(NI BETH JULIAN) GAYA ng nagdaang taon, si Director Joyce Bernal ang muling mangunguna sa official coverage ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ang kinumpirma ng mga opisyal ng Radio Television Malacanang sa ginanap na pulong sa media para sa ika-apat na SONA ng Pangulo sa Hulyo 22. Ayon kay Malacanang Radio, TV director Pabalan, ipinakita na kay Direk Joyce ang mga bagong ilaw, LED screens at iba pang gamit ng Kongreso. May mga nag-upgrade din sa mga equipment sa House of Representatives na…
Read MoreAuthor: Jet
PANGINGISDA NG CHINA SA EEZ NILINAW NI PANELO
(NI BETH JULIAN) MAY bagong paglilinaw ang Malacanang kaugnay sa pahayag nito sa pangingisda ng mga Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Sa pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, matapos niyang panoorin ang interview ni Pangulong Rodrigo Duterte at basahin ang transcript nito, lumalabas na ang ibig sabihin nito ay hindi papayagan ng China na mangisda ang kanilang mga mamamayan sa EEZ sa Pilipinas dahil itinuturing nila ang mga Filipino na kaibigan. Sinabi pa ni Panelo na alam din ng China na kapag ito ay nangyari, magdudulot lang…
Read MoreDEATH PENALTY BILL IHAHAIN ULI SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) MAYROON nang counter measure sa Kamara ang panukala ni Senator-elect Ronald Bato’ dela Rosa na buhayin ang Death Penalty Law matapos mabigo ang Kongreso na maipasa ito ngayong 17th Congress. Ayon kay ACT-CIS party-list Rep-elect Nina Taduran, isa sa una nilang ihahaing panukala ay ang pagbuhay sa death penalty law para aniya sa mga karumal-dumal na krimen. “As anti-crime advocates, isa iyan (death penalty bill) ang una naming ipa-file pagbukas ng 18th Congress,” pahayag ni Taduran. Gayunpaman, hindi lahat sa mga krimen gagamitin umano ang panukalang ito kundi sa…
Read MoreSONG JOONG KI AT SONG HYE KYO, HIWALAY NA
NAG-TRENDING agad worldwide sa Twitter ngayong Huwebes ang balitang hiwalayan ng popular na Korean couple na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo na bida sa big Asian hit na “Descendants of the Sun.” Sa isang statement, nag-apologize si Joong Ki sa mga fans “who love and care for me” at humingi ito ng pang-unawa. “I have begun the process of filing for divorce from Song Hye Kyo. Rather than denouncing one another and arguing over who is to blame, I hope that the divorce process can be wrapped…
Read MoreTRANSLATION SA LABEL NG IMPORTED GOODS INIUTOS NG DTI
(NI ROSE PULGAR) IPINAG-UTOS ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyante na lagyan ng Ingles o Filipino translation ang label ng mga dayuhang produkto sa merkado, partikular sa supermarket sa bansa. Sa oras na hindi sumunod, babala ng DTI, papatawan ng parusa ng P1,000 hanggang P300,000 multa habang sa ikatlong paglabag naman ay maaaring ipasara ang establisimiyento dahil sa paglabag. Paglilinaw ng DTI, dati nang may utos ang Food and Drug Administration (FDA) na dapat may pagsasalin sa English o Filipino sa pakete ng mga imported na…
Read MorePNP TULOY SA PANGHUHULI SA JUETENG OPERATORS
(NI NICK ECHEVARRIA) PATULOY pa rin ang gagawing panghuhuli ng Philippine National Police (PNP) sa mga sangkot sa operasyon ng jueteng sa bansa, ayon kay P/Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP). Gayunman, sinabi ni Banac na ipauubaya na nila sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pahayag na mas gugustuhin pa nito ang patuloy na operasyon ng jueteng kesa drug trafficking sa bansa dahil nagiging kabuhayan o source of living na ng mga mahihirap na Filipino ang jueteng. Ayon kay Banac, mananatili ang kanilang pagtupad sa kanilang…
Read MoreCOMMERCIAL FLIGHTS SA SANGLEY AIRPORT HILING PAG-ARALAN
(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ng isang senador ang Department of Transportation (DOTr) na pag-aralang mabuti ang planong paglilipat ng mga commercial flights sa Sangley Airport sa Cavite. Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, nauunawaan nito ang agam-agam ng Philippine Airlines at AirAsia na dahil sa kawalan ng sapat na pag-aaral ay malaki ang magiging epekto nito sa mga domestic at international air passengers. “Kailangan muna ng masusing pag-aaral bago gumawa ng malawakang paglipat dahil baka mahirapan ang ating mga pasahero, lalo na ‘yong mga may hinahabol na transfer flights sa ibang…
Read MoreTRO VS DETALYADONG PRESYUHAN SA LANGIS HININGI
(NI ROSE PULGAR) UPANG mapigilan ang pagpapatupad ng ‘unbundling policy’ sa mga produktong-petrolyo, humirit ng magkahiwalay na temporary restraining order (TRO) ang kumpanyang Pilipinas Shell at Petron laban sa pamunuan ng Department of Energy (DOE). Nitong Huwebes ay humingi ng TRO ang Shell sa Taguig City Regional Trial Court habang isang pang korte sa Mandaluyong City na kung saan nagpasaklolo naman ang Petron Corporation. Nauna nang gumawa ng kahalintulad na hakbang ang mga grupo ng Petroleum Institute of the Philippines (PIP) sa isang korte sa Makati City noong nakaraang buwan.…
Read MoreIMPEACH DUTERTE? DEPENDE SA MINORYA SA 18TH CONGRESS
(NI BERNARD TAGUINOD) NAKADEPENDE kung sino ang magiging minority leader at kung gaano karami ang oposisyon sa 18th Congress ang kahihinatnan ng impeachment case na maaaring isampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin sa West Philippine Sea. Ito ang nabatid kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin dahil sa pahayag ni Duterte na pinapayagan nito ang mga Chinese na mangisda sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas na isa aniyang paglabag sa Saligang Batas o culpable violation of the constitution. Inayunan din ni Magdalo Rep. Gary Alejano na lalabagin ni Duterte…
Read More