(NI BETH JULIAN) HINDI maituturing na matalinong hakbang ang ginawa ng Vietnam na pagpalag sa China kaugnay sa pinag- aagawang teritoryo sa South China Sea. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo kasunod ng pagpapaalis ng Vietnam sa mga sasakyang pandagat ng China sa kanilang exclusive economic zone. Ayon kay Panelo, kahit hindi nauwi sa gulo ang pagpalag ng Vietnam ay nalagay pa rin sa balag ng alanganin ang kapayapaan sa lugar at ang kaligtasan ng kanilang mamamayan. Giit ni Panelo, ito rin mismo ay hindi hahayaan ni Pangulong…
Read MoreAuthor: Jet
PACMAN-FLLOYD REMATCH: DULO NG PATUTSADAHAN?
(VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor) SAAN nga ba patungo ang patutsadahan sa social media nina undefeated retired boxer Floyd Mayweather at newly-crowned WBA welterweight super champion Manny Pacquiao? Sa Pacquiao-Mayweather rematch? #PacMay2? Ikinasisiya ng mga fans ang sagutan ng dalawang boxing superstar sa social media, sa pag-aakalang posibleng magkahamunan ang dalawa ay mauwi sa rematch. Unang nagpatutsada si Mayweather sa kanyang Instagram account sa pagsasabing: “For years, all you heard was that ‘Floyd is afraid of Manny Pacquiao’. But what’s funny is, when we finally fought, i won so…
Read MorePINOY LUGI SA TRAIN 2 BILL– SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) LUGI ang lahat ng Filipino sa ikalawang bahagi ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) dahil habang patuloy na binubuwisan ang mga ito ay bibigyan naman ng tax cuts ang mga malalaking kompanya at negosyante. Ito ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa press conference kaugnay ng nasabing panukala na isa sa mga nakalinyang prayoridad ng Kongreso na maipasa sa lalong madaling panahon. Ang TRAIN 2 ay tinawag na TRABAHO o Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities subalit ayon kay House ways and…
Read MorePHIVOLCS NAGBABALA VS FAKE ALERTS SA ‘THE BIG ONE’
(NI ABBY MENDOZA) “THERE is no reliable technology in the world that can confidently predict the exact time, date, and location or large earthquakes. Please avoid sharing or believing messages from unconfirmed and unreliable sources.” Ito ang muling paglilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kasabay ng babala sa publiko na anumang alert , hula o impormasyon na magkakaroon ng lindol sa ganitong oras , petsa, lokasyon at magnitude ay pawang fake. “Ang DOST (Department of Science and Technology)-Phivolcs ay hindi nagbibigay ng prediksyon patungkol sa lindol o…
Read MoreANDI EIGENMANN NANGANAK NA
NANGANAK NA Isinilang na ni Andi Eigenmann ang kanyang ikalawang anak at ikalawang babae rin, kamakalawa, July 24. Parehong nag-post sina Andi at ang ama ng kanyang bunsong anak na si Philmar Alipayo, isang professional surfer, ng mga larawan habang karga nila ang baby na hindi na nila sinabi ang pangalan sa media. Ilang araw bago siya manganak, nag-post pa si Andi ng larawan at sinabi nito sa caption na sana ay “normal” delivery ngayon at hindi caesarean. Hindi naman nabanggit sa mga post-delivery posts kung natupad ang wish niyang…
Read MoreP500 MONTHLY TULONG APRUB NA KAY ISKO
(NI HARVEY PEREZ) PAGKAKALOOBAN na ng P500 buwanang financial assitance ng Manila City Government ang lahat ng Grade 12 students, Person with Disabilities (PWD), solo parents at senior citizen. Pinirmahan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’, ang dalawang ipinasang Manila City Ordinance 8564 at 8565 ng City Council . Sinaksihan ni Manila Secretary to the Mayor Bernadito Ang, Vice Mayor Honey Lacuna, Majority Floor Leader Joel Chua at mga miyembro ng Manila City Council ang ginawang paglagda ni Moreno sa ordinansa. Nabatid na bahagi ng local government’s social amelioration stimulus…
Read More7 FOREIGN TERRORIST SA BANSA TINUKOY NG DND
(NI AMIHAN SABILLO) KILALA na ng Department of National Defense (DND) ang pitong international terrorist na nakapasok umano sa bansa, partikular sa bahagi Western Mindanao. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang mga ito ay Egyptian, Malaysian, Indonesian at Singaporean nationals. Sinabi ni Lorenzana na “mostly sa puslit lang from Malaysia and Indonesia by small boats, going to Tawi-Tawi first, then later on, not the Tawi-Tawi island, but small islands there, then they eventually they move to Jolo and join up with the group of Sahiron and Sawadjaan” Matatandaan na…
Read More4 SAKONG BIGAS SA SENIOR CITIZENS ISUSULONG
(NI BERNARD TAGUINOD) Bibigyan ng tig-apat na sakong bigas kada taon ang mga senior citizens bilang food subsidies o food assistant dahil nasa hanay umano ng mga ito ang pinakamahirap o poorest of the poor na mamamayan. Sa House Bill (HB) 132 na iniakda ni Bukidnon Rep. Manuel Antonio Zubiri, aamyendahan ang Republic Act (RA) 7432 o The Expanded Senior Citizen Act of 2010 upang maisingit ang dagdag na benepisyong ito. Ayon sa mambabatas, hindi matatawaran ang naging papel ng mga senior citizens sa paghubog sa mga kabataan noon kalakasan…
Read MoreLTO, LRA, SSS, BIR, PAGIBIG SINUYOD NG PACC
(NI BETH JULIAN) PINUNTAHAN na ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) ang limang ahensya ng pamahalaan na kabilang sa nabanggit na Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA na kinakailangan ipagbuti ang serbisyo. Kinabibilangan ito ng Land Transportation Office (LTO), Land Registration Authority (LRA), Social Security System (SSS), Bureau of Internal Revenue (BIR)at Pag Ibig. Sinabi ni PACC Commissioner Grecco Belgica, personal niyang ininspeksyon at inalam ang sitwasyon sa limang ahensya. Batay sa naunang pahayag ng Pangulo, kaya madalas inirereklamo ang mga nabanggit na ahensya ay dahil sa pagiging makupad sa…
Read More