(NI BERNARD TAGUINOD) TULOY ang pang-aabuso sa mga Filipinong mangagawa na nabibilang sa mga Endo Workers ng mga negosyante dahil sa pag-veto ni Pangulong Rodrigo Dututerte sa Security of Tenure (SOT) bill. Ito ang ikinatatakot ni TUCP party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza matapos iveto ng Pangulo ang naabing panukala kung saan kinastigo nito ang mga foreign chamber of commerce at mga economic managers ng Pangulo dahil pananakot ng mga ito imbes na tapusin ang aniya’ “decades old abuses against the Filipino workers”. Unang kinastigo ng mambabatas ang mga foreign chamber…
Read MoreAuthor: Jet
P600-M CASH NASAMSAM SA SINALAKAY NA INVESTMENT FIRM
(NI JG TUMBADO) SINALAKAY ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang kompanya na umanoy sangkot sa multimillion-peso investment scam sa Maramag, Bukidnon. Kasabay ng isinagawang raid ay ang pagkakadakip sa limang tauhan ng JA Mining Ventures na nakilalang sina Emeliana Fernandez, Ernie Oliquino, John Lister Pacunayen, Ojelyn Busbos at Merlyn Perez. Armado ng search warrant, hinalughog ang kompanya dahil sa umanoy paglabag sa Republic Act 8799 o Securities Regulation Code. Nasamsam ng pulisya sa nasabing operasyon ang cash na nagkakahalaga ng P612,903,552, ilang piraso ng…
Read MoreMAYORS PWEDENG MASUSPINDE SA MARUMING KALYE, TRAPIKO
(NI LYSSA VILLAROMAN) MAHAHARAP sa suspensiyon ang mga Metro Manila mayors kung hindi nila malilinis ang mga kalye na kanilang nasasakupan sa mga illegal vendors at at hindi maayos na pagkaka-park na mga sasakyan. Matatandaan na inihayag ni President Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na kinakailangan na linisin ang mga kalye sa lahat ng lungsod sa Metro Manila na ginagamit ng mga illegal vendors at hindi maayos na pagkaka-park ng mga sasakyan na nagiging dahilang ng pagsikip ng trapiko. Agad naman itong sinangayunan ng 17…
Read MoreDU30 NANINDIGAN SA PAG-VETO NG ENDO BILL
(NI BETH JULIAN) NANINDIGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ipinangako na protektahan ang karapatan sa seguridad sa trabaho ng mga manggagawang Filipino at tuldukan ang lahat ng uri ng mapag-abusong gawi sa lugar ng paggawa. Ito ay kasunod ng pag-veto ng Pangulo sa Endo Bill. Binigyan-diin ng Pangulo na bagama’t sadyang dapat ipagbawal ang labor only contracting system, kailangan ding pahintulutan ang mga lehitimong job contracting basta’t sapat ang kapital ng kontraktor, may supisyenteng puhunan at kayang ibigay ang lahat ng benepisyo sa mga manggagawa sa ilalim ng labor…
Read MoreSOLON SA BOMB JOKE SA NAIA DUMEPENSA
(NI ABBY MENDOZA) PINABULAANAN ni Apec Partylist Rep. Sergio Dagooc na nag-bomb joke siya dahilan para pigilan ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 noong Huwebes ng gabi. Si Dagooc ay pinakawalan din makalipas na dumating ang kanyang abogado na nagsabing may immunity ang mambabatas. Paliwanag ni Dagooc, umabot sa 11kg ang kanyang handcarry baggage, lampas sa 7kg limit kaya pinakiusapan nya ang check in counter na payagan ang kanyang excess baggage dahil may laman itong ‘bands’ ng pera. Maaari na ang pagkakarinig sa kanya ng counter ay bomba…
Read More‘WALANG AIRSTRIKE, SUMABOG NA BOMBA GAWA NG BIFF BOMBER’
NORTH COTABATO – Itinanggi ng Armed Forces na mula sa airstrike ng militar ang bombang sumabog sa isang tahanan na ikinasawi ng isang matanda at ikinasugat ng mister at apo nito, sa Sitio Butilen, Barangay Kabasalan, Pikit, North Cotabato, Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang nasawi na si Misbah Masla, isang senior citizen habang sugatan naman ang mister nito na si Alimuden at ang 10-anyos na apo na lahat ay residente ng nasabing lugar. Sinabi ni AFP Western Mindanao Command spokesperson Major Arvin Encinas na sa loob ng bahay ng…
Read MorePIA WURTZBACH NAKIKISAWSAW SA GERALD-BEA-JULIA ISYU?
NAAKUSAHANG nakikisawsaw ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa maugong na isyu sa pagitan nina Gerald Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto dahil sa isang post nito. Matatandaang na-involved din si Pia sa kontrobersiya nang gawin nila ni Gerald Anderson ang My Perfect You noong 2018. Sa naturang post, sinabi lang ni Pia na: “To anyone who’s going through something, kapit lang. We’re here for you! (hug emoji).” In-assume ng ilang netizens na patungkol ito sa Gerald-Bea-Julia issue, kaya nasabihan siyang nakikisawsaw ng iba. May mga nag-comment na…
Read MoreHOUSE BILL 1157: RELIGIOUS LEADERS PWEDE MAG-DIVORCE NG IKINASAL
(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON ng poder o kapangyarihan ang mga religious leaders na payagang mag-divorce sa kanilang mga ikinasal. Ito ay kung makakapasa ang House Bill 1157 na inakda ng mag-asawang sina House Majority Leader Martin Romualdez at Tingog Sinirangan Rep. Yedda Marie Romualdez na magbibigay ng kapangyarihan sa mga nagkasal na magpahiwalay. “Priests, pastors, imams and rabbis who solemnize marriage must have the authority to solemnize granted by the State. Therefore, if a marriage can be legitimately contracted under the laws of the Church, then it follows that under…
Read MorePONDO SA TAX REFORM ‘DI PAMBAYAD-UTANG — DOF
(NI BETH JULIAN) MARIING itinanggi ng Department of Finance na pambayad-utang ang pondong makokolekta mula sa tax reform packages. Paliwanag ni Finance Usec. Karl Kendrick Chua, pangunahing layunin ng tax reform packages ay para makontra ang kahirapan. Ito ay dahil target ng gobyerno na maibaba ang poverty rate sa 14 percent mula sa 21.5 percent nitong 2015. Katumbas ito ng 6 milyong Filipino na dapat na mapaunlad ang pamumuhay mula sa dinaranas na kahirapan. Kumpiyansa naman ang DoF na kung maipapasa ang tax reform packages at iba pang socio economic…
Read More