(NI BERNARD TAGUINOD) INILUSOT na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang “legislative” Charter Change (Cha Cha) sa isang Executive session na isinagawa ng House committee on constitutional amendments. Ito ang isiniwalat ng Makabayan bloc sa Kamara sa press conference ng nasabing grupo nitong Huwebes sa Kamara kung saan bukod sa pagbubukas sa ekonomiya ng bansa sa mga dayuhan ay palalawigin ang termino ng mga halal na opisyal at isang boto na lamang ang kailangang para sa presidential at vice presidential candidate. Hindi sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate…
Read MoreAuthor: Jet
VAT SA MGA GAMOT PINAAALIS KUNG PALPAK ANG UHC
(NI DANG SAMSON-GARCIA) DAHIL malabo pang maaprubahan ang panibagong Sin Tax bill na magpopondo sa Universal Healthcare Law, binuhay ni Senador Imee Marcos ang kanyang panukala na tanggalin na ang value added tax sa lahat ng prescriptive medicines. Sinabi ni Marcos na ganitong paraan anya makatutulong ang gobyerno sa publiko upang maibsan ang bigat ng kanilang pasanin sa pagpapagamot. Mistula ring inamin ng senador na nababahala siya kung kakayanin ng Department of Health (DOH) na pamahalaan ang malaking pondo gayung ngayon pa lamang ay nababalot na sila ng iba’t ibang…
Read MoreIMBESTIGASYON SA SEA GAMES, TULOY! — PING
(NI NOEL ABUEL) NGAYONG pormal nang natapos ang 30th Southeast Games ay maaari nang ituloy ang imbestigasyon kung nagkaroon ng korapsyon sa paghahanda sa palaro. Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na dapat matuloy ang imbestigasyon ng Senado upang tuluyang matapos ang usapin at mawala ang agam-agam na nahaluan ng anomalya ang biennial meet. Kasabay nito, agad na nilinaw ni Lacson na walang kinalaman at hindi dapat na masangkot ang mga atleta. “Dapat lang. Magkaiba ang mga atleta at ang organizing committee, ang PHISGOC. Kung ano man ang honors na ibinigay…
Read MoreBRIBERY SA ‘ONEROUS CONTRACT” SA WATER CONCESSION AGREEMENT SISILIPIN
(NI BERNARD TAGUINOD) IPINASISILIP ng isang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung nagkaroon ng ‘bribery’ kaya na nauwi sa ‘onerous contract’ ang concession agreement sa pagitan ng gobyerno at mga water concessionaires. Ginawa ni Bagong Henerasyon (BH) party-list Rep. Bernadeth Herrera ang nasabing suhestiyon habang iniimbestigahan ng House committee on public accountability at good government ang water concession agreement sa Manila Water at Maynilad. “We want a meticulous audit of the MWSS water contracts. We want every name, every signature, every initial, every person who had any role in…
Read MorePAG-VETO SA 2020 BUDGET HINILING KAY PDU30
(NI BERNARD TAGUINOD) HINILING ng Makabayan bloc kay Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan muna ang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion matapos ibunyag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na umaabot sa mahigit P90 Billion na ‘pork barrel’ ang nailusot dito at kung kinakailangan ay dapat aniya itong i-veto. Ginawa ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang nasabing hamon matapos ratipikahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang 2020 national budget at nakatakdang dalhin na ito sa Office of the President para lagdaan ng Pangulo. “Ang hamon namin sa Malacanang mismo…
Read MoreCHINESE SEX RING NAMUMURO NA SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) MAG-IIMBESTIGA na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa sex rings o prostitution syndicate na pinatatakbo ng mga sindikato ng mga Chinese national sa bansa. Sa resolusyong ihinain ng mga militanteng mambabatas, inatasan ng mga ito ang House committee on women and gender equality na mag-imbestiga sa paglaganap ng prostitution ring sa bansa kasabay ng pagdami ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO). Base sa resolusyon ng mga militanteng solon, mga POGO wokers ang kliyente ng mga Chinese sex rings kung saan, ang mga biktima ng mga ito ay…
Read More54-ANYOS PATAY SA MENINGO SA BULACAN
(NI ELOISA SILVERIO) ISANG 54-nyos na lalaki ang iniulat na nasawi matapos tamaan ng sakit na meninggococemia sa bayan ng Bulakan, Bulacan. Ang biktima ay nakilalang si Ricardo Dela Cruz, residente sa nabangit na lugar na namatay nitong Miyerkoles sa San Lazaro Hospital sa Manila makaraang irekomenda na itong ilipat ng ospital ng pamunuan ng Gregorio Del Pilar District Hospital sa bayan ng Bulakan na unang pinagdalhan sa kanya. Nabatid na una nang nadala sa nasabing district hospital si Dela Cruz dahil na rin sa mga sintomas ng sakit na…
Read MoreP1-B SA TURISMO KINITA SA SEA GAMES
(NI ABBY MENDOZA) IPINAGMALAKI ni House Speaker at Philippine Sea Games Organizing Committee Chair Alan Peter Cayetano na nakatulong nang malaki sa ekonomiya ang katatapos na 2019 South East Asian Games, isa na rito ang pagpasok ng mga turista na kumita ang bansa ng mahigit sa P1 bilyon. Ayon kay Cayetano ang inisyal na pumasok na revenue ay P1B, kanilang inaasahan na madaragdagan pa ang datos sa mga susunod na araw. Sinabi ni Cayetano na hindi natatapos sa hosting ng bansa ang nakalilipas na Sea Games dahil nangako ang Pilipinas…
Read MorePOGO WORKERS BIBIGYAN NA NG ID SIMULA ENERO
(NI ABBY MENDOZA) SIMULA sa Enero 2020 ay iisyuhan na ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) ng Gaming Employment License (GEL) identification cards ang lahat ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Ayon kay House Committee on Games and Amusement Vice Chairperson at Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong, mahalagang mayroong mga ID ang mga POGO worker para na rin sa kanilang proteksyon at mamonitor sa harap na rin ng pagdami ng foreign workers. “We cannot pretend anymore that POGO industry is small. We should have…
Read More