(NI NOEL ABUEL) HINILING ni Senador Panfilo Lacson na dapat na klaruhin ang “gratitude” at “bribery” sa mga batas na kagaya ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at RA 3019 o Anti-Graft Act. Ayon sa senador, sa ilalim ng RA 6713, maaaring tumanggap ang isang public official at empleyado ng “gift of nominal value” bilang regalo o pagpapasalamat mula sa natulungan. “Our present laws have no clear definition of what is nominal. What is nominal for one person may be of value…
Read MoreAuthor: Jet
TIGRESSES, WINALIS ANG LADY PIRATES
KONTING pawis lang ang inubos ng University of Santo Tomas (UST) para walisin ang Lyceum of the Philippines University (LPU), 25-18, 25-13, 25-21 SA PVL Collegiate Conference, Linggo sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Habang winalis din ng Arellano University Lady Chiefs ang Technological Institute of the Philippines (TIP) Lady Engineers, 25-12, 25-7, 25-12. Matapos mawala ng dalawang collegiate season dahil sa injury, nagbalik na sa aksyon si former UAAP Rookie of the Year EJ Laure at tinulungan ang Tigresses sa panalo. Dalawang puntos lang ang kanyang ginawa…
Read MoreFAST LANE SA GURO, PAMILYA SA GOV’T HOSPITAL ITINUTULAK
(NI BERNARD TAGUINOD) BILANG pagkilala sa sakripisyo ng mga public school teachers sa kanilang trabaho sa kabila ng napakaliit ng sahod, bibigyan ang mga ito ng spesyal na pagtrato kasama na ang kanilang pamilya sa mga public hospital sa bansa. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 3759 na inakda ni Cagaya de Oro City Rep. Rufus Rodriguez upang matulungan umano ang mga public school teachers kapag nagkakasakit ang mga ito at maging ang miyembro ng kanilang pamilya. Ayon sa mambabatas, bukod sa pagtuturo at substitute parents ng mga kabataan, nagsisilbi…
Read MoreTERRENCE ROMEO: FROM NEGA TO BIDA
BAGONG salta, bagong bida. Iyan ang kinahantungan ni Terrence Romeo sa panig ng bagong koponan na San Miguel Beer na kinupkop siya upang maging isa ring matagumpay na manlalaro kapara ng ibang Beermen. Matapos maisukbit ang kanyang unang kampeonato sa PBA noong nakaraang conference sa Philippine Cup, nasungkit naman ngayon ni Romeo ang kanyang unang Finals MVP bunsod ng isa na namang titulo ng Beermen sa katatapos lang na 2019 PBA Commissioner’s Cup. Pambihirang turnaround ito para sa dating franchise player na si Romeo na noong nakaraang taon lang ay…
Read MoreGINA LOPEZ, 65
(NI KIKO CUETO) PUMANAW na si dating Environment secretary, at ABS-CBN Foundation chief Regina Paz “Gina” Lopez sa edad na 65. Sa pahayag ng ABS-CBN, sinabing namatay si Lopez dahil sa multiple organ failure. Kilalang environmental activist si Lopez at nagsilbi na chairperson ng ABS-CBN Foundation Inc (AFI). “Gina was the pillar of strength that pushed AFI to achieve what seemed to be impossible. Her caring heart and selfless kind of love inspired people within and beyond the organization to help and serve others,” sabi ng ABS-CBN sa pahayag. “While we…
Read MorePAPER TRAIL SA PHILHEALTH MALAKING TULONG SA ANOMALYA
(NI NOEL ABUEL) MALAKI ang maitutulong ng paper trail para madetermina kung sinu-sinong opisyales ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) ang sangkot sa anomalya sa nasabing ahensya. Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan malaking bagay aniya kung aalamin ang mga transaksyon sa Philhealth sa pamamagitan ng paper trail. “‘Yun na nga. Paper trail ang isang pwedeng sumagot diyan para makita natin kung may pattern ng anomaly, sino gumagawa ng anomaly. Doon ba sa level ng regional VP sa mga regions, or sa level ng central office? Kasi…
Read MoreINSURANCE SA MAGSASAKA, MANGINGISDA SINUSULONG
(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON na ng insurance ang mga magsasaka at mangingisda sa sandaling maging batas ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa lahat ng mga manggagawa, ang mga ito lamang ang walang maasahan pagtanda nila. Sa House Bill 3601 o Agricultural Pension Fund Act” na iniakda ni AAMBIS-OWA party-list Rep. Sharon Garin, panahon na aniya para magkaroon ng insurance ang lahat ng magsasaka at mangingisda. Ayon sa mambabatas, ang average age ng mga magsasaka ngayon sa bansa ay 57 anyos at palapit na sila sa…
Read MoreDEFENSOR SA PHILHEALTH: KAILAN NAGKA-PNEUMONIA OUTBREAK?
(NI BERNARD TAGUINOD) DUDA ang isang mambababatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagkaroon ng pneumonia outbreak sa bansa sa nakalipas na tatlong taon na ginastusan ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ng P52.5 Billion. Sa panayam ng mga mamamahayag kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor, aalamin kung nagkaroon talaga ng pneumonia outbreak o bahagi lang ito ng katiwalian sa Philhealth. “Mantakin mo nagkaroon ng pneumonia outbreak na hindi natin alam,” ani Defensor matapos maitala umano ng Philhealth na umaabot sa 3.5 million pasyente (sa nakaraang tatlong taon) sa pneumonia ang kanilang…
Read MoreCARDEMA NAGPASAKLOLO VS GUANZON; PALASYO: DEADMA
(NI BETH JULIAN) WALANG pakialam ang Malacanang. Ito ang tahasang tugon ng Malacanang sa hirit ni Duterte Youth President Ronald Cardema na nagpapasaklolo kay Pangulong Rodrigo Duterte para silipin ang alegasyong corruption na kinasasangkutan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi nakikialam ang Palasyo sa ginagawa ni Cardema dahil wala naman itong kaugnayan sa isyu. “Kung sinasabing mayroon man korapsyon, dapat magsampa ng kaso sa korte si Cardema laban kay Guanzon,” wika ni Panelo. Naninidigan ni Panelo na kahit pa naging supporter…
Read More