dito ay maibebenta na lang…

Read More

SPECIAL HOSPITAL SA SENIORS IPATATAYO

pinoy senior1

(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong ospital para sa mga bata o ang National Children’s Hospital, kailangang magkaroon din ng pagamutan para lang sa mga matatanda upang mabigyan ang mga ito ng ibayong atensyon. Ito ang nakasaad sa House Bill 3939 na inakda ni House minority leader Benny Abante dahil wala umanong special hospital sa mga matatandang tulad ng pagamutan para mga bata. “Filipinos are most vulnerable to health issues when they are very young and when they are very old, but while the the country has the National Children’s Hospital…

Read More

JUDAI’S MINDANAO, KASALI SA BUSAN INT’L FILMFEST

RECENTLY ay pinost ni Judy Ann ‘Judai’ Santos-Agoncillo ang poster ng movie niyang Mindanao at nakasulat dito ang 24th BUSAN International Film Festival. Sabi ni Judai sa post: “So excited for this! Maraming first para sa akin sa pelikulang ito…first movie with Direk Brillante Mendoza, first movie to join different film festivals around the world…and first time kabahan ng ganito! But more than anything… i am beyond grateful to be able to experience working with direk brillante and his whole team. #Mindanao.” Nag-comment dito ang asawa niyang si Ryan ng, “May nanalo na.”…

Read More

3 BUCOR OFFICIALS KULONG SA SENADO 

(NI DANG SAMSON-GARCIA/PHOTO BY DANNY BACOLOD) TILA naubusan na ng pasensya ang mga senador sa ilang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na patuloy sa pagtanggi sa mga sinasabing katiwalian sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Sa motion ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na sinegundahan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at hindi tinutulan ng iba pang miyembro, isinailalim sa contempt order sina Bucor Legal Chief, Atty. Frederick Santos; Documents Division chief Ramoncito Roque at Medical Officer Ursicio Cenas. Ito ay makaraang sabihin ni Lacson na…

Read More

NAPOLES MUNTIK MAPALAYA; BUCOR ISASALANG SA KAMARA 

(NI BERNARD TAGUINOD) “ANG lala.” Ganito inilarawan ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagkakasama sa pangalan ni Janet Napoles sa dapat makinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA). Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, hindi katanggap-tanggap na makinabang si Napoles na nasentensyahang guilty sa kasong plunder, sa nasabing batas. Nabuko na kasama ang pangalan ni Napoles sa dapat makinabang sa nasabing batas sa gitna ng umiinit na imbestigasyon sa anomalya sa Bureau of Correction (Buco) na nagpalaya ng mga heinous crime convicts tulad ng drug lord,…

Read More

BABAE, DROGA, ALAK SA BILIBID IBINUNYAG NG DATING OPISYAL

bucor55

(NI DANG SAMSON-GARCIA) INISA-ISA ng mga dating opisyal ng Bureau of Corrections ang mga money making activities sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP). Ginawa ito nina dating BuCor Officer in Charge Atty. Rafael Ragos at  Intelligence Agent Jovencio Ablen Jr. sa ikalimang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa mga iregularidad sa NBP bukod sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale. Sa pagtatanong ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, sinabi ni Ragos na kabilang sa pinagkakakitaan sa NBP ang pagpapasok ng mga babae na ang tawag nila ay…

Read More

BAGYONG ‘MARILYN’ ‘DI TATAMA SA LUPA

rain15

(NI ABBY MENDOZA) NASA loob na ng  Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Marilyn, hindi ito inaasahang tatama sa lupa subalit magdadala ng pag-uulan sa malaking bahagi mg Luzon at maging sa Visayas. Sa 11:00 weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) sinabi nito na alas 9:30 ng umaga pumasok ng bansa ang bagyo,  huli itong namataan 1,355 ang layo mula sa Casiguran, Aurora at kumikilos sa bilis na 25kph taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na 70kph. Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, walang inilabas…

Read More

PROBLEMA SA TRAFFIC AYUSIN NG GOBYERNO, WAG AKO SISIHIN! — POE

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANINDIGAN si Senador Grace Poe na hindi dapat siya ang sisihin kung hindi pa rin naaaprubahan ang hinihiling na emergency powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte upang solusyunan ang problema sa trapiko. “I am not the one in the driver’s seat, when it comes to traffic. It’s an administration issue, not a legislative one,” saad ni Poe. Iginiit ng chairperson ng Senate Committee on Public Services na bigo ang mga opisyal ng gobyerno na dipensahan ang hinihinging dagdag kapangyarihan para sa Punong Ehekutibo. Binigyang-diin pa nito na…

Read More